Ikaw lang
Kagigising ko lang pero ang bungad sa akin ay isang dosenang pulang rosas. Binigyan ko ng chance si Silver na ligawan ako.
I could see that he's a good man. Sa araw-araw na panliligaw niya sa akin kahit hindi ko siya pinayagan, ang pursigido pa rin niya.
Siguro dapat lang na bigyan ko siya ng tiyansa na patunayan ang sarili niya. Ako lang talaga ang pumipigil sa kanya.
Ilang beses ko siyang pinagtabuyan at sinabihan na hindi ko siya magugustuhan pero sa huli, pinagbigyan ko pa rin siya.
What the hell is wrong with me? I keep on using the push and pull method yet here I am, letting him do whatever he wants.
Bumangon ako at kinuha ang cellphone ko. Binuksan ko ang messenger at rumehistro doon ang pangalan ni Silver.
Silver: Good morning, pretty. Ang ganda mo kahit tulog.
Silver: Dumating ako diyan pero ang sarap pa ng tulog mo kaya pumunta muna ako sa malapit na convenience store.
I yawned a little and then replied to him.
Ako: good morning!
Wala pang ilang minuto ay tumunog ang cellphone ko. Si Silver 'yon, tumatawag.
Sumandal muna ako sa headboard ng kama ko at niyakap ko ang aking tuhod ko na nilagyan ko ng unan para lang takpan ang dibdib ko.
I made sure naman na wala na akong muta at maayos na ang aking buhok bago sagutin 'yon.
"H-Hello..." Alanganin ang boses ko.
Nakikita ko siya. Nakapatong ang cellphone niya sa kung saan pero inahon niya 'yon at tanging nakikita ko na lamang ay ang kanyang dibdib dahil bukas ang dalawang butones nito at mukha niya.
Nanuyo bigla ang lalamunan ko. Umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Bakit ka pa tumawag? Pwede ka naman bumalik dito." Ani ko.
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. "Sus! Na miss mo na ba agad ako? At gusto mo na akong makita?"
Damn. He's fucking teasing me.
"Kapal ng mukha mo!" Utas ko. "Ibaba ko na ang tawag. Maliligo pa ako."
He pouted his lips and I could see something playful in his eyes. "Sama ako..." mahinang bulong niya.
Kinunutan ko siya ng noo. "Ang manyak mo!"
"Joke lang po, love. Ibaba mo na ang tawag. May klase pa tayo. Text mo ako kapag susunduin na kita." Sambit niya at natatawa pa rin.
Inirapan ko siya at ibinaba na ang tawag. Tumayo na ako sa kama at naligo na din. Pagkatapos ay nagbihis lang ako sa department uniform namin. Sinuklay ko ang mahaba at medyo wavy kong buhok at noong matapos 'yon ay kinuha ko na ang cellphone ko para i-text si Silver.
Ako: Sundo mo na po ako. Ingat ka!
Iyon ang sinabi ko pero wala pang isang minuto ay tumunog ang cellphone ko.
Silver: Nasa sala ako, pretty.
Napairap na lang ako. Kahit ilang buwan pa lang siyang nanliligaw sa akin ay mabulaklak pa rin siya magsalita. Oo, buwan. Kasi isinama na niya ang mga araw na hindi pa ako pumapayag na ligawan niya ako pero araw-araw naman niyang ginagawa hanggang sa opisyal kong pinaunlakan 'yon.
Bumaba na ako at natanaw ko na siya. Natayo lang siya doon pero nakatalikod sa may hagdan. He stood straight, firmly showing an aura of awaiting while wearing our department's tidy uniform, which was neatly pressed, with every curve and tuck meticulously placed. His button-up shirt, embroidered with the department's representation, was perfectly tucked into his fitted black slacks, showcasing his demeanor.
BINABASA MO ANG
Playboy's Confession
Genç KurguEntitled as the University Playboy, Silver A. Aquillo, an engineering student and a leader of the student council president sees dating like switching clothes and going over girls without a second thought not until his thoughts changes when he meets...