Simula

0 0 0
                                    


May mga bagay talaga na kahit anong gawin natin ay malabong maging atin, na kahit pa pagsumikapan natin ito ay talagang walang pagasa na makamtan natin.

Ayan ang tumatakbo sa isip ko habang naka-halumbaba akong nakatingin sa kanya. Nasa bandang unahan siya at ako naman ay mas piniling maupo sa likuran upang malaya ko siyang mapag masdan. Break time namin ngayon at gaya ng dati ay hindi ako lumalabas ng silid o sumasama sa mga kaibigan ko sa cafeteria, mas pinipili ko nalang manatili sa room at ubusin ang oras kakatitig sa kanya.

Hindi rin kasi niya hilig lumabas ng room kapag break time namin dahil lagi naman siyang may baon na tinapay, kinakain niya ito habang may sinusulat na kung ano sa kanyang notebook. Upang hindi ako ganon kahalata ay nag kunwari na akong may ginagawa ako sa aking papel at palihim na sumusulyap sa kanya.

Tapos na ata ang oras ng break time dahil nagsisi-datingan na ang mga kaklase ko, kaya agad kong itigano sa bag ang kaninang ginagawa ko sabay kinuha ang selpon na kunwari ay iyon ang pinagkakaabalahan ko.

"Hoy Selah bat hindi ka sumunod? Wala ka naman palang ginagawa dito." Bungad ni Ivy sakin pagka upo sa tabi ko.

"Wala akong pera." Sagot ko habang nakatuon parin ang atensyon sa selpon na hawak ko, naglalaro lang ng subway surf.

"Kailan ka ba gumastos pag nasa labas tayo?" Mataray na tanong sakin ni Ivy, buti nalang ay dumating na teacher namin sa Entrepreneurship kaya may rason na'ko para hindi siya sagutin. Itignago ko na ang selpon ko at itinuon na ang atensyon ko sa aming guro.

"Good morning 12-ABM" Bati sa amin ni Sir Gilbert, ganyan kami batiin dito papaano ay nag-iisang section lang kami ng 12-ABM.

"Good morning Sir Gilbert" bati namin.

"Ngayong araw ay sasabihin ko na sa inyo ang final project natin sa Entrepreneurship para ngayong second semester. I will group you into five members at gagawa kayo ng product na hindi pa nag eexist sa market. You'll be using your creativity and teamwork para mabuo ang product na ito, and you need to make your own strategies to market it to your school mates and teachers. Wala na kayong ibang gagawin sa oras ko simula ngayon dahil ayan na ang gagawin nyo. At wala narin rin kayong magiging final examination, dyaan ko na kukunin ang points nyo para sa final project at final examination. Naiintindihan nyo ba class?"

"Yesss Sir!" Tuwang tuwa ang mga kaklase ko dito, may mga nagpapalakpakan pa ta may humahampas hampas pa sa desk sa sobrang tuwa. Akala ata nila ganon kadali itong gawin, halata namang yung mga pabigat itong mga tuwang tuwa samantalang kaming mga leaders na stress na dahil sa dami ng workload ay napipilitan nalang ngumiti sa nangyayari ngayon.

"Kung ganon ay igugrupo ko na kayo, o kung gusto ninyo ay kayo nalang ang mamili nang magiging kagrupo nyo?" Tanong ni sir

"Ikaw na sir!" sigaw ni jay

" Tama, ikaw na sir malamang pipiliin lang nila yung gusto nila maging kagrupo" dagdag naman ni stacey

'Gago! Palibhasa alam mong walang pipili sa'yo kasi pabigat ka lang malandi ka!' Galit na saad ko sa isip ko habang masama lang siyang pinagmamasdan.

"Tangina talaga ne'to ni stacey e, ikulong ko kaya to sa cr" mahinang sabi ni Ivy kaya tinawanan ko nalang siya.

" Okay class, sige ako na. Now go back to your proper sit, mag bilangan nalang tayo 1-5. " Agad namang nagsibalikan sa kanya kanyang upuan ang mga kaklase, nung sinabi ni sir na magbibilangan kami ay agad na pumasok sa isip ko na malamang ay sa unahan siya magsisimula kaya inunahan ko na siyang magbilang dahil gusto kong maging kagrupo si Vance! Iyong crush ko!

Hindi pala kami magiging magka grupo dahil pang lima siya at ako pang una, etong katabi kong si Ivy ang pang lima. Kaya malaki ang ngisi ko dahil buti nalang ay nagkataong si Ivy ang kaparehas niya ng bilang. Agad kong kinalabit si Ivy at inis itong bumalik sakin habang ako ay pangisi ngisi.

"Ano ba?!" Inis niyang tanong

"Palit tayo upuan" bulong ko sa kanya

"Bakit?!" Naiinis na talaga siya

"Basta!, Dali na please" nag paawa effect na'ko pero natatawa rin sa sariling kabaliwan.

Sinipat niya ako pero tumayo rin siya at nagpalit na kami, hindi naman halata dahil sa likuran kami nakaupo.

"Five" sagot ko nung makarating na sakin ang bilang.

Nang matapos na ang pagbibilang ay pinapunta kami ni sir sa kanya kanya naming kagrupo. Masaya ako dahil kagrupo ko si Vance pero tangina bakit naman pati si Stacey! Nakaupo na kami at nakapalibot, katabi ko si Vance at sa kabilang side niya naman si Stacey, nasa kabilang side ko ay ang kagrupo din naming si Grey at si Layla na katabi niya. Okay naman ang mga kagrupo ko kung wala lang si Stacey, tsk.

"Okay so let's choose muna kung sino ang magiging leader" masayang sabi ni Stacey, abala ako sa pagpapaikot ng ballpen sa daliri ko, kunwari ay hindi siya naririnig.

"Hmmm.. Grey gusto mo ba maging leader?" Tanong ni Stacey

"Ahh pasensya na, may trabaho kasi ako baka hindi ko matutukan. Pero pangako, tutulong naman ako." Nahihiyang tugon no Grey

"Ows sayang naman, how about you Layla?" Tanong nanaman ni Stacey

"Ahmm..p-pasensiya na d-din..pero h-hindi kasi ako maalam sa mga ganyan..." Mahinang sagot ni Layla

"Kung ganon ay ikaw nalang ang mag lead samin Vance!" Masayang sabi ne'to sabay kapit sa braso ni Vance.

"Do I have a choice?" Bored na sabi ne'to habang abala sa kanyang binabasa.

'Ang hayop na'to hindi manlang ako tinanong!' inis kong sabi sa isipan. Sabagay ay wala rin naman akong plano maki ichapwera sa ganyan, ayoko na ring pahirapan pa sarili ko duh.

"Uhmm..so Vance may naiisip kana ba na pwede nating gawin?" Ayaw paawat ne'to ni Stacey

"Pagiisipan ko muna paguwi, and since wala pa naman tayong gagawin mag isip muna tayo ng kanyang kanyang unique product then we will present it to each other, at kung sino ang may majority votes sa kanya ang susundin natin. " Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad na siyang tumayo at pumunta sa kanyang upuan. At dahil wala naman na palang iba pang paguusapan ay umalis narin ako sa bumalik sa upuan ko.

At dahil iniwan na kami ni Sir Gilbert ay wala na kaming ginagawa ngayon, At kanina pa masyadong maingay ang classroom kaya napag-pasyahan kong lumabas muna ng silid upang magpa hangin. Nasa ikatlong palapag kami kaya medyo mahangin hangin din sa may corridor. Nang makalabas ay natanaw ko si Vance sa may hagdanan, nakaupo ito at nagbabasa.

Naglakad ako papalapit sa kanya, sumisipol sipol pa. Nang makalapit ay napag pasyahan kong kausapin siya.

"Ehem..mahilig ka din palang magbasa." Sabi ko habang nakatingin sa kanyang binabasa, hindi siya kumibo ni hindi manlang ako sinulyapan kahit nung makarating ako dito!

"Ako din mahilig ako magbasa" pagpapatuloy ko pa, kahit hindi naman talaga ako nagbabasa

"What kinds of books are you reading?" Bigla niyang tanong na nagpakaba sakin, bigla akong nanlamig sa kinatatayuan ko at nangangapa nang masasagot.

"Uhm..p-pabula! Oo m-mahilig ako sa pabula" nauutal utal at kabado kong sabi.

"The fuck? Pinagloloko mo ba'ko? " Ayon at nakatingin na siya sakin ngayon! Pero mukang nanlilisik ang mga mata sa galit!

"H-huh?? Hindi haaa..sige na mauna na'ko, pwede na daw umuwi dahil wala si ma'am Cindy.." sabi ko sabay nagmamadaling umalis sa harapan niya.







Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Isang Sulyap MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon