Queen's POV
Madalas kong nakikita si king. Ugh ang creepy.
Malapit na yung event ng university namin. 1 week no classes! Yay! Sana naman kahit isang beses hindi ko makita ang king na yun noh! Panira araw. Ang weird niya kaya, nginingitian niya ako ng nakakaloko. Parang rapist. Waaah creepy talaga.
Tapos pag nakikita ko siyang papalapit sakin, aalis na agad ako.
Tulad ngayon. Lumalapit nanaman siya, ano kaya kung prangkahin ko na siya para magtigil na to.
"Ano?" Tanong ko
"Um. Hi Queen. Ah-" hindi ko na siya pinatapos magsalita
"Kailangan ko na umalis. Geh bye" tumalikod na ako pero hinawakan niya braso ko
Bigla ko naman to inalis at hinarap siya. Yuck
"Ano?!" Pasigaw na tanong ko sakanya
"Gusto ko lang kasi talagang magsorry sa ginawa ko sayo. Yung sa skate-" ah okay naaalala ko.
"Ah okay" sabi ko
"Sorry talaga ah." Sabi niya ulit
"Oo na sige bye"
"Teka. Pwede ba kitang maging kaibigan?" Tanong niya
Kaibigan? Totoo???
"Gusto ko lang makabawi sa mga ginawa ko sayo" sabi niya tapos may panggiti ngiti pa siya.
"Hindi na kailangan" sabi ko
"Sige na. Um pwede ka ba mamaya?" Tanong niya sakin. What the hell? Kung akala ng babaerong to na katulad ako ng mga babae niyang durat pwes ako hindi!
"Busy ako" inis na sagot ko
"Ah next time nalang siguro" nginitian niya ako. Yung parang ngiting sayang na sayang siya.
"S-sige" sagot ko at tumalikod na siya. Pero paano kung nakokonsensya talaga siya? Paano kung gusto niya talagang makipag kaibigan diba? Paano kung mabuting tao naman siya?
Ay nako! Bahala na nga!
**
"Abi, nakita mo ba si gia?" Kanina ko pa kasi hinahanap tong best friend ko.
"Uh sorry babe pero hindi eh" sagot niya saakin habang nakatingin sa compact mirror niya habang nagmamakeup.
"Elle, Mitch, Abi" bulong ko sa sarili ko
Ang weirdo kasi ng tatlong yan eh!
Naglakad ako papuntang building A. Tapos saktong malas na nakita ko nanaman si King. Lumayo agad ako bago pa niya ako makita.
Naka side view kasi siya saakin tapos may kausap.
Alam niyo yung inis ako sakanya pero pakiramdam ko habang tinititigan ko siya eh mabait naman ang lalaking yon.
"Tss siguro dahil sa kaibigan niya si Danilo Ford? Pero kasi Nag sorry na siya nung sa skate thingy pero bakit parang inis parin ako sakanya?" Bulong ko sa sarili ko
Nakarating ako sa dome ng university,
Anong ginagawa ko dito? Uh babalik nalang ulit ako kina abi.Asan ba yung gia na yun? Kanina ko pa kasi tinatawagan tapos di niya sinasagot.
"Queen" napatingin ako sa likod ko.
Binalik ko agad ang phone ko sa bulsa
"Mm?" Tanong ko
"I know his game. Take care of yourself and ofcourse.. Your heart" sabi niya saakin.
Bago pa ako magtanong eh umalis na agad siya.
BINABASA MO ANG
Our Love Game
Roman d'amour"This game you have started should be finished as soon as possible" -Queen Bhi