Kabanata 30
"Fuck this! Ang sakit ng ulo ko , Melissa." Himutok ni Kali habang nakaupo sa may cottage at nagpapahinga. Wala kasi sila Lourdes abala ito sa ibang bagay at si Cara naman ay hindi nila mahagilap pati na rin si Fin kaya sila lang dalawa ang magkasama.
Nakahawak siya sa kanyang ulo at binalingan si Melissa na todo naman ang pagpaypay sa kanya. At nang ibalik niya ang tingin sa may dagat, yung mga mata naman niya yung sumakit lalo na nung makita niya sina Ran at Stacy na magkayakap sa isa't isa. Kitang kita niya kung paano umaktong mawalan balanse si Stacy at eto namang si Ran todo alalay agad.
"Nagdala ka ba ng eye dropper? Kumakati na kasi ang mata ko at gustong gusto ko na kamutin. Pakiramdam ko ay magkakasore eyes ako nang dahil sa mga alikabok na pumapasok sa mata ko."
"Wala eh. Mawawala lang yang kati na yan kapag sa ibang bagay ka tumingin."
She rolled her eyes. "Ano bang feeling ng mga yan? Nasa isang teleserye sila? Ang sakit sa mata!"
"Bakit di mo lapitan? At sabihin sa kanila ang pinagsasabi mo ngayon?"
"No, thank you. Hahayaan ko muna sila ngayon magsaya basta't sisiguraduhin ko sa akin naman si Ran sa gabi. I'll let that woman enjoy now," aniya at tinignan ang kulay ng kanyang mga kuko s kamay. Kakapa-manicure lang niya kanina at nagagandahan siya sa kulay ng mga kuko niya.
"Sa tingin mo may laban ka diyan? Eh mas malaki pa ata ang hinaharap ng babaeng yan. Alam mo ba base sa mga napapansin ko sa mga lalaki mas gusto talaga nila yung may malaking dibdib, maliit na bewang at..."
"At ano?" taas kilay niyang tanong nang hindi tinapos ni Melissa ang sasabihin.
Sumenyas ito sakanya na lumapit at sinunod naman niya ito saka naman ito bumulong. "Yung magagaling rin sa kama."
Nag-init ang kanyang pisngi at dali dali lumayo saka naman ito sinamaan ng tingin. "You're talking nonsense.Tse! Makaalis na nga muna at puro ka kalokohan."
"Totoo nga!" rinig niyang sigaw nito kahit medyo nakalayo layo na siya.
Nagmukmok siya sa kwarto niya buong hapon at sinubukang itulog nalang ang pananakit ng kanyang ulo at ng kanyang katawan nang bumukas naman ang pintuan ng kwarto niya. Sa pag-aakalang si Ran ito ay dali dali siyang bumangon pero natigilan rin siya nang makita niya ang asawa ng kanyang ama kasama na ang anak nitong si Lily.
She took a deep breath. Nahihiya namang ngumiti si Faith sa kanya, may dala dala itong gamot at isang lugaw na inilagay naman nito sa gilid ng higaan niya. Samantala, si Lily naman ay tumabi sa kanya at sinipat sipat ang kanyang noo at tila rin ba ay nag-aalala. Hinayaan lang niya ito at hinintay itong umalis pero hindi nito ginawa kaya napagpasyahan niyang magsalita at pagsungitan na naman ito.
"What are you doing here? Hindi ba naturo sa inyo na kumatok? Can't you see that I'm sleeping?Dini-disturbo niyo ako."
"Kali, nagdala lang kami ng gamot at lugaw para sayo. Nabalitaan kasi namin kay Melissa na masama daw ang pakiramdam mo."
"That girl, I'm gonna pulled her hair," she whispered.
"Mommy, since Ate Kali has a fever," ani ng batang si Lily at lumapit sa ina. "Let's help her."
Nakita niya ang pagtulo ng mga luha nito habang nagmamakaawa sa ina. "Please, I don't want her to be sick like Daddy. Let's take care of her."
Para bang may humaplos sa puso ni Kali nang marinig niya iyon mula sa bata. Tumayo siya at pinakita sa mga ito ang iritado niyang ekspresyon sa mukha.
"I will be fine. You two should go now. Huwag na ninyong hintayin pa na magalit pa ako ng husto."
"Come on, Lily. Kali will be fine, may gamot naman sa lagnat akong dinala at pagkain."
BINABASA MO ANG
The Mayor's Daughter
RomanceMatigas ang ulo, maldita, spoiled brat, at malandi iyan ang mga bagay na natatanggap niya mula sa lahat ng mga taong nakapaligid sakanya. Kinalakihan na niya iyon at tinanggap na hindi na niya mababago pa ang pananaw ng iba patungkol sa kanya. Kali...