FUMIKO'S POV:
TAHIMIK ang bahay nang dumating ako. Wala pa si Kuya habang si Papa naman mukhang abala pa sa pamamasada at si Mama na abala rin sa pagtitinda ng kakanin.
Ako lang ang naiwan sa bahay kaya naman agad akong dumiretso sa kwarto ko at pasalampak akong nahiga sa kama ko.
"Thunder Clyborne Dierkshed and that guy I met from the garden. Ibang klase din talaga ang kinahinatnan ko kanina." Napapailing na bulong ko sa sarili.
Ngunit ganun na lamang ang gulat ko nang tumunog ang phone ko at nakita kong tumatawag si Aries gamit ang skype kaya naman agad ko itong sinagot pero mukha ni David ang bumungad sa akin.
"Bat na sayo ang phone ni Aries?" Usisa ko kay David na seryoso lang nakatingin sa akin.
"Aries told me to call you using his phone so I did. Anyway, where are you?" Aniya na tila napipilitan pa.
Bumangon ako sa kama at hinarap ang screen ng phone kung saan naroon ang mukha ni David.
"Nasa bahay, bakit?"
"All of us gathered here at Aries's house for a party. Wanna come?" Anyaya nito.
Pinakita niya pa ang paligid at naroon sila sa garden na siyang paborito naming tambayan. Naghahanda ng grilling machine si Aries habang si Bugoy naman ay may buhat ng isang case ng alak at mukhang may balak silang uminom ngayong gabi samantalang si Yakuji ay abala sa cellphone nito at mukhang may kausap. Kaya naman napangiwi ako nang humarap ulit si David sa camera.
"Ano bang trip yan at balak niyo pa atang maglasing?"
"It's our celebration for winning that prize although we don't want it but Aries and Bugoy initiate it. Pinagbigyan na lang namin kahit na busy kami ni Yakuji."
Nasapo ko na lang ang sarili kong noo dahil mukhang naabala pa ni Bugoy at Aries sina David at Yakuji.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago muling humarap kay David. "Wala pa ang parents ko rito at isa pa kakauwi ko lang galing sa university para mag-enroll. Hindi ko rin alam kung papayagan ako ni Mama na pumunta dyan since magpapasukan na sa mga susunod na araw."
"Which school are you enrolled in?" Usisa ni David.
Nakita ko pa sa background si Bugoy na kumakaway nang maupo si David sa isang silya at mukhang kanina pa sila doon.
"I enrolled in L.A University. It was my dream to enter that school, that's why I fought that game for the scholarship."
"Yakuji and I also study there and it seems that Aries and Bugoy enrolled there as well."
Laglag ang panga ko sa sinabi ni David. "Ni hindi man lang sinabi sa akin? Ang unfair ha!?"
"I heard you, Fumiko. Mas nauna kang mag-enroll sa amin ni Bugoy kaya nagpasama na lang kami dito kina David bago dumiretso rito sa bahay." Sabat naman ni Aries.
Napanguso na lang sa sinabi niya. Kung sana sinundo na lang nila ako rito sa bahay para sabay-sabay kaming nag-enroll diba? Parang nakakatampo yata!?
"Ewan ko sa'yo! Mamaya pa naman siguro kayo dyan diba? Magpapaalam muna ako kay Mama kung papayagan niya ako o hindi."
Inagaw ni Aries ang phone niya mula kay David at siya na ngayon ang kaharap ko.
"Come on, Fumiko huwag ka nang magtampo. Masyado ka lang kasing excited na pumasok sa university kaya nakalimutan mo kaming sabihan. Anyway, text me if you want to get here so that I can fetch you."
"Kaya tayo napagkakamalang mag-syota dahil dyan sa ginagawa mo." Singhal ko rito.
Nagsalubong ang kilay ni Aries. "What's wrong with it? Wala namang masama kung sunduin kita sa bahay niyo diba? Babae ka naman."
BINABASA MO ANG
Clever Game
Romance**[BLOODFIST SERIES 7]** Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing...