Zeke's POV
NASA grupo namin ang momentum ng laban. Hawak ni Bella sa braso ang kalaban niya at saka pinilipit ito patalikod. Pabato niyang hinagis at saka tatadyakan ang kalaban. Nakita kong may sinasabi ang kaharap niya pero hindi marinig sa pwesto namin.
Hahakbang na patalikod si Bella nang sumigaw si Aeris. "Huwag kang aatras!" Huli na nang matanto kong patibong iyon. Napansin ng kalaban na hindi tinutuluyan ni Bella ang mga kaharap at hinahayaan na lang kapag bumagsak na.
Pero huli na dahil naihakbang na ni Bella paatras ang paa niya, halos magkakasabay kaming napatayo nang makitang may nakaabang sa likod ni Bella at libre 'yon.
"Sa likod mo!" Hindi ko na naiwasan ang sumigaw at ituro ang nasa likod.
Namangha ako ng mabilis na sinapak ni Keize ang kaharap at walang gatol na tinulak si Bella kay Vito na naabisuhan na ni Keize nang pagsalo kay Bella. Akala ko ma-a-out of balance si Keize pero she intentionally bend her body para sumobra ang pwersa nang kalaban, nang pumaibabaw ito sa kaniya malakas niyang hinataw ang tagiliran nito. Halos lumuwa ang mata ng kalaban nang humagsak sa lupa. Kung ako ang tatanungin napakaliit ni Keize at hindi ko akalaing ganoon kalakas ang pwersa nang mga kamay niya.
Lumapit siya kay Bella na nakatulala, niyugyog nito ang balikat nang kaibigan. "Pull yourself together, Alchemeia!" Malakas na sigaw nito, na umabot yata hanggang sa taas.
"Ang lupit mo Achelous!"
"Ang ganda mo kahit maliit!"
"Best duo! Achelous at Alchemeia!"
Natinag si Bella sa pag-iwas nang itulak siya ni Keize sa kalaban mismo. Saulo niya ang kaibigan, alam niyang makakaiwas ito. At ginawa niya 'yon para magising ito.
Too much kindness is dangerous.
May tatlumpung segundo na lang at alam na nang lahat, which gang will stand out.
Sa huling sampung segundo may ibinulong si Bella kay Keize na tinanguan naman nang huli saka magkasabay na lumapit sa iba pa nilang kasama."Ano daw 'yon?" Si Kairo.
"Mukha bang rinig dito?" Asik ni Czarina.
"Hindi naman ikaw ang kinakausap."
Nagulat kami nang palibutan nila ang tatlong natitirang nakatayo sa grupo ng Shaitans at saka kinuyog ng tadyak at suntok. Sa grupo namin lahat nakatayo pa pero nanghihina sa pagod at may mga tama din.
Nang tumunog ang gong nagkagulatan kaming mga nakaupo, nang lahat kami tumayo para lumapit at alalayan sila.
Halos buhatin na ni Aaron si Amber sa sobrang pagod. Si Zi tumangging magpatulong pero biglang napakapit sa'kin muntik nang matumba. Inilingan ko 'to at inalalayan paupo sa pwesto namin. Tiningnan ko pa si Bella, hawak siya ni Czarina.
"Alchemeia, Achelous, ang galing niyo doon kanina." Puri ni Zach.
"Salamat sa mga instructions niyo, hindi kami naisahan doon nang kalaban."
"Waaahh! We won!" Tuwang-tuwa na ani Keize. Pero napangiwi nang may maramdamang sakit.
Napalingon kami sa mga tao nang malakas silang pumalakpak. Halata sa mukha nila na nagustuhan nila ang laban ngayong gabi.
"Let's congratulate the gang of Dark Sinners Actinolite for making it officially under the Moonlit Grim Territory!"
"DSA! DSA! DSA! DSA!" Hindi na kami nagtagal doon, dahil kailangan nilang magpahinga galing sa matinding laban. Kinuha lang ni Xian at Kairo ang certificate of our début match.
HANGGANG ngayon magkakaharap kaming tatlo nila Kairo at Xian dito sa living room. Hindi na kami nagsiuwi at naisipang dito na magpalipas nang gabi.
The sun is almost rising when we hear card beeping. Magkakasunod na pumasok si Vito, Felix, Zach, Oli, and Zi. Nagulat pa sila nang makitang nasa sala kami pare-pareho.
"Ang aga niyo ah." Si Oli na dumeretso sa kusina, paglabas niya may dala na siyang mga mug nang coffee na nakalagay sa tray.
"What can you say about the war yesterday?" Tanong ni Xian nang hindi kami tinitingnan, nasa tasa nang kape ang paningin niya.
"Alchemeia and Achelous is good. Sila ang nagdikta sa'min sa loob nang battle field. Malaking tulong sila sa gang." Sinserong ani Vito.
"Maliit si Keize at masyadong mabait si Bella, pero ang concentration nila sa war nakakabilib. Kung paano sila nagkakaintindihan habang nasa gitna nang laban, it's just so, amazing." Si Felix.
Naiintindihan ko ang mga sinasabi nila dahil ako mismo I've witnessed how they gracefully maneuvered the war last night. Pero sa tuwing nasasaktan sila lalo na si Bella hindi ko na mapigilan ang pag-aalala ko.
I don't even know where it came from.
Thyzon's POV
MAAGA pa pero may mga nagkalat nang mga students. Naglalakad ako papunta sa main para kausapin ang mga natirang active nang gang.
"Grabe ang laban kagabi! Napakatindi."
"Sila pa nga lang ang nakita kong nag début nang ganoon ka smooth."
"Lalo na si Alchemeia at Achelous. Maliit pero malaki ang utak."
Alchemeia? Achelous? Codename siguro.
Sino naman kaya ang mga 'yon? Kaka-début lang ah."Pre! Dapat pumunta ka kagabi ang ganda nang laban nang last division."
"Anong gang?"
"DSA! Grabe ang gagaling nila. Lalo na si Alchemeia at Achelous."
"Ngayon ko lang narinig ang gang nila."
"Début war nila kagabi."
Hindi ko na maiwasang pagtaasan ng kilay dahil kanina ko pa nariring ang Alchemeia at Achelous na 'yan. Sino naman ang mga 'yan.
Hindi rin ako nakapunta sa battle field kagabi, dahil bukod sa wala akong gana ay nag-iisip ako kung paano ko mapapabalik si Bella at Keize sa RKW. Napasama nga kami sa Phase 10, umalis naman sila. Mahirap mang aminin pero malaki ang tulong nila sa gang. Kahit mga bago may pakinabang. Ngayon mahigit trenta nga ang member ko mga inactive naman. At hindi lahat mahusay sa war.
"Commander." Bati sa'kin nang lima sa mga member ko.
"Nasaan ang iba? Bakit kayo lang?" Seryosong tanong ko.
"Nag-quit na com." Napapikit ako sa inis dahil sa nangyayari sa gang ko.
"Anong balita sa pagrerecruit niyo?" Halos pagtaasan ko na sila nang boses dahil sa sobrang inis.
"Sa ngayon ang mga gustong sumali puro newbie, kaya imbis na kunin ay hinayaan na lang namin." Nahampas ko ang table sa sobrang inis.
"Sino ang Alchemeia at Achelous na 'yan?" Tanong ko, pero isa-isa silang nagsi-iwas nang tingin.
"Walang nanood sa inyo nang war kagabi?"
"Hindi kami nakapunta commander pero bulong-bulungan ang dalawang 'yan at ang gang nila, DSA." Nakatungong ani Lance.
"Mag-lie low muna tayo. Magsasabi ako sa MGT na maghihiatus tayo nang ilang linggo."
"Sa ngayon kailangan nating magrecruit nang matitinong myembro."
"Pwede pa rin ba kaming dumalo sa Coterie Party?" Ani Kira.
"Oo, gangster pa rin naman kayo after all." Yon lang lumabas na ko. Pero agad na nag-init ang ulo ko nang wala na akong ibang narinig kung hindi
DSA! Alchemeia! Achelous! Punyeta!