KUTOB

6 0 0
                                    

sa unang gabi, sakit ang daloy sa isip ay nag papahiwatig na alam na may sasabihin,
pero alam kong hindi pa handa at pansin ko sa iyong paningin,
mata ay tila nag aalinlangan na tumingin sakin,
at biglaang nag iba ang ihip ng hangin,

alam kong may mali,
o ako ang mali,
sakit ay nasa isipan,
puso ay naguguluhan.

ngunit bawal pangunahan ang isip,
na baka hindi pag-ibig ang ipahiwatig,
daming tanong sa panaginip,
marami boses ang nadirinig.

hinintay ko lang na ikaw ang mag sabi,
nanatili na kalmado ang sarili,
gustohin ko man maging mapanuri,
baka mapagod lang at maubos ang lakas sa huli.

at nagising sa panaginip na puro katanungan,
lahat ng inaasahan ay naging kabaliktaran,
at wala rin namang karapatan,
respetohin ang kagustuhan.

tama ang hinala,
nawala ang pagtitiwala,
sana alam na noong simula,
kung sakalin masaktan ay handa.

ngunit hindi,
hindi handa sa biglaang hasik,
kay bathala ay nagbabasakali,
na ang oras ay bumalik.

na sana makalimutan,
na sana maaga ko nang nalaman,
na sana hindi umasa ng lubos,
na sana ako ay di maubos.

mga kathang isip,
na di akalaing nangyayari pala,
laman ng puso ay tila masikip,
at hindi makahinga.

mas mabuting taposin,
ito ay wala sa hiling,
alam ko lang naman ay ikaw ay mahalin,
ngunit walang pagmamahal na mubalik sakin.

tapos na, tama na, puno na

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 19 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KUTOBWhere stories live. Discover now