Prologue

18 4 1
                                    

                                     

"Wala akong paki alam! Mga letse sila! Hindi naman maba bankrupt itong kompanya ko kung hindi ko tatanggapin ang project nato!" Sigaw ko sa kabilang linya. Ang aga-aga ang init ng dugo ko!

"Pero ma'am, worth billions po ang project nato!"

"Sabi ng wala akong paki! It's my fucking business! They don't get to say anything!" Lahat ng dugo ko umaakyat sa ulo ko dahil sa hinayupak na project na iyan!

Ibinaba ko ang tawag at malakas na nag mumura. Bakit hindi nila maintindihan? Ano ba sa sinabi ko ang hindi nila maintindihan!? Kung ayaw! Ayaw! Letse! Buwesit!

Kumuha ako ng tubig para pakalmahin ang naglalagayab kong dugo. Bago ko pa mainom ang tubig, may tumawag na naman na nag pairita sa sistema ko.

"Ano?!"

"Woah, girl, chill. Ang aga-aga ang init ng dugo mo."

Ng mapagtanto kung sino ang tumawag. "Liang, sorry. May isa kasing nilalang na kahit anong gawin kong tanggi, namimilit parin." Kumalma ako ng marinig ang boses niya. Akala ko yung mga buwesit na tao!

She chuckled. "Kung sino man yan, hindi ako makikialam, napatawag ako kasi para paalalahanan ka na darating na si Winzel galing ibang bansa."

Ayy palaka! Ngayon pala ang dating niya! Akala ko sa susunod pa na linggo.

"Saan ang venue?" Tanong ko ng mabalik sa ulirat.

"R'club of course! Wag kang mag-alala, club naman yo'n ni Agie, kaya libre tayo." Napailing nalang ako dahil sa sinabi niya.

"Yeah, I'll come. Time?"

"8, mamaya." Tipid niyang sabi.

Ibinaba ko na ang tawag at nagpatuloy sa pag asikaso ng mga papeles.

Sana naman kompleto kami mamaya. Palagi nalang kaming hindi nagkakakompleto. Eh, paano ba naman kasi eh. Nasa iba't ibang bansa itong mga mahahangin kong kaibigan.

Natapos ko narin sa wakas itong mga papeles kaya napagdesisyunan kong tignan kung ano na ang nangyayari sa mga mahahangin kong kaibigan.

HOT CHEESEGIRLS GROUP CHAT

Bakit iba na naman itong pangalan ng group chat namin?

@KATE ALBIOS: Hoy mga bayot, late akong makakapunta mamaya.

@ALMIRA QUIBOT: @ Kate Albios! Ano kaba naman? Minsan nga lang tayong magsama-sama ng kompleto, di kapa pupunta?

@LEA FELECIA: Oo nga naman. Ngayon lang makakauwi si Winzel kasi ngayon lang freetime niya.

@KATE ALBIOS: Mga bruha! Sabi ko male-late! Hindi ko sinabing hindi ako pupunta!

@AGIE PASULION: What the fuck?! Sino nag change ng name sa gc? FYI, lalaki ako!

@DANMER MAQUILING: Pissed off, g. Magpakababae ka nalang.

@AGIE PASULION: Argh! Bahala kayo! 🖕

  AGIE PASULION LEFT THE GROUP

@ALMIRA QUIBOT: @KATE, opps😅. My bad.

YOU ADDED AGIE PASULION TO THE GROUP

@LEA FELECIA: Mar! Pupunta ka mamaya di'ba?

@MARIANNE LIMARE: Oo, pupunta ako. Pero male-late din ako.

I reply and hit send...

CLASSMATE 1: The Unforseen EmbraceWhere stories live. Discover now