Portrait
────⊱🥀⊰────
Kianna's Point Of View
Hindi ko aakalaing mararanasan ko ang ganitong buhay. Akala ko katapusan ko na noon dahil pakiramdam ko pinaparusahan ako ng mundo.
Lubos akong nagpapasalamat dahil nagtagpo ang landas namin ng isang taong may mabuting puso.
Naaalala ko pa kung paano niya paulit-ulit na sinasabing kamukhang-kamukha ko raw ang anak niyang si Don Xiy. Sinabi pa niya na baka ako na raw ang nawawala niyang apo. At kahit naguguluhan ako noon, tinanggap ko pa rin ang alok niyang tumira sa pamamahay niya.
Ni hindi ko alam na nakatira pala siya sa isang malaking bahay na nagmimistulang palasyo.
"Kina, apo! Nakahanda na ang tanghalian!"
Nakangiti akong lumingon sa kanya.
She is a pure-blooded Filipino who was married to Ruciardio Garcia, a half - Spanish man.
Karamihan sa mga nakatira sa subdivision na ito ay tinatawag siyang isang pilipinang marilag dahil sa hindi kumukupas niyang kagandahan at sa busilak nitong puso.
Magkasundong-magkasundo kami ni Lolita Louisita lalo na sa maraming bagay. Makalipas ang limang taong bangungot ng aking buhay, isa si Lolita sa humubog sa pagkatao ko. Tinuruan niya ako kung paano magbasa, magsulat, maglinis, at higit sa lahat, itinuro niya kung ano ang tama at mali.
Sa kanya ko natutunan kung paano makihalubilo sa mga taong nasa paligid ko. Natuto akong bumuo ng mga kaibigan, natuto akong magmahal at natuto rin akong pahalagahan ang sarili ko.
"Do you like this dish?" tanong ni Lolita na siyang ikinatango ko. Nilagyan niya ang plato ko ng sapat na ulam at kanin. Pinaghandaan niya rin ako ng tubig.
"Lolita," pigil ko sa kanya. "Kaya ko na pong ipaghanda ang sarili ko. Dapat nga 'ho sa inyo ko iyan ginagawa kaso lagi niyo akong nauunahan" nakangiting sambit ko.
"Nako apo, hanggat humihinga pa ako, gusto kong iparamdam sa'yo kung paano magmahal ang isang ina." Nakangiting sambit ni Lolita. Napangiti ako lalo sa sinabi niya.
Bata pa lamang ako, hinangad ko na ang magkaroon ng kumpleto at perpektong pamilya. Ngunit dahil sa ipinaparamdam sa'kin ni Lolita, nakuntento ako na siya lang ang pamilya ko.
I never expect my life to change this instant because of the love she had showered upon me.
"Tsaka nga pala. Balak kitang itransfer sa paaralang pinapasukan ng mga pinsan mo. Siguro panahon na para makilala mo na rin sila." nakangiting sabi ni lolita na siyang ikinatigil ko.
Magugustuhan kaya nila ako? Dahil inampon lang ako ni lolita. Matatanggap ba nila ako kagaya ng pagtanggap sa'kin ni lolita? O baka maging masama ang trato nila sa'kin katulad kina Amang Sanvi?
Sana naman sa pagkakataong ito, mga babae ang makikilala ko at hindi na lalaki. Kinamumuhian ko sila ng lubos. Lumipas ang limang taon, nandito pa rin ang sakit at kahit hindi ko sabihin, sariwang-sariwa pa rin ang mga ala-ala na iniwan nila. Nandito pa rin yong takot na nararamdaman ko. Isa itong malaking bangungot para sa akin.
Tumayo si lola at may kinuha sa sala. Bumalik din naman siya agad at ngayon naman, may hawak siyang kayumangging sobre.
Hinarap niya ako at iniabot sa akin iyon.
"A-ano po ito?" tanong ko.
"Buksan mo." Nakangiting sambit ni lola na agad ko namang sinunod.
YOU ARE READING
The Only Rose Among The Thorns: Behind The Hood (On going)
Misterio / SuspensoUnexpected encounters and circumstances change our lives on a continuous basis. By the time she was adopted by an affluent elderly woman, she had led an ordinary life. However, her life drastically changed just before she turned eighteen. Everythi...