3RD PERSON'S POV
"Okay na ba siya?" tanong ni Marie kay Ella. Halata sa mukha nito ang kaba at takot.
"Kinapos lang ng hangin sabi ng doctor bukod doon wala nang ibang pinsala sa kanya. Hintayin na lang natin siyang magising," malungkot na sagot nito. Hawak ni Ella ang kamay ng kanyang kakambal na hindi pa rin nagigising mula nang isinugod nila ito sa ospital.
"Ano ba ang nangyayari Marie? Natatakot na ako." Nanatili ang mga paningin nito sa kakambal. Gusto man niyanh umiyak dahil sa takot ngunit ayaw niyang makitang panghinaan ng loob.
"Maski ako hindi ko rin alam Els." Tumayo si Marie para kumuha sana ng tubig nang tumunog ang cellphone nito. Tiningnan niya ang caller ID. Its from her mom. Nilingon niya si Ella na nasa ganun pa ring posisyon.
"Sasagutin ko lang ang tawag sa labas Els," aniya. Tumango naman si Ella bilang sagot.
"Hello mom?" bungad niya sa kabilang linya.
"Diyos kong bata ka! Ilang beses na kitang tinawagan pero hindi ka sumasagot. Sobrang nag-aalala na ako!" sambit nang nasa kabilang linya. Napakunot siya ng noo sa sinabi ng mommy niya. Tinawagan? Pero kahit na isang beses wala akong natatanggap na tawag ni mommy. Naitanong niya sa sarili niya.
"Nasaan ka ba ha?" tanong ulit sa kabilang linya.
"Nandito ako sa Santa Catalina mom, kasama ko..."
"What? Anong ginagawa mo diyan Marie?!" Nailayo nito ang cellphone sa tenga niya dahil sa sigaw ng mommy niya.
"Mom! You don't need to shout!" aniya. Hindi nagsalita ang mommy niya. "Mom? andiyan ka pa ba?"
"You have to get out there Marie! Hindi mo alam ang pinuntahan mo! Sinong kasama mo diyan?" Nararamdaman ni Marie ang panginginig sa boses ng mommy niya. Napakunot siya ng noo dahil hindi nito maintindihan.
"Mga kaibigan ko po, kasama ko si Kellay," sagot naman nito. "Ano bang nangyayari mom?"
"Anak, kailangan niyong makaalis diyan ngayon din. Pupunta kami ng daddy niyo diyan." Mas lalo namang naguluhan si Marie. Hindi niya alam anong ibig sabihin ng kausap nito.
"Mom, could you please tell me what is happening? Hindi kita maintindihan," mahinahon niyang tanong. Kanina pa siya nakakaramdam ng takot dahil sa mga pinagsasabi ng mommy niya. "Dinalaw lang namin si lola Ester. Matagal na rin akong hindi nakakapunta dito, hindi naman siguro masama dalawin ang lola ko 'di ba?" Napakagat siya ng labi, gusto niya ng mainis sa mommy niya.
"Anak listen! matagal ng patay ang lola Ester mo kasama ang mga kasambahay nito at kanyang nurse limang taon na ang nakakalipas!" Halos mabitawan ni Marie ang cellphone sa narinig. Ang lola Ester niya patay na? Pero nakakausap nila ito, nakakahalubilo.
"W-what do you mean mom?" Halos maiyak na siya. Kilala niya ang mommy niya, hindi ito sinungaling.
"Anak..." mahinahong saad ng mommy niya. Narinig nito ang pagbuntong hininga sa kabilang linya. "Panahon na siguro para malaman mo ang nangyari sa lola mo.'' Nanigas siya sinabi nito. Hindi niya alam saan kukuha nh lakas ng loob para pakinggan ang sasabihin pa ng mommy nito.
"Pinasok ng mga magnanakaw ang bahay lola mo limang taon na ang nakakaraan. Walang ibang kasama ang mama kundi ang nag-iisang nurse nitong si Mia at mga kasambahay." Bumuntong hininga ito samantalang siya ay tahimik lang na nakikinig.
"Napakabrutal ng nangyari sa kanila Marie." Naramdaman niya ang paghikbi ng mommy niya. Gusto niya itong yakapin dahil ramdam niya ang sakit. "Ikinulong ang mga katulong sa iisang kwarto, ang nurse nitong si Mia ay ibinigti sa loob ng banyo at ang lola mo, ang lola mo Marie..." this time hindi na hikbi ang naririnig niya, humahagulgol na ang mommy niya.
BINABASA MO ANG
Oh my GHOST![on-going]
ParanormalLahat hahamakin sa ngalan ng pag-ibig. Pero imposible nga ba magmahal ang isang tao sa isang multo? Kelly Andrea Benedicto. Babaeng nakakakita ng mga nilalang na hindi nakikita ng karaniwang tao. July Romulo. Ang multong parang hindi multo. Misyon...