Chapter 5
Che's Pov
Nagulat ako na isang araw wala siyang paramdam. Para akong tulala na naghihintay ng chat. Every now and then, tinitignan ko. Kada maya't maya, napa patingin, pero wala pa rin. Naiinis na ako, at ngayon ko lang naramdaman ito. Buong araw akong naghihintay sa wala. Lumipas ang dalawang araw na hindi pa rin siya nagpaparamdam ng anumang senyales ng nararamdaman. Sabi ko sa sarili ko na kapag hindi siya nagpaparamdam sa loob ng limang araw, tatanggalin ko ang mga app na ito dahil siya lang ang dahilan kung bakit ako nag patuloy sa app. Sa maghapon, ganoon din ang ginawa ko. Sa tuwing titingnan ko kada maya't maya, napa patingin ako kung online siya pero wala, hindi siya online. Napakaraming bagay ang tumatakbo sa isip ko. Ang ginawa ko ay nagbukas lang ng Facebook. Si Joven, kaklase ko sa kolehiyo, ay nagchachat sa akin, at madalas niya akong tinatandem kay Angelo, kaya naman panay ang chat niya sa akin. Ewan ko sa kan'ya; alam niyang kapatid ko lang turing doon.
@Joven: "Tara, kamusta?"
@Che: "Badtrip naman."
Iyon lang ang sinabi ko sa kan’ya. Ang aga badtrip ko..
@Joven: "Bakit badtrip ka?
@Che: "Paano kasi may hindi naramdaman?"
Tinawanan niya ako. Alam ko naman na hindi talaga siya boto doon.
@Che: "Dalawang araw na kasi. Walang paramdam."
@Joven: “Sino?"
Ngumiti ako. Ang isang ito ay tsismoso din.
@Che: "Iyong taong gusto ko."
@Joven: Taong gusto?"
Mukhang nabigla siya sa sinabi ko.
@Che: Oo na inlove ako."
@Joven: "In love.?"
Natawa ulit ako.
@Che: "Wala namang paramdam.”
@Joven: Si Angelo na lang."
What the hell? Tinawanan ko lang siya.
@Che: "Nakachat mo ba siya?"
@Joven: Hindi naman. Minsan lang. Pero isang araw nag swimming sila. Nakita mo ba?”
@Che: "Hindi. Hindi kasi ako nagbubukas ng Facebook sa main ko. Tsaka bihira akong mag-scroll.”
@Joven: "Pero nagdududa ka kay Angelo?"
@Che: Ah. Bakit naman ako magduda wala naman kami."
"@Joven: "Sabagay kapatid nga pala turing mo doon.
@Che: "Oo naman!
@Joven: Pero nagseselos?
@Che: "Ay."
'Yon lang nasabi ko.
@Joven: "Nag-away ba kayo o nagsabi ng masasakit na salita?"
@Che: "Ah! Bakit? May sinabi ka ba sa kan'ya?"
@Joven: "Wala naman. Never talaga kayong nag-away?"
@Che: "Ah, anong naman pinag-aawayan namin?"
@Joven: "Wala lang. Mukhang ok naman si Angelo sa chat at kausap ng personal, at malaki ang respeto mo sa kan'ya."
@Joven: "Nagka-chat ba si Angelo?"
Ang gulo na kausap ni Joven pinasasabi nito. Sumakay lang ako sa trip niya.
@Che: "Minsan."
Yon lang ang nasabi ko sa kan'ya.
@Joven: "Maya na lang ako chat saiyo. Gising na ang baby ko." Natatawa na lang ako kay Joven.
@Che: "Okay,”
‘Yon lang nasabi ko. Sa huli, nagpaalam na ako sa kan'ya. Kahit wala na akong ka-chat, panay pa rin ang pag-scroll sa Facebook. Nang makaramdam ako ng antok. Bago ako nakatulog sa pangatlong pagkakataon, nagsign ako.
Ang sabi ko, natanggap ko na hindi talaga kami para sa isa't isa. Mukhang hindi talaga kami, kasi wala pa nang isang buwan, mukhang hindi na talaga kami para sa isa't isa.. Ang tanging hiling ko lang ay maliwanagan ako kung bakit hindi siya nagpaparamdam. Gusto kong malaman ang dahilan. Kung hindi, siguradong online siya bukas. Titigil na ako. Nakatulog ako. Kinabukasan, maaga akong nagbukas para silipin. Laking gulat ko nang nagchat siya.
👷: L3nra: "Magandang umaga."
👷: Dalawang araw akong hindi online naghang na CP ko. Atsaka ang tagal kong hindi nakatanggap agad ng code sa popup dalawang araw. Ngayon lang ako na received ng code."
🙋: "Ah!"
‘Yon lang nasabi ko.
👷: "Bumili ako ng cellphone."
🙋 "Wow, sana lahat."
‘Yon lang nasabi ko.
👷: "Na-miss mo ako? Dahil na-miss kita."
Napanganga ako bigla ng hindi ko namamalayan.
,🙋: "Akala ko boss nakalimutan mo na ako."
👷: "Kinakabahan ka ba?"
🙋: "Konti lang boss. Kasi akala ko ginost mo lang ako."
Tinawanan niya lang ako.
👷: "Hindi! Hindi kita ginost."
🙋: "Eh, dalawang araw ka nang walang paramdam."
👷: "Hindi na gumagana ang aking cellphone."
🙋: "Ok,"
Ang tanging nasabi ko.
👷: "Ginawa mo?"
🙋: "Nag-eedit boss."
👷: Ano ang na-edit mo?"
Hindi ako sumagot, kasi ayokong may makaalam na writer ako.
🙋: “Ikaw, boss?"
‘Yon lang nasabi ko.
👷: “Papasok na ako mahal?”
🙋: "Ok boss ingat ka."
👷: “Salamat."
Kung may heart lang, pinusuan ko na sana kaso wala eh. Ang tanging sagot ko lang ay okay lang sa kan’ya. Nagpaalam na siyang pumasok. Ako naman, nagpatuloy sa pag-edit ng story dahil may gusto akong i-publish. May publishing na gusto kong salihan sa call of submission. Sana nga palarin. Maghapon akong nag edit. Pagkatapos kong mag-edit, nanood ako ng Can't Buy Me and Linlang. Talagang inaabangan ko ito, pagkatapos syempre nagdinner, at hinugasan ko ang aming kinainan. Pagkatapos kong gawin ang dapat kong gawin, kinuha ko ang cellphone at tiningnan kung online siya. Naghintay ako hanggang gabi, pero hindi na siya nag-online.
Hinayaan ko na lang siya at hindi ko na kinulit at hindi rin ako nag-chat sa kaniya. Ayaw ko kasi maging makulit at baka mainis siya. Kaya ang ginagawa ko, kapag nag-chat siya, sinasagot ko na lang ang kaniyang chat. Ganoon lang ako magpahalaga sa tao. In-off ko na ang phone ko. Ang sabi ko, bukas na lang baka pagod na siya. Bago ako matulog, Syempre magdasal muna ako. Nang maalala ko ang aking sign, Ibig sabihin ay natupad na ang aking pangalawang kahilingan. Bigla akong natawa, ibig sabihin siya si Mr. Right ko. Pero malabo rin ang nangyari dahil pareho kaming malayo sa isa't isa. Bulacan siya at sa bikol ako. Pero from the bottom of my heart, sobrang saya ko kasi nagkatotoo yung signs ko. Sinabi ko na may isa pang senyales na hindi nagkakatotoo; pag umabot kami ng 1 month ibig sabihin nakatadhana na siya sakin, yung taong mamahalin ko habang buhay. Sa lalim ng iniisip ko hanggang sa dinalaw ako ng tulog. natulog na ako.
BINABASA MO ANG
My Dream Man
RomanceMy dream man Isinulat ni: c_sweetlady Si Che ay lumaki siya sa probinsya na may simpleng pangarap na balang araw ay maging isang manunulat. At nangarap din someday na matagpuan na niya ang lalaking pinapangarap niya. Na mabait, mapagmahal, maunawain...