𖡎
Chapter 14
#wrewp
I watched his pompous expression as he stared back at me — completely muddled. He munched on the pastry, shifting his eyes elsewhere. Nagsalubong ang kilay ko nang mapagtanto ang ginawa niya. Putang ina! Kinagat nga sa labi ko 'yung pagkain! He didn't even hold back! I was fooling around and he did think that I wasn't. Akala ko hindi siya kakagat dahil malamang ay nasa labi ko na. It would be messy to see that from a different view. But the fucker didn't even hesitate!
Sa inis ko ay kinuha ko ang cookie sa tupperware na nakalaan para sa akin. Ano? Siya lang ang puwedeng manggago?
"Lecasca."
"Hmm?" He glanced at me, still munching the food he ate from my mouth.
Pagkaharap niya, nilapit ko ang sarili. I hooked my arm around his neck with the same speed he did, locking his head to it. Dahil sa ginawa ko ay natigilan siya at umawang ang labi. Mabilis kong sinalpak ang pagkain sa bibig niya. When the pastry was already in between his lips, I leaned my face towards his. I angled my neck to have an easy access. Ang mata ko ay nanatili sa pagkain, bago kinagat iyon sa labi niya.
I withdrew myself, lips painted with a smirk. I noticed how startled he was because he couldn't even move an inch. Tulala siya sa kawalan, tila prinoproseso ang nangyari.
"Ano? Akala mo ikaw lang?" mayabang kong saad. "I can do that shit, too."
It was my competitive ass talking. Was he the only one capable of eating pastry on someone's lips? Ako rin! Akala niya ah.
"Villaruz . . . " napapaos niyang tawag sa akin.
My smirk grew bigger. Sumilip ako sa likod at kumuha ng bottled water doon. Binuksan ko ang takip habang nakatingin sa kaniya, nagyayabang. I sipped on it like what I did was only nothing. Taas noo ko siyang hinarap pagkatapos. But the fucker was still in the state of oblivion; eyes rapidly blinking. Ngumuso ako para pigilan ang malakas na halakhak.
"Tara na. Magsimula na tayo sa Ahon habang hinihintay sila," sabi ko, pinipigilan ang tawa.
Nauna na akong lumabas ng jeepney wrangler dala ang bag ko. Mukhang nakabawi naman siya agad dahil sumunod din siya palabas. We walked on the sidewalk and I noticed that he was catching up with my pace. Pinanliitan ko siya ng mata nang makahabol siya sa paglalakad ko. Hindi ko na lang din pinansin. Akala mo maliligaw, e.
Napatingin ako sa kaniya nang hawakan niya ang magkabilang balikat ko, inilipat ako sa kanan. He was now in the outer part of the road while I was in his right.
I shot a brow at him but he just ignored my confused stares. Tahimik lang kaming naglakad patungo sa Ahon Coffee. Nang makahanap ng pang-apatan na upuan, doon kami agad umupo. Malapit iyon sa view kaya mas nakaka-relax. But I didn't want to sit next to him so I sat across while he sat in front of me, facing the scenery.
Nilabas ko ang laptop ko bago napatingin sa kaniya. My face crumpled when I noticed that he was staring at me and seemed to be waiting for me to look at him.
"What do you like to have?" he asked calmly.
Umiling ako. "Wala pa sila Gabe."
"They can order once they arrive. Aren't you hungry yet?"
"Kumain naman na ako ng cookies. Pero bahala ka."
He nodded his head and stood up. Dumiretso roon sa outdoor counter ng shop. Samantalang sinimulan ko na ang written report. Medyo marami iyon kaya maraming research ang kailangan kong gawin. Kaya inuna ko muna ang paggawa ng template ng file. Ayokong magpasa ng plain lang. I'd like our written report to be formal as much as possible.