Strange
─────⊱🥀⊰─────
Kianna's Point Of View
"Lolita, anong oras po kayo nakabalik kahapon galing sa pagpupulong?" tanong ko kay Lolita. Naabutan ko siyang nag-aayos na ng hapagkainan pagkababa ko sa hagdan.
Bago ako umupo, nilagyan ko ng pagkain ang plato ni Lolita at gano'n din sa'kin.
"Medyo gabi na nang maka-uwi ako." Sabi ni Lolita.
"May nangyari po ba?" tanong ko bago umupo.
"Nagsisimula nanaman kasing magsikilos ang mga masasamang tao. Nireport sa'min kahapon na sunod-sunod na raw ang nawawalang dalaga dito sa loob ng subdibisyong ito." Napahawak si Lolita sa kanyang ulo.
"Lolita, try not to worry too much. Don't worry; I'll help you figure out a solution as soon as I've gained knowledge of such matters." sambit ko na siyang ikinangiti ni Lolita.
Habang kumakain ay napaisip ako kung sino ulit 'yong nagbigay ng blue card kay lola.
"Lolita," tawag ko sa atensyon niya.
"Bakit?" tanong niya.
"Sino po ulit 'yong nagbigay sa inyo ng blue card?" takang tanong ko.
"Pinsan mo, apo" sabi ni lola na ikinatango ko. Tumahimik na ako pagkatapos kong tanungin kay lola iyon.
Bigla akong kinabahan sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ko pa kasi sila nakikita.
"Tsaka pala, apo. Sa Saturday na ang birthday ng isa sa mga pinsan mo. Sa araw na iyon, ipapakilala na kita sa mga pinsan mo." nakangiting sabi ni lola.
Ngumiti rin ako pabalik pero naging ngiwi nga lang dahil sa kaba.
"Huwag kang kabahan. Alam kong gusto ka na rin nilang makilala" nakangiting sambit ni lola.
Tumango ako. Pagkatapos kong kumain ay agad akong pumunta sa kwarto ko upang makapag ayos. Naligo't naghanda para sa enrollment mamaya.
Kinuha ko rin itong isang sobre na naglalaman ng mga records ko sa dati kong pinapasukan na unibersidad.
Pagkatapos kong mag-ayos ay mabilis akong nagpunta kay lola para magpaalam na aalis na ako.
"Lolita, alis na po ako. Ingat po kayo rito." sambit ko bago hinalikan si lola sa pisngi.
"Teka lang apo. Tinawagan ko ang kaibigan mong si Sheena para samahan ka." sabi ni lola na ikinalingon ko sa kanya.
Magtatanong pa sana ako kaso isang busina ng sasakyan ang nagpatigil sa akin.
"Oh andyan na pala si Sheena, apo oh." hindi ko pinansin si lola bagkus ay nakatingin lamang ako sa gate naming unti-unting binubuksan ng mga maids.
Pagkabukas ng gate ay tumambad sa akin si Sheena na nakasandal sa kanyang kotse habang hinihintay ako. Nakangiti ito habang nakatingin sa'kin.
Nagpunta kami sa pwesto ni Sheena at nakipagbeso siya kay lola.
"It's a great day to see you, Lolita Louisita!" Nakangiting bati ni Sheena kay lola.
"Sheena" tawag ko sa kanya at sumilay ang ngiti sa labi ko.
"Emrys, dear! Waaaaah! Long time no see!" Mahigpit niya akong niyakap at gano'n din ako sa kanya.
"Sige na. Punta na kayo sa university. Baka mawalan pa ng spot si Kina doon." Sabi ni lolita. "Ingat kayo ha." sabi ni lola.
YOU ARE READING
The Only Rose Among The Thorns: Behind The Hood (On going)
Tajemnica / ThrillerUnexpected encounters and circumstances change our lives on a continuous basis. By the time she was adopted by an affluent elderly woman, she had led an ordinary life. However, her life drastically changed just before she turned eighteen. Everythi...