Loko talaga 'to!

900 38 15
                                    

Ako si Mykel. Isang normal at tipikal na lalaki. Hindi ako yung tipo na, Heartthrob, nerdy, hottie o kung ano pa man. May itsura lang siguro ako. Ako lang naman yung normal na lalaki na napapabilang sa mga barkadahan nyo at maaari nyong makita kahit saan. Magaling ako magbasketball at medyo magaling din ako sa academics. yun lang. wala naman akong maipagmamayabang sa sarili ko.

"Oy! alam nyo ba yang si Mykel? Loko talaga yan!!"

huh?

Ipinagsigawan yun ni Emjay. Ang weird ng name nya no? Yan talaga name nya. Walang halong biro. Emjay.

Sya lang naman yung babaeng crush na crush ko since the first time na magkita kami. Crush at First Sight siguro? OA naman kasi pag Love at First Sight eh.

Maganda sya, for me at para na rin sa karamihan. Syempre hindi naman lahat nagagandahan sa kanya. depende yan sa nakakakita. Basta para sakin, maganda sya at masyadong cheerful. Hyperactive. para bang walang pinoproblema.

"Loko talaga 'to!! awch... Di man lang ako pinansin oh!!"

Ayan na naman. Lagi yang ganyan sa akin. Hindi naman kasi kami magbestfriend at lalong hindi kami close ng babaeng yan. Nahihiya kasi ako sa kanya. Hindi kami masyadong nag-uusap, pero magkaibigan naman kami. Pero since nung isang araw naging ganyan na ang turing nya sa akin. lagi nya akong sinasabihan ng Loko. ewan ko ba sakanya...

Flashback noong isang araw

tinitignan ko lang naman yung picture na ginawa kong background sa cellphone ko... Picture ni Emjay. Wala naman kasing nakikialam ng cellphone ko dahil hindi ako nag-i-install ng mga games o kung ano pa mang entertaining apps, at dahil lalaki ako,  hindi ako mahilig magtext kaya wala silang maichichismis sa akin.

inilapag ko sa may mesa ko ang cellphone ko at humarap muna sa likuran ko kung saan ang mga katropa kong lalaki ay nagkukwentuhan patungkol sa laban sa basketball noong nakaraan..

"Oooy!! Mykel!! Ano to haaa??"  isang matinis na sigaw mula sa tagiliran ko ang umalingawngaw sa buong classroom... Sigaw ni Emjay

humarap ako para tignan yung bagay na nirereklamo nya,at laking gulat ko na lang ng makita kong hawak-hawak nya ang cellphone ko

"Bakit nandito yung picture ko?!?! Crush mo ko nooooh? Yiiiieeee! Crush ako ni Mykel!!"  at ipinagsigawan nya pa yun sa buong klase

Katapusan ng Flashback noong isang araw

At dahil doon sa insidenteng iyon, instant tampulan na ako ng tukso ngayon, at nangunguna pa sa pang-aasar si Emjay

"Oy Loko! Bakit ayaw mo akong pansinin?"  muli nyang sabi. Ngayon, nakikita ko sya sa unahan ko. kelan pa sya nagsimulang lumapit sa akin?

"Bakit ba tinatawag mo akong Loko?"  tanong ko naman

"Wala lang naman. Gusto ko eh. Loko talaga 'tong taong to."

"Dahil ba sa nalaman mong crush kita? Sorry ah. Crush lang naman kita eh. kung ayaw mo, ayos lang sakin na itigil ko na yung pagkaka-crush sa-----"  hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil dinikitan nya ng sticky note yung bibig ko

LOKO talaga 'si Mykel!!

"Di ba sinabi ko namang sorry na kung crush man kita? Pipilitin kong ibalewala ang fee----"  hindi ko na naman natapos ang sinasabi ko dahil may idinikit pa syang isa pa

Love Ko talaga 'si Mykel!!

Napatulala ako sa nakasulat

"Emjay, anong ibig sab---"  hindi na isang sticky note ang idinikit sa bibig ko, kundi yung palad nya na ang ipinangharang nya para hindi na ako makapagsalita

"LOve KO talaga 'to!! Patay sakin kung sino mang babae ang magbabalak mang-agaw!!" sigaw nya sa buong classroom...

Tinignan nya ako. Napansin nya sigurong natulala ako sa kanya kaya nakita ko ang bahagyang pagkurba ng mga labi nya, pati pag-smirk nya, maganda pa rin! Haaay. Tama nga kaya yung naririnig ko?

"LOKO talaga 'to!!" muli nyang sinabi

"Ngayon alam mo na kung anong ibig sabihin ng LoKo ah? babalewalain mo pa ba yung feelings mo para sa akin?" tanong nya

Naramdaman ko na lang na nagkusa ang mga braso ko na pumaikot sa beywang nya.

"LoKo rin talaga si Emjay. Tingin mo seryoso akong babalewalain ko yung feelings ko para sa'yo? LoKo si Emjay to the infinity and beyond!"  

CrazyLittleDreamer

Loko talaga 'to!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon