Prologue

4 0 0
                                    

"Zaimin!" Pang ilang beses ng sinigaw ni mama yun, dahil sa hindi pa ako bumababa.

"Ma, saglit lang, dipa ako naka ayos ng gamit ko!" Sigaw naman ko pabalik sakanya.

"Ayan puro ka kasi cellphone, kahapon ko pa sinasabing ayusin nyo na yang gamit nyo!" Galit na sigaw ni mama. "Nag hihintay na mga tito't tita nyo." Sigaw nya ulit.

"Ma kung ngayon tayo b-byahe bukas pa tayo makakarating dun." Sagot ko naman.

Ewan ko ba diyan kay mama mamayang 5 o'clock pa naman sasakyan namin 3:48 palang naman. Pupunta kaming La Union ngayon sa kadahilanang graduation ni kuya bukas. Dun na sya nag aral dahil nababarkada sya dito sa probinsya namin.

Matapos kong maayos ang mga gamit ko ay pumunta na ako sa sala. Malawak ang bahay namin pero gawa sa kahoy butas butas nadin dahil sa madalas mag away ang mama at papa ko, pati nga ngayon nag aaway pa.

"Tumigil na kayo diyan malas yan, aalis pa naman tayo." Pero kahit anong sabihin ko nag sisigawan parin sila. "Hoy! tatanda nyo na di pa kayo titigil, wag na kayo pumunta kami nalang." Sigaw ko sakanila dahil sa inis. Dahil din siguro sa sigaw ko tumigil na sila.

"HAPPY GRADUATION BRO!" sigaw ko nang papalapit na ang kuya ko saamin, pero inis naban nya ako. "Ito naman sungit." Saad ko at nag sad face.

"Wag ka ngang maingay, kakahiya ka." Hiyang-hiya na tumitingin sya sa paligid.

"Bro wag kang mahiya, I'm just proud of you." Sabay kindat sakanya, kaya naman natawa ang dalawa kong kapatid.

"Oh, tara na mag picture na tayo." Saad naman ng pinsan ko na nag alaga kay kuya. He is already 38 year old. Matanda na pero wala pang asawa, gwapo naman kaso ayaw pa ata mag asawa.

Nanguna si kuya sa pag lalakad, dahil sa naiinis sya saakin, bago pa sya maka layo tumingin sya saakin, "Wag kang sumali sa picture ah." Sabay duro nya pa saakin, pero tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Hoy grabe ka nag excuse ako sa school para lang suportahan ka, tapos ganyan sasabihin mo!" Sigaw ko kaya mas lalo syang nahiya.

"Oo na, sige na, alika na, wag kana maingay diyan." Sabi nito na parang nang gigigil na. Natawa naman ako sa ityura nya, nakaka hiya nga yung ibang tao nag titinginan na.

"Pupunta pala tayo sa Cavite, dapat ngayon pero bukas nalang nang hihina na kapatid nyo." Sabi ni mama. Kasi naman si Zhea di na nag tigil sa kaka duwal sa sasakyan.

"Talaga mama?" Sabi ng bunso namin. Kasi dipa kami nakaka punta doon, malalagpasan pa namin yung Manila, tapos first time din namin dito sa La Union kaya grabe talaga yung excitement nya.

KINA bukasan ay byumahe na kaming papuntang Cavite. Pupunta daw kami sa mga kapatid ni mama at nan dun din daw yung tatay nya. We never met them befor, so we don't know what their names are and their attitude.

Nang makarating kami sa cavite ay naligaw pa kami, di kasi alam kung saan susuot sa rami ng kanto na pwedeng lilikohan. Ano pang silbi ng bunganga kung di rin naman mag sasalita diba, kaya ayon naka rating naman kami sa bahay ng tito namin, saktong nag lalabas naman sila ng sasak yan.

Syempre kagaya ng iba nag yakapan pa yung mag kapatid. Naputol ang pag mumuni ko ng biglang may lumabas sa bahay nila. Nag ka tinginan kami nito

Matangkad pero di naman ganon katangkad, medyo moreno katamtaman lang ang kulay nya, medyo singkit at katam taman lang din ang katawan, halatang healthy leaving na alagang gym.

Naputol ang pag tititigan namin ng biglang nag salita ang asawa ni tito.

"Oh, buti at lumabas kana, ito mga pinsan mo to." Sabi ni nung asawa ni tito Randy, saka kami tinuro.

Nakay tita na ang atensyon, pero nang ibalik ko yung atensyon ko sa lalaki kanina ay naka tingin parin sya sakin, dahil sa medyo nakakailang ay nginitian ko nalang sya.

"Zaimin nga pala pre." Tinaas ko ang kamay ko para maki pag kamay, nag first move na ako, nag pakilala na ako medyo awkward yung titig malagkit.

"Throne." Sabi nya at inabot ang aking kamay.

Shemay lambot ng kamay, halatang di gumagawa ng gawaing bahay, well sa bahay palang nila halata naman.

Ilang taon na kami sa labas ng bahay, sa wakas pinapasok din, kabigat ba naman nang dala kong bag ay. Naka upo kami sa sala habang nag memeryenda. Grabe nakakatakot naman gumalaw galaw dito ang raming cctv kada sulok, pano pa ako makaka nakaw nyan, joke.

"Ay oo nga pala, ihahatid ko pa tong anak ko, traffic na kasi mamaya" Sabi ni tito Anton.

Kaya naman pala naka porma, aalis pala, hayts kung hindi ko lang pinsan to jujumbagin ko na eh. Pogi sya para saakin, gusto ko kasi ng moreno.

"Ok lang daddy mamaya nalang 10 pa naman po pasok ko bukas." Sabi naman nito.

"Traffic na mamaya, sige na kunin mona gamit mo." Sabi nya sa binata. "Sige ma uuna na kami ihahatid ko lang to sa manila, hatid nalang kayo mang Ben kila ate, sasamayan naman kayo ni Ember, susunod ako dum pag balik." Sabi nito at umalis nanga nang tuluyan.

Nasa iisang village lang sila kaya madali lang din namin napuntahan ang bahay ng kapatid pa ni mama, malalaki talaga ang bahay nila dimo maitatangi, mayayaman. Gusto din nila na mag bakasyon kami dito ulit pag ka tapos ng graduation ko, moving up din kasi ng kapatid ko, so bali 2 kami ni kuya grumaduate tapos yung pangatlo naman yung mag m-moving up. They even want me to study here, to be with them.

Isang araw lang naman kasi kami dito maya maya uuwi na kami, pinakilala nadin kami ni tita sa graduating nyang anak na si kuya theo.

Umuwi kami nang hindo kona ulit nakita si kuya Thorne, I have a crush on him but of course Hanggang dun nalang yun. May apartment daw kasi sya sa manila tuwing hapon nan Saturday lang daw sya umuuwi at bumabalik din daw sya sa hapon ng lingo. May regalo sakanyang sasakyan pero tamad daw kasi sya mag maneho kaya iniiwan nya nalang daw, proud na proud nga si tita Ember kay kuya Thorne. Bukod sa matalino na daw ma bait pa daw pero di sinabi na masipag, joke masipag daw sya mag aral. Pilot daw course nya sana all.

"Dito ka mag aaral, pag college kana." Yun ang huling sinabi nila saakin bago ako sumakay sa sasakyan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Veiled Yearning Whispers (Enthrall series #1)Where stories live. Discover now