Martina's POV
Nandito na kami ni Troy sa bahay. Kasalukuyan kaming nagmomovie marathon. Mag-aalas diyes na pero kauuwi lang namin. Kumain pa kasi kami sa labas at naglakad-lakad sandali kaya natagalan kaming nakauwi. Bumabawi raw ito dahil isang buwan raw niya akong hindi nakita at namiss niya raw ako. Hinayaan ko na lang namiss ko rin naman siya.
"hey! Sweetheart. May problema ba?" tanong niya sakin.
"hmm... Iniisip ko lang kung bakit hindi ka nagpaparamdam sakin nung nasa Paris ka."
"Busy lang ako. Kaya nga bumabawi ako sayo eh." aniya pero sa iba ito nakatingin. "Huwag kang mag-alala hindi naman kita ipagpapalit eh."biro niya.
Napansin ko parang may gusto syang sabihin pero pinipigilan niya ang kanyang sarili. Hinayaan ko na lang ito at saka sumandal sa balikat niya.
Ibinalik ko na lang ulit ang atensyon ko sa aming pinapanood ng magsalita ito ulit.
"Mart."tawag niya sakin
"Hmm..."
"May gusto ka bang ikwento sakin?" tanong niya.
"wala naman"
"Wala kang sasabihin sakin tungkol sa inyo ni Mr. Clarkson?" makahulugan niya tanong.
"A-Ah.... Eh... Wala naman."
"Your lying sweetheart."
"Ahm...were friends. Hindi naman kita ipagpapalit dadagdagan lang. Haha..."
Nagkwentuhan kami habang nanunuod. Nakatulog rin ako habang nakasandal sa balikat ni Troy. Naramdaman ko na lang ng binuhat niya ako. At ilagay sa loob ng kwarto. Hindi na ako dumilat ng maramdaman ko na kinumutan niya ako. Nag-goodnight siya sakin saka lumabas ng kwarto.
Kinabukasan nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Hindi ko na tinignan kung sino ang tumatawag basta ko na lang ito sinagot.
"Hello. Sino to?" inaantok ko pang sagot.
"Good morning" malambing na sagot ng tao sa kabilang linya. Napadilat ako ng mata ng marealize kung sino ang nasa kabilang linya.
"Lawrence? Bakit ka napatawag?" sunud-sunod kong tanong.
"Tinitignan ko lang kung bakit late ang isa dyan. Alas nuwebe na po pero wala ka parin dito sa office."
"Oh! Shit!" napatalon ako sa kama. "Ouch.. Ang sakit." daing ko. Pano sa pagmamadali ay nahulog ako.
"Martina are you ok?"alalang tanong niya.
"I'm ok. I'm ok. I'm coming. I'll be there in 30-40 minutes." naglakad na ako papuntang banyo ng sumakit ang balakang ko. "Aray! Shit!" mura ko.
Nagsalita ulit si Lawrence sa kabilang "Your not ok. Hwag ka ng pumasok Martina".
"Lawrence ok lang ako. Hintayin ko na lang ako dyan sa-
"Huwag ka ng pumasok. Ako ng bahala dito sa office. Magpahinga ka na lang."
"Pero Lawrence hin-
"Martina! Huwag matigas ang ulo."
" Pero hindi na-
"It's an order Martina. If I see you here in office I will throw you outside. Do you get me?"
"Yes."
"Good. I have to go. May meeting will start in 5 minutes. Take care. Bye"
"Bye"
BINABASA MO ANG
Forgetting the Love we HAVE
RandomMartina Tan maganda, matapang pero mabait at nagtatrabaho sa kompanya na pagmamay-ari ng kanyang kaibigan na si Troy Villafuerte Lawrence Clarkson mayaman, gwapo, malakas ang dating, seryoso at walang pakialam sa damdamin ng iba. Ano ang mangyayari...