Nag iisang anak si Ema. Siyam na taong gulang, at mahilig siyang makipag-kaibigan, lalo na sa mga kasing-edad niya.
Isang araw, may nakita siyang batang lalaki na kasing edad niya, nag lalaro ang bata malapit sa bahay nila. Maamo ang mu'ka nito at naka-suot ng damit na mahahalatang luma na.
Nilapitan ni Ema ang bata at kina-usap.Ema: Hello! I'm Emma, ikaw, anong pangalan mo?
Bata: K-kenji. Kenji ang pangalan ko.
Ema: Tara, Kenji! Laro tayo dun o!Hinila niya ang kamay nito at pumunta sa parke. Matapos nilang mapagod kaka-laro, umupo sila sa swing.
Ema: Kenji, saan ka nakatira?
Kenji: A-ah. Wala akong bahay. Tumakas ako sa bahay-ampunan. Ayo'ko na doon.
Ema: Oh.. sorry..
Kenji: 'Wag ka mag sorry, 'di mo naman kasalanang iniwan ako ng mga magulang ko.
Ema: Hm.. gusto mo saamin ka nalang tumira? Wala kasi akong kapatid, siguro naman papayagan ako nila Mommy na saamin ka na tumira.
Kenji: Sigurado ka ba? Baka magalit mga magulang mo.
Ema: Ano ka ba, hindi 'yan! Halika na, dali!Masayang inalalayan ni Ema ang kaibigan pa-punta sakanilang bahay.
Ema: Mom, Dad! May ipapakilala po ako sainyo!
Ivy (Ina ni Ema): Sino 'yun, Ema?
Ema: 'Eto po o! Meet Kenji, my new friend! Itatanong ko po sana kung pwede po s'ya dito nalang s'ya tumira. Wala po kasi s'yang bahay.
Arnaldo (tatay ni Ema): Hindi. Hindi s'ya titira dito.
Ema: But why!?!?Umiyak si Ema habang nagma-makaawa sa mga magulang niya, hanggang sa pumayag na ang mga magulang niya.
Naging masaya si Ema sa mga araw na kasama niya si Kenji sa bahay nila. Para silang tunay na magkapatid. Magka-sama silang kumain, matulog, at tumakas para mag laro sa parke. Ngunit isang araw biglang nag bago ang kilos nila.
Ema's POV
Inutusan ako nila Mom para kunin ang bag niya. Pero pag bukas ko ng pinto, nakita ko si Kenji na itutulak ang vase na nakalapag malapit sa binta nila.
Emma: Kenji! Anong gagawin mo!?
Ngumiti lang siya ng nakaka loko at tinabig ang vase.
Maya-maya pa ay pumasok ang kanyang Ina sa pinto
Ivy: Anong nangyari, Ema?! Anong ginawa mo!?
Emma: Hindi po ako! Si Kenji po 'yung tumabig nung vase!
Arnaldo: Kenji? Bakit mo sinisisi si Kenji?Bago ko man ituro si Kenji, naka labas na ito ng kwarto.
Pinagalitan si Ema ng mga magulang niya at hindi pinalabas ng kwarto nito.
Nang hinayaan na siya makalabas ng bahay, at makalabas ng kwarto, naisip niyang pumunta ng parke. Hindi niya pinansin si Kenji Hanggang sa makabalik s'ya.Pag balik niya, nang maka-pasok s'ya sa bahay nila, laking gulat niya nang makita si Kenji na hawak ang baseball bat. Ngumiti nanaman ito ng nakaka loko at ini-swing ang hawak hinampas ang mga gamit sa salas.
Ema's POV
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa ni Kenji. Hinampas niya lahat ng gamit na nakikita niya gamit ang hawak na baseball bat.
Ema: Kenji, ano ba!
Sumigaw ako nang sumigaw para pigilan siya ngunit hindi ko magawang lumapit.Ivy: EMA, TAMA NA!
Ema: Ako? Bakit ako nanaman?! Si Kenji nga! Hindi nyo po ba nakikita?!
Arnaldo: EMA, STOP! ENOUGH ALREADY! Walang Kenji, wala!Nilibot ko ang paningin. Na alala ko– ang pag basag ko sa paso nila Mom. Bilga akong napatingin sa hawak kong baseball bat.
Pero...ang kaibigan ko 'yun.. diba?
Author - hi readers, wala lang ako magawa diyan, sana naintindihan niyo.