Prologue

1 0 0
                                    


Umuulan nung gabing 'yon...

"Ijo ito pagkain para may makain kayo ng mga kasama mo." Sabi ng matandang lalaki.

"Manong!, Salamat po hindi po namin makakalimutan ang inyong kabutihan!" Pagpapasalamat naman ng binatang lalaki at nginitian pa ang matandang lalaki.

"Nako ijo! Hindi ako ang dapat pagsalamatan mo. Anak ng amo ko ang nagpilit sa'kin na ibigay nalang n'ya sa'nyo 'yan." Sabi ng matanda at tumingin sa kotseng nakaparada sa gilid ng kalsada.

Ibinababa naman ng babae ang salamin ng kotse at tinignan ang mga batang paslit na nasa gilid ng kalsada.

Ang batang babae na paslit ay kumaway at ngumiti nang malaki sa babae na nasa loob  ng kotse. At nginitian din ng batang babae ang batang paslit.

"Ah gano'n poba?, maaari po ba na sabihin n'yo sa kan'ya na kami'y nagpapasalamat nang lubos?" Pagtanong ng binatang lalaki sa matandang lalaki at tsaka naman ngumiti ang matandang lalaki sa batang paslit at nilagay ang kan'yang kamay sa ulo ng batang lalaki.

"Sige ijo, Ako'y maunan nadin at baka magalit ang amo ko." Ngumiti ang matanda at naglakad na papunta sa kotse at sumakay ito sa driver's seat.

Ang mga batang paslit ay muling nagpapasalamat at ngumiti sa batang babae.

Pina-andar na ng matandang lalaki ang kotse at tuluyan nang umalis.

-----------------------------------------------------------

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa aking mga mata.. "Hmm.. That dream again." Bumangon na ako sa aking kama at dumeretso sa banyo.

Tinignan ko ang aking sarili sa salamin. "You're full of flaws." Pagka-usap ko sa sarili ko sa salamin.. Hindi ako baliw talagang nakasanayan Kona 'yon.

Ako lang at ang aking Ama ang halos tao sa bahay at ang aming mga kasambahay. Ang mga magulang ko ay nagdesisyon na maghiwalay dahil nadin sa hindi pagkaka-ayusan.

My dad doesn't spend time with me too.. He's too busy with his company na halos wala na s'yang time para sa nag-iisa n'yang anak.

Lalabas na ako ng banyo nang may kumatok sa pinto ng aking kwarto. "Mam, Good morning po si Selia po 'to" Si Selia.. ang kasambahay namin na lagi kong nakaka-usap.

Binuksan n'ya ang pinto at nilapag ang dala-dala n'yang tray sa aking higaan. "Breakfast in bed po Mam." Ngumiti sa'kin si Selia at inayos ang aking kakainin. Tumango lang ako at pumunta sa walk in closet ko.

I picked a casual clothe since wala naman akong lakad ngayong araw since wala naman kaming pasok ngayon.

Iam wearing a blue short and a beige crop-top at pinusod ko ang buhok ko gamit ang clam.

"Mam, handa napo ang inyong pang-umagahan" Tumango ako kay Selia at umalis na s'ya ng aking kwarto. Nagsimula na akong kumain at natapos din naman ako kaagad since wala akong appetite sa ngayon.

Tinawag ko si Selia at agad naman s'yang dumating sa aking kwarto at kinuha ang tray na nasa higaan ko, Tinanguan n'ya lamang ako at umalis na sa aking kwarto.

Kinuha ko ang aking cellphone sa ibabaw ng bedside table at pumunta sa Instagram at nag scroll lamang.

Ilang minuto din akong nag-scroll sa Instagram hanggang may natanggap akong message galing sa isa kong kaibigan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His DESIRE -DailydoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon