Basted

99 2 2
                                    

Basted. Yan ang salitang nasa utak ngayon ni Darren. Binasted nanaman siya. Pangatlo na si Allison sa mga nang basted sa kanya. Una si Sylvia, noong third year High School siya, si Sylvia ang SC Vice President noon. Tapos si Mathena, fourth year High School at ang pinakamagandang transferee sa school nila. Hindi naman niya alam kung bakit siya binabasted. Magandang lalaki naman siya, matipuno, may kaya ang pamilya at hindi naman bobo sa school, pero lahat na lang nang magustuhan niya ay ayaw sa kanya.

            “Tara Darren, inuman na lang,” yaya ni Caloy.

            Si Caloy ay ang best friend niya na babae, correction, nag-iisang kaibigan na babae. Magkaibigan na sila mula pagkabata at parang magkapatid na rin ang turingan nila. Lahat nang sikreto niya ay alam ni Caloy at ganun naman si Caloy sa kanya. Titibotibo nga lang si Caloy dahil na rin sa siya lang ang babae sa magkakaibigan pero okay lang.

            “Oo nga Darren! Inuman na lang ng makalimutan mo na si Allison!” hiyaw naman ni Allan. Si Allan ang isa pa niyang katropa. Palabiro pero marunong bumagay sa sitwasyon. Noon, sila lang ni Caloy ang laging magkasama, pero nang nagtransfer si Allan sa school nila nung first year ay parang bigla na lang silang nag-click kaya sinali na niya sa tropa nila si Allan.

            “Sige pero ngayon lang at sandali lang ha? May klase pa tayo nang maaga bukas e,” sabi ni Darren.

            “Yes! Inuman ulit!” sabi ni Caloy na sobrang saya.

            At nag-inuman sila sa Kanluran. Nagsasaya sila habang si Darren ay nagkukuwento tungkol kay Allison. Lahat nang sama nang loob niya ay ibinuhos sa pag-iinom. Di nagtagal ay hinimatay na siya sa sobrang kalisingan.

(*Sumunod na araw*)

“ Uy Darren, gising!” sabi ni Caloy habang niyuyugyog ang balikat ni Darren.

            “Hmm, anung oras na ba?” sabi ni Darren sabay hilot nang noo. Hung over pa rin siya sa lahat nang ininom niya at sobrang sakit na talaga nang ulo niya.

            “Alas-siyete na Darren, late na tayo sa school!”

            “Bakit di mo kaagad ako ginising? Lagot ako niyan sa prof ko!” Sigaw ni Darren na para bang nawala ang sakit nang ulo niya. Kung anu-ano pa ang naisigaw niya kay Caloy na masasakit na salita bago siya huminahon.

“Tapos ka na? Sorry ha, Pasensya! Di naman ako yung lalaking binasted at uminom na lang nang sobra sobra, alam naman niya na may pasok kinabukasan. Sorry talaga!” Sigaw ni Caloy at tumakbo paalis., mga luha sa mata niya ay halata.

            Hinabol siya ni Darren para humingi nang sorry pero hindi na niya naabutan, kaya umuwi na lang siya, nagpalit ng uniform at pumasok sa school.

(*Sa University*)

            “Dude, narinig mo ba yung nangyari?” Tanung ni Allan kay Darren habang naglelecture ang prof nila sa hapon.

            “Anu pare?” tanung naman ni Darren habang text nang text kay Caloy. Kanina pa kasi siya hindi pumasok at di man lang sinasagot ang text niya o tawag.

            “Nabangga daw si Caloy ng isang kotse kaninang umaga. Nasa Ospital pa raw siya ngayon,” sabi ni Allan.

            “Sigurado ka ba diyan Allan? Baka naman binibiro mo lang ako,” sambit ni Darren at biglang tinigil ang pagtetext. Kinakabahan na siya dahil sa ginawa niya kaninang umaga at baka siya ang dahilan kung bakit nabangga si Caloy.  

BastedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon