Dindin's
SOMETHING in our dynamic changed after that dinner at the convenience store that night. I could see how more open Jacob is now and it kind of feels nice. I know I shouldn't be feeling like this. Bakit ba ako matutuwa o mata-touch sa mga bagay na ibinibigay o ginagawa niya para sa akin, kahit naman kailan ay hindi ko naman iyon hiningi sa kanya at if I accept the things, he is giving me, I deserve that. For all I know, pera pa rin ng tatay naming ang ginagastos niya and I am entitled to my father's money – anak man ako sa labas, sa high way o sa overpass, anak pa rin ako at karapatan ko ang mga bagay na iyon. Kaya nang nang yakagin niya ako sa mall nang umagang iyon ay hindi na ako tumanggi pa.
At first, I wasn't really comfortable with him giving me things. Ang una niyang binili sa akin ay sapatos – hindi lang basta sapatos, it's branded flat shoes na ang presyo ay kayang – kayang ibili ng pang – isang taong grocery ang limang pamilya o higit pa. Ayokong tanggapin, but then he said that it's his money and he is going to spend it the way he wants kaya tinanggap ko na lang. Those are the most beautiful pair of shoes I had ever seen or worn. Ayoko ngang suotin pero ipinagpilitan niya and when I did wear that, I couldn't help but admire the smile that was on his face that morning.
Somehow, I feel like his smiles are familiar. Hindi ko alam kung kailan o saan pero pakiramdam ko talaga ay nakita ko na ang mga ngiting iyon. Naisip ko na baka ito iyong sinasabi nilang lukso ng dugo. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. There is a part of me that wants to please Jacob, pero nananaig madalas ang parte ng sarili kong gusting – gusto siyang matalo. I want him to fall for me so hard that he would be so emotionally involved that he will be willing to give me half of the Castillo Group of Companies o kung seswertehin ako ay ibibigay niya na talaga at magpapakalayo na lang siya. I hope that one day we will find it in his heart o forgive me. Alam ko naming mali ang gagawin ko but at this point, wala talaga akong pakialam. Gusto ko siyang talunin. I will claim what's mine.
No matter what happens.
"Are you okay?" We were walking side by side inside the mall. Kapapasok lang naming dalawa. Hindi ko napansin na nawala na pala ako sa sarili ko panandalian dahil sa kakaisip ko. Jacob finally stopped in front of me, punong – puno ng pag – aalala ang mukha niya. I gave him a smile para naman hindi siya mag – aalala sa akin. Wala naman siyang dapat ipag-aalala. Iniisip ko lang naman sa ngayon kung paano makukuha ang lahat sa kanya. It doesn't concern him. Para mawala ang pag – aalala niya ay nginitian ko siya, sinabayan ko pa iyon ng paghawak sa kanyang kamay. I acted as if I am needy – sometimes I think I am not acting at all. I feel like I need him – most of the times. Hindi ko alam kung saan galing ang pakiramdam na iyon.
Effective naman ang ginawa ko. Nawala ang pag – aalala sa mukha niya at napalitan iyon ng ngiti, pero may pagtataka. Inilapit ko pa ang sarili ko sa kanya.
"Ano bang ginagawa natin dito?" Nilamyusan ko pa ang aking tinig. Jacob grinned.
"I feel like spending my money so I'll buy you clothes. Kakaunti ang damit mo."
"But I don't need clothes." Totoo naman iyon.
"True. Pero hindi naman pwede ang damit mo sa darating na gala night. You need something to wear then, I'll buy that for you." Tama nga rin naman siya. May gaganapin na gala night sa susunod na lingo at kailangan lahat ng students ay pumunta. Ipakikilala ang mga stakeholders ng school, kasama na rin ang mga Golden Scholar at isa ako roon. "You'll be introduced there, kailangan maayos ang damit mo."
"Okay..." I timidly said. Panandalian akong nakaramdam ng hiya – isang bagay na dapat jhindi ko naman maramdaman kasi nga karapatan ko naman ang lahat ng ito.