Chapter 24

4 1 0
                                    

Keize's POV

MAG-ISA ang peg ko dito sa room. Dahil walang lecturer at iniwan ako ni Bella. I preferred dito sa loob, napaka-init sa labas at naiinis ako sa ginawang paglapit ni Xavier.

I promised to myself. Whenever I get up in this situation you will never see me again. I learned to forgive myself and not again settle for less now I know what I truly deserve. At hindi kasama si Xavier doon.

Nagmumuni-muni ako nang pumasok si Kairo. Nagtaka pa ko dahil hindi magkakabuntot ang tatlo.

"Oh? Bakit mag-isa ka?" Takang tanong nito at umupo sa tabi ko.

"Nilayasan ako ni Bella, ang init sa labas. Kaya dito muna ako." Tinuloy ko ang pagguhit.

"Nakita ko nga sa labas, hinahanap si Zeke." Nakangising anito. "Magaling ka pala magdrawing." Sinilip niya ang gawa ko.

That's Isabella, she can't stand when someone got mad at her without any valid reason.

Hindi ko gusto ang ganoong ugali niya. Ayoko sa pagiging masyado niyang mabait. Minsan kasi sa sobrang bait niya, hindi na niya napapansin kung sino ang totoo sa hindi sa paligid niya.

Everything is real, but not everyone is true.

"Muntik na ngang mabasag eardrums ko sa boses 'non eh." Nakangusong aniya.

"HAHAHA!"

"Huwag kang tumawa dahil mas malakas ang boses mo, ang sigaw ni Bella normal na boses lang sayo." Nakaturo sa mukha kong aniya.

"Ulol!" Hinampas ko siya sa braso.

"Ang hirap mo naman katabi! Lagi kang nakahampas!" Tinawanan ko siya, at pinalo ulit sa braso.

"Aray, Haniah ah!"

"Ang pikon mo! Saka huwag mo nga akong tawaging Haniah." Natatawang sabi ko.

"May partner ka na sa party?" Pag-iiba ko nang topic baka umiyak eh.

"Wala, bakit yayain mo ko?" Nakangiting tanong niya.

"Eww! Do you really expect na ako ang mag-aaya sayo ah, ang kapal!" Binigyan ko siya nang hindi makapaniwalang tingin.

"Edi ako ang mag-aaya sayo!"

"Yuck! In your dreams! HAHAHA!"

"Bakit! Gwapo naman ako ah, andami ngang nag-aaya sa'kin eh!" Singhal niya sa'kin.

"Mayabang na assuming pa! Kung gusto kitang maging partner edi sana sumama na ko sa kanila! Gago to, HAHAHA!" Pang-aasar ko pa. Sumimangot siya at dinuro ako.

"Ang bibig mo nga!" Inalis ko ang kamay niyang nakaduro sa'kin.

"Huwag mo nga akong duruin! Inaano ka nang bibig ko!" Sigaw ko din sa kaniya.

"Ang pasmado!" Pero dinilaan ko lang siya. "Kaliit mong tao ang lakas ng boses mo." Sinamaan ko siya nang tingin.

"Huwag mo nga akong tawagin na maliit!" Inis na sigaw ko.

"Bakit maliit ka naman talaga!" Tumayo ako at sinamaan lalo siya nang tingin. "Oh? Kapag ikaw nang-aasar tuwang-tuwa ka! Kapag ikaw inasar pikon! HAHHAHA-- aray!" Hinampas ko nang malakas sa braso.

Epal!

"Ayaw mo talaga maghanap nang partner?" Pangungulit ni Kairo. Napabuntong hininga ako.

Role Play UniversityWhere stories live. Discover now