Kabanata 2

3 0 0
                                    

Kabanata 2

Sa kaniya

Isang linggo rin ang nakalipas matapos kong matagpuan si Tupe sa laot. Sa mga nagdaan araw na iyon ay nagbago ang kanyang pakikitungo sa amin. Kapag kinakausap siya ay sumasagot naman ito ngunit tumatahimik rin kalaunan.

Ako rin halos ang kasama niya dahil palaging wala si Aling Tesing dahil pumupunta ito sa palengke upang magbenta ng mga isda kasama ang asawa. Paminsan-minsan na lamang rin akong nakakapangisda dahil nga hindi ko maiwan si Tupe.

Ngunit nitong hapon lamang na ito ay nakapangisda ako dahil maagang nakauwi si Aling Tesing kaya't siya na muna ang kasama ni Tupe. Nasa plaza din kasi si Trio at Mimi upang mamasyal.

Kasalukuyan naman akong nasa laot kasama ang aking kaibigan si Isabel.

"Bes, punta tayong kabilang bayan sa sabado, ha?" aniya.

"Bakit? Anong meron?" kasalukuyan ko nang inaayos ang lambat upang handa nang itapon sa dagat.

"May tournament ng taekwondo doon. Gusto kong sumali,"

"Kakasali mo lang noong isang araw sa Anibersaryo ng San Agustin tapos ngayon sasali ka na naman? Magpahinga ka kaya muna?"

Napahinto ako sa paggawa nang mapansin ang mahaba niyang nguso.

"Sayang yung premyo! Gusto kong makuha!"

"Hoy, Fortier, sobrang yaman mo na kaya hindi mo na kailangan yun. Tsaka lagi ka namang nananalo, e. Andami mo na ngang medalya at trophy. Ipagpahinga mo muna iyang katawan mo!"

Totoong sobrang yaman na ng aking kaibigan na si Isabel. Ang kanilang pamilya ang pinakamayang angkan dito sa Poblacion Hermosa. Isabelliana Trancia Fortier ang kanyang tunay na pangalan. Siya ay nag-iisang anak ni Mayor Tranciano Fortier. Ang mapagkatiwalaang Mayor ng Poblacion Hermosa. Hindi niya rin kilala ang kanyang tunay na ina at tanging kanyang stepmother lang ang naroon sa kanya. Ang kaisa-isang taong hindi niya gusto.

Lima silang babaeng Fortier ang narito sa Poblacion Hermosa. Walang lalaking Fortier maliban sa kanilang mga ama. Lahat sila ay magpipinsan. At ito lang si Isabel ang hindi mapili dahil mas sinanay niya ang kanyang sariling magsipag sa mga bagay na gusto niyang makuha.

"Bes, kailangan ko nga talaga yun! Alam mo namang may premyo yun, e!" maktol niya.

"Ayan ka na naman sa premyong yan, bes, e. Ako talaga nag-aalala diyan sa katigasan ng ulo mo. Baka sa susunod, bali na yang paa mo kakasipa!"

Tumayo na ako upang ihanda ang paghagis sa lambat. Padabog ring tumayo si Isabel saka tinulungan ako sa paghagis. Inayos ko muna ang lambat sa pagkakahawak saka ko ito hinagis. Tinulungan niya naman akong isaayos ulit iyon upang mas malawak ang buka nito sa ilalim ng tubig.

"I'm trained! Kaya imposible yang sinasabi mo. Bes, naman. I played taekwondo simula pa nung bata ako. And I already got my black belt 8 years ago. Ngayon ka pa talaga mag-aalala?"

Napabuntong-hininga na lamang ako at umupo ulit matapos ang paghagis ng lambat sa dagat. Medyo maalon rin dahil hapon na ngunit dahil sanay na ako ay hindi na ako nakakaramdam ng hilo.

"Ang akin lang naman kasi ,dapat hindi mo inaabuso yang katawan mo. Magpapabugbog ka na nga lang, sunod-sunod pa." inirapan ko siya.

Lumapit siya sa akin at umupo sa harap ko. "Bes, ngayon lang 'to. Promise! This will be the last time na sasali ako ng sunod-sunod. Kailangan ko lang talaga makuha ang premyo! Alam mo naman na nag-iipon ako diba?"

Ngumiwi ako nang magpacute ito sa harap ko. Sanay naman na ako na ganito ang aking nag-iisang kaibigan pero hindi ko pa rin talaga maiwasan ganitong reaksyon lalo na kapag nangungulit ito.

The Heart of the Wildest Wave (Madrande Series #1)Where stories live. Discover now