Chapter 10:

2 0 0
                                    

King's POV

Bakit parang iniiwasan ako ni queen? Nakahalata na kaya siya? Pero kahit na!

Hindi dapat iniiwasan ang tulad ko.

Lalapitan ko ulit sana siya, nakita naman niya ako eh, pero biglang umalis ulit.

Ano bang problema niya?

"Queen!" Hinabol ko siya pero parang bumibilis ang paglalakad niya.

"Queen! Please stop!" Sigaw ko

Pero hindi parin siya tumitigil.

"Queen! What the hell?" Sigaw ko

Pero naabutan ko siya. Hinawakan ko siya sa braso at bigla niyang inalis ang pagkakahawak ko at humarap sakin.

Ambagal pala ng isang to.

"Ano?? Hanggang ngayon ba naman may hahabol nanaman sakin?!" Inis na sagot niya

"What?" Tanong ko

Napahinga siya ng malalalim.

"Bukas na ang start ng university week, pwede ba kita mayaya bukas?" Tanong ko

"Para saan nanaman?!" Mukhang ang laki ng galit sakin ng babaeng to.

"Gusto ko lang naman kasing.." Napakamot ako sa ulo ko

"Ano?!"

"Pwede ba kitang mayaya bukas kasi gusto ko lang talagang makabawi sa lahat ng ginawa ko sayo" sagot ko

"Diba nga sabi ko sayo hindi na kailangan?" Inis na tanong niya saakin

"Please?" Tanong ko

"Bakit ba? Diba sabi ko okay na? Kaya wag ka na kasing magpumilit!" Inis nanaman na sagot niya

"Kung talagang okay na ang lahat, bakit parang ang laki pa ng galit mo sakin? Hindi mo parin kasi ako napapatawad diba? Kaya nga ako nagyaya para maayos na to. Ayoko kasing nagagalit ka sakin" sabi ko sakanya

Napaiwas siya ng tingin saakin.

"W-wala" mahinang sagot niya habang nakatingin sa gilid niya

"Wag mong sabihing.." Linapitan ko siya.

Iniiwas niya yung mukha niya pero naabot ko pa yung tenga niya para ibulong ang sasabihin ko.

"May gusto ka sakin" napasmirk ako sa sinabi ko

Pero imbis sampal o sapak ang maranasan ko..

Sinabunutan niya ako.

Hindi pa ako nakakalayo sa may tenga niya nung bigla bigla niyang hinila yung buhok ko at pinagsisigawan.

"Aba't gago ka pala ah! Ang kapal ng mukha mo!" Sabi niya habang sinasabunutan ako

"Aray! A-aray!! Ouch! Hoy!!" Sigaw ko habang pinipilit kong alisin ang ang kamay niya sa buhok ko

Kingina makakalbo ako sa babaeng to.

"Tama na oy! Joke lang yun!" Sigaw ko

Bigla bigla niya din binitiwan ang buhok ko.

"Ayusin mo yang bibig mo! Puro kalandian kasi ang naiisip mo!" Sigaw niya at tinalikuran na ako

Pakshet. Masakit yung ginawa niya sa buhok ko ah!

Habang inaayos ko ang buhok ko, iniisip ko kung paano ba mapapasakin yang babaeng yan.

Tsk. Ang hirap naman nito!

Nakita ko si Pika, andun sa booth ng dunkin donut.

Linapitan ko siya, nagugutom ako eh hahah

"Pika, penge" sabi ko

Our Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon