Chapter 14
Days. Weeks. Months. But still ganun pa rin. May dalawang puso pa ring pilit na lumalayo sa isa't-isa. Ang isa ay nagsisisi at gustong bumalik. Ang isa nama'y pilit na itinatatak sa sarili na kaya na niyang mag-isa.
Sunday All Stars was reformatted. Nabuhay naman ang Party Pilipinas hype dahil sa pagbabalik ni Direk Rico Gutierrez and Direk Mark Reyes bilang mga direktor sa bagong Sunday variety show na "SOP 2'. Yung ambiance ng SOP 2 ay parang PP dati. Parang may reset na naganap. Parang bumalik lang sa dati ang lahat. Hindi pala lahat, except sila.
Fans were still requesting even just for a one simple production number from the two artist who were born in PP. Yung dalawang performer na laging inaabangan sa PP dati na gusto nilang makita naman sa SOP 2 ngayon.
"Itay?"
"Oh. Nandiyan ka na pala, Julie. Have a seat."
"Uhm. 'Tay, para saan po ba itong meeting?"
"Siguro naman nasabi na sayo ng handler mo yung about sa mga project na gagawin mo?"
Tumango naman si Julie sakanya.
"Opo."
"Ipapaliwanag namin sainyo yung magiging flow ng short film dahil yun ang mauuna nating gawin."
Napakunot ang noo ni Julie sa sinabi ng direktor.
"Sainyo? Tay, pupunta po siya?"
Bigla namang bumukas ang pinto na ikinakaba ni Julie.
"Hi, Direk Mark! Sorry I'm late."
Nakahinga naman ng maluwag si Julie nang malaman na si Direk Rico ang dumating.
"Okay lang, Direk Rico. Wala pa naman yung isa eh." Sabi ni Direk Mark.
Lumapit naman si Julie sa kadarating lang na direktor at bumeso dito.
"Direk! Namiss kita!" Masayang bati ni Julie.
"Namiss din kitang bata ka." Sagot naman ni Direk Rico. "Namiss ko kayo." Dagdag pa nito.
Julie just gave him a faint smile.
Half an hour have passed pero hindi pa rin dumadating ang taong hinihintay nila. Naiinip na si Julie. Hindi na rin mapakali ang dalawang direktor na kasama niya.
She decided to speak up.
"Dadating po ba talaga siya?"
Napatingin naman sakanya ang dalawang direktor.
"Mag-iisang oras na po kasi siyang late. Sigurado po ba kayong darating siya? Sigurado po ba kayong pumayag siya dito?"
"Julie, anak..."
"Sayang po kasi yung oras. Magsimula na po kaya tayo?"
Tumayo si Direk Rico.
"Direk, tell her everything. I'll just make a phone call." Sabi ni Direk Rico saka lumabas ng meeting room.
"Nakausap ko siya tungkol dito. Project namin ito ni Direk Rico and the management let us choose whoever we want for this project." Direk Mark started.
Napatingin si Julie kay Direk Mark.
"Since busy si Direk Rico, ako yung kumausap sakanya. Nakipagmeeting ako sakanya with his mom, of course. Honestly, akala ko mas madali ko siyang mapapapayag kesa sayo. I know what happened between the two of you. Akala ko papayag agad siya kasi I remember him before begging me na bigyan kayo ng project together. Pero hindi ko naibigay kasi hindi ko naman pwedeng bigyan kayo ng project ng walang consent ng management. Right after tinawagan ako ng handler mo I felt relieved kasi pumayag ka na. Akala ko okay na. Pero mali pala ako."