Kabanata 29
Nilingon ni Kali si Fin habang magang maga ang kanyang mga mata, buhaghag ang buhok at parang wala sa sarili. Nilapitan naman siya agad nito at tinanong kung ano nga ba ang nangyari. Nakita pala siya nitong tumakbo papalayo at nagtataka sa pangyayari pero hindi niya ito sinagot bagkus ay tumayo siya at niyakap itong mahigpit at umiyak nang umiyak.
Malaki naman ang pasasalamat niya at hindi na siya nito kinulit pa at niyakap nalang din pabalik at hinaplos ang kanyang likuran. Wala na siyang pake kung mukha siyang tanga sa ayos at sa ginagawa niya basta't maiyak lang niya ang lahat ng sakit na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Samantala, naroon naman si Melissa isa isang gilid at awang awa na nakatingin sa kanyang alaga. Napaluha na rin ito at nag-iwas ng tingin. Buong buhay niya ay ngayon lang niya itong nakitang umiyak nang grabe dahil sa isang lalaki. Talagang tinamaan na nga ng pag-ibig ang alaga niya.
Tumagal ang pag-iyak ni Kali ng isang oras at kalahati at sa mga oras na iyon ay hindi na nga ito nagsalita pa hanggang sa makatulog nalang ito sa pagod sa kakaiyak. Binuhat naman ito ni Fin agad at nang pabalik na sila sa bahay ay naroon naman sina Ran na kanina pa din ata hinahanap si Kali. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito at nang makita naman nitong buhat buhat ito ni Fin ay sumeryoso ang mukha ni Ran. Nilagpasan siya ni Fin nang akmang kukuhanin niya si Kali mula dito saka naman dumiretso sa kwarto para ihiga ang natutulog na dalaga.
Isang malakas na suntok ang natanggap ni Ran nang makalabas si Fin, hindi niya iyon inaasahan at hindi siya naka-ilag agad kung kaya't napahiga siya sa buhangin. Agad naman siyang tinulungan ng iba pang mga kaibigan at si Chance nama'y nakahawak kay Fin at pinipigilan ito. Pagkatayo naman ni Ran ay walang imik at padabog na naglakad papalayo si Fin nang hindi na lumilingon lingon. pa.
"Anong problema ng gagong yun? Lasing ba siya?" nagtatakang tanong ni Eleven habang nakangising nakatingin kay Ran na para bang may hinala sa pangyayari.
"I'm gonna kill that motherfucker," naiinis na wika ni Ran at akmang susugurin si Fin nang pigilan naman siya ni Vigo.
"Hayaan mo na at baka may problema ang isang yun. Ang mahalaga inuwi niya si Kali sa bahay, malay ba natin baka nireject yun ni Kali kaya wala sa mood."
"Tsk. Kaya pala hindi natin sila mahanap hanap pareho eh magkasama naman pala."
Nag-init ang ulo ni Ran sa narinig at nagwalk out na rin saka naman binunggo ang balikat ni Vigo na pangisi ngisi lang din sa gilid.
Nauna si Kali magising sa kanilang lahat kung kaya't maaga siyang naghanda ng pang-almusal. Kumain na muna siya ng almusal habang hinihintay ang lahat na magising at sakto nang patapos na siya nang magising naman sila at takang taka nang mapatingin sa kanya. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagkunot ng noo at ang pag-isang linya ng mga kilay ni Ran habang pinasadahan siya ng tingin at tila ba hindi nito nagugustuhan ang ayos niya.
Mapula kasi ang kanyang labi, naka crop top at naka shorts pa saka nakamessy bun ang buhok. Umakto siyang nahulog ang kutsara kung kaya naman ay sinadya niyang tumalikod sa ito at dahang dahang pinulot ang kutsara. At nang humarap siyang muli sa mga ito ay nakita niya ang pag-igting ng panga ni Ran.
Tumikhim siya at tinaasan ng kilay sina Eleven na halatang halata namang nasisiyahan sa nakikita. Hindi pa siya nakuntento ay nilapitan niya si Ran at hinaplos ang malapad nitong dibdib habang pasimpleng kinagat ang kanyang labi.
"What the fuck are you doing, right now?" gigil nitong bulong.
"Huh? What are you talking about? This is the usual me who usually wears comfortable clothes."
BINABASA MO ANG
The Mayor's Daughter
RomansaMatigas ang ulo, maldita, spoiled brat, at malandi iyan ang mga bagay na natatanggap niya mula sa lahat ng mga taong nakapaligid sakanya. Kinalakihan na niya iyon at tinanggap na hindi na niya mababago pa ang pananaw ng iba patungkol sa kanya. Kali...