Kabanata 2

3.1K 235 43
                                    

KABANATA 2

Kahit mainit ang panahon, itinuloy pa rin ni Sandra ang gawain para sa araw na iyon.

Iyon din ang araw na pinili ng air-conditioner ng kanyang auto na masira. Tuloy, para siyang natutunaw na yelo pagdating sa patahian ng damit!

"M-Maayong bun...tag! P-Pasensya na... p-po at nahuli... ako, Tiya Udelia!" pasinghap-singhap pa si Sandra na tumakbo agad papasok pagkatapos iparada ang auto sa tapat lang niyon.

Hindi niya pa malaman kung saan unang ipapahid ang panyo sa katawan. Pawisan siya sa lahat ng sulok, lalo na sa kili-kili! Nakakahiya sa ina ng kanyang nobyo!

"Mukhang pagod na pagod ka, Lyssandra, hija. Sandali lang at ipapakukuha kita ng tubig." Lumingon ang magiging biyenan sa alalay nito. Nag-utos.

"Pasensya na po, Tiya. Umalis po ako sa bahay na katatapos lang maligo at mabango pa sana. Ngunit nasira ang AC ng auto habang nagbabaga ang init sa labas." Nahihiyang napakamot siya sa sentido.

Limang minutos lang siyang nahuli. Ngunit sa ilang taon niyang nakakasama ang pamilya Honradez, nakabisado na ni Sandra ang ugali ng mga magulang at mga kapatid ni Uriah.

Ang ina ni Uriah na si Udelia Honradez ay isang punong-guro sa mataas na paaralan. Napaka-istrikto nito sa oras. Mabait naman ito. Gayunpaman, batid niyang napakahalaga rito ang bawat minuto kahit itago nito ang inis.

"Pasensya na ulit, Tiya." Sinikop niya ang mahabang buhok at itinali nang mataas mula sa likod. Nagpunas na siya sa batok at leeg. "Hindi ko po inaasahan na magkaka-problema pa ngayon ang auto. Idagdag pang unang beses yata sa buong Monte Amor na maging ganito kaalinsangan ang panahon."

Laging mahangin sa kanilang probinsya kahit panahon ng tag-init. Subalit sa araw na iyon, pati ihip ng hangin ay tila ay nakakapaso!

"I agree with you, hija. Iba ang init ng panahon ngayong araw." Marahan itong nagpaypay mula sa abanikong dala-dala. Mukhang hindi naman nainis sa kanya, mas sa panahon pa.

Bumalik ang alalay nito at inabutan siya ng isang baso ng tubig na umaapaw sa yelo.

Tinungga niya agad iyon bago pa niyang maisip na ibuhos na lang sa katawan. Nanlalagkit na siya kaagad! Pinakahihintay niya pa naman ang araw na iyon.

Matagal na siyang nasukatan para sa kanyang traje de boda. Naghintay sila ng ilang buwan upang matapos sa pagtatahi. Ngayon ang araw na unang beses niyang isusukat ang bestidang pangkasal. Upang kung may mga ibabawas o idadagdag ay maagapan pa.

Sa susunod na linggo ay halalan na. Sa susunod na buwan, magpapakasal na sila ni Uriah. Eksakto ay tapos na rin sigurong bilangin ang mga boto ng mga panahong iyon.

If Lyssandra Salamanca is going to be Monte Amor's first lady soon, she didn't care that much. Ang mahalaga lamang sa kanya ay sa wakas, magpapakasal na sila ni Uriah.

They have been together since she was eighteen. Pitong taon na silang mag-nobyo't nobya mula noon. Para sa kanya, ito na ang perkpektong pagkakataon upang lumagay na sila sa tahimik.

Kahit sanay siyang walang pakialam sa sinasabi ng ibang tao, hindi maiiwasang lagi niyang naririnig na masyado na silang nahuhuli ni Uriah sa pagpapakasal.

Ano pa raw ba ang hinihintay nilang dalawa at napakatagal nilang makarating sa dambana ng simbahan?

At that period of time, a woman not married in her twenty-fifth year could be considered an old maid. Ngunit anong tawag kung umabot ng beinte-singko anyos ang babae habang may nobyo naman?

Mas malala ang usapan dahil ang iba niyang naririnig, baka raw hindi pa sigurado si Uriah sa kanya kaya't hindi siya pinakasalan agad.

O baka naman daw masahol ang pag-uugali ni Sandra at tinitiis lang ni Uriah. Masyado lang raw maginoo at mabait ang binata upang makipaghiwalay sa kanya.

Pagkatapos Ng Lahat (Valleroso #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon