Chapter One: Late
Apriel's POV
"Oy dalian mo na kasi!" sigaw ko kay Tin
"Teka nga lang kasi eh 'di ba?! Kita mo nasa banyo pa ako, nagbibihis na ako huwag ka mag-alala!" sagot n'ya
"Shungak! Ano nakikita? Nag-uusap tayo sa cellphone oy. At tsaka, huwag mo nga ako sigawan, ear to ear lang naman tayo eh" reklamo ko kay Tin
Eto kasi si Tin, nag-usap kami kahapon na 2pm dapat nandito kami sa tatawid kaso as usual, late. Ano kaya business n'yon sa banyo n'un -.-
Ayan si Christine Dean Meses o kaya Tin nalang yung tawagin n'yo d'yan sa bruhang 'yan, eh kahit ganyan 'yan best friend ko 'yan. Hindi kami BFF, walang forever. Mga taken d'yan chupi, ipaglaban n'yo lang forever n'yo magbre-break din kayo sa 23!
"Nasa'n ka na ba? On the way na ako" sabi n'ya
"Andito ako nasa harap ng Ever nakatayo. On the way? Che, sabihin mo nagsasapatos ka palang" pagrereklamo ko
"Antayin mo ko, patakbo na ako" sabi n'ya
"Ay, bet ko 'yan best! Runner ampeg!" pang-aasar ko
"Tigilan mo nga ako 'priel! Para kang bakla mag-salita!"sagot ni Tin
"Teka nga lang, paano ka nakakapag-ayos kung hawak mo cellphone mo?" Tanong ko"Hindi ata uso sa'yo yung loud speak" pagmamataray ni Tin
"Ah basta, bilisan mo!" sabi ko at in-end na yung call.
Pampa-wala ng gala vibes yung babaeng 'yon kainis!
Umupo nalang ako sa isa sa mga tables ng isang mini store at inantay si Tin.
I'm like a crow on a wire
Kanta ko pabulong. Mahirap na baka ma-discover ako.
All time favorite ko yang kanta na 'yan, Fool's Gold by One Direction. Nakaka-relate amp, parang pasampal yung lyrics, pwede rin ba isampal yung lyrics kay Crush? 'Di, joke.
"Isa nga pong burger, yung buy one take one" order ko sa tindera ng store
"With cheese po?" Tanong n'ya
"Sige" sagot ko at tinignan ko ulit yung cellphone ko.Sinaksak ko yung earphones sa earphone port ng phone at nilagay ko na yung dalawang earplugs sa tenga ko. And as usual, yung fave playlist yung tinugtog ko.
Nagsimula na yung intro ng Fool's Gold, ako naman, favorite eh todo ngiti, mentally pa nagco-concert mahirap na, baka pagkalaman akong baliw dito nag-he-headbang sa isang malungkot na kanta. Atleast hindi Breezy na kanta pinapakinggan ko nuh.
And yeah, I let you use me from the day that we first met but I'm not done yet falling for you. Fool's Gold
Aray naman nito, friend zone talaga. Kamusta kaya composer nito? Dinaig si Miley Cyrus grabe heartbreak. Well, hindi ko magsisi na nag-Wrecking Ball si Miley eh sino naman hindi iiyak eh yung ex mo si Liam Hemsworth. Masyadong hot! Miley's Wrecking Ball is an understatement.
I'm the first to admit that I'm reckless, I get lost in your beauty and I can't see 2 feet in front of me
Dubsmash ko nalang kaya ito, ang tagal naman kasi ni Tin! Kung may date ata 'yun, sigurado iniwan na s'ya ng ka-date n'ya.
"Ma'am, ito na po yung in-order n'yong burgers" sabi ng tindera ng store at nilapag sa counter yung burgers
"Ah, thank you" ngiti ko at inabot ko yung bayad
Yeah, I know your love's not real. That's not the way it feels, that's not the way you feel.
Friend zone overload :-(
Yung pa tapos na yung kanta, bigla nagpatugtog yung market dito ng Thinking Out Loud. Ay, bongga. Really.
Tinanggal ko na yung earphone sa tenga ko at inin-unplug ko na sa port at nilagay sa backpack ko.
Pagkatapos ko ayusin yung bag ko bigla nalang nag-dilim paningin ko. Hindi yung brutal! I mean yung wala ako makita!
"Hulaan mo!" sabi nung lichugas pa-surprise effect pa
"Engkanto?" pang-aasar ko
"'Di!" sabay sabwat n'ya
"Mananggal?" sabi ko at nag-smirk
"Umayos ka nga!" ani ni Tin sabay yugyog ng ulo ko. Wow matinde ha."Oh sige na nga! Mangkukulam!" sabi ko sabay alis ng mga kamay ni Tin sa mga mata ko
"Che! Dami mo alam!" pagtatampo n'ya.
Ay, pabebe kasi eh. Late na nga, asar talo pa. Wawa naman."Oh ano na?" Sabi ko at binigay ko sa kanya yung burger
"Wow, nang-libre si best, teka, selfie muna tayo. Once in a lifetime lang 'to eh" pang-aasar n'ya sabay kuwa ng cellphone n'ya sa bulsa n'yaOnce in a Lifetime :>
"Ano ningi-ngiti mo d'yan? Ayie, iniisip n'ya siguro yung crush n'ya. Ano balita kay Jonah? Lilipat na daw s'ya ng school" dakdak ni Tin
"Jonah nanaman! Rinding-rindi na ako sa pangalan na 'yan! Kasawa na!" Sabi ko sabay patakip tenga effect pa
"Hay nako, walang move on sa'yo! Lalo s'ya ang forever mo!" asar ni Tin
"Lechugas ka" pagmamataray ko
"Kilig ka lang eh, uy!" sabi n'ya sabay tusok pa gilid ng tiyan ko. 'Ge, maganda 'yan."Ano plano ngayon natin Apriel?" Tanong ni Tin
"Gala." Sagot ko sabay tumayoSumunod si Tin sa akin at nagsimula na gumala.
BINABASA MO ANG
My Childhood Bestfriend is Famous
FanfictionMy Childhood Bestfriend is Famous Tagalog One Direction FanFiction One Direction—ang biggest English-Irish pop boyband in the planet. One of the members, Harry Styles has a childhood friend in the Philippines. As he enters life of being famous, auto...