Sabi mo
ubod siya ng ganda,
sabi ko
uod siya ng ganda.
Sabi mo
ang mga mata niya'y nagniningning tulad ng mga bituin,
sabi ko
oo nga parang bituin- sarap sungkitin.
Sabi mo
tinamaan niya na ang puso mo,
sabi ko
konti nalang tatamaan na sakin ang nguso ng malanding toh.
Sabi mo
ang labi niya'y ngiti ang dala,
sabi ko
sa laki ng bunganga niya, pala na kutsara niya.
Sabi mo
ang ganda ng buhok niya,
sabi ko
oo, gandang panlinis ng kubeta.
Sabi mo
ang sexy niya,
sabi ko
saang banda.
Sabi mo
pang- miss universe ang beauty niya,
sabi ko
di lang, pang outer space pa.
Sabi mo
gusto mong halikan ang pisngi niya,
sabi ko
gusto mo na pala ang paghalik sa paa?
Sabi mo
ang tangos ng ilong niya,
sabi ko
oo nga, pati baba niya matangos na.
Sabi mo
ang cute ng chubby cheeks niya,
sabi ko
baka pwet yan, di mo lang nahalata kasi magkamukha.
Sabi mo
kamukha niya si Georgina wilson,
sabi ko
ba't parang Whitney huston?
Sabi mo
hulog siya ng langit,
sabi ko
aah, una mukha kaya naman pala pumangit.
Sabi mo
siya'y may gandang di mo inakala,
sabi ko
siya'y may gandang di ko nakikita
Sabi mo
mahal ko siya,
sabi ko
mahal kita.
Sabi mo
mahal din naman kita,
pero nalaman ko
hanggang kaibiganlang pala.