WARNING- R-18: Not suitable for young readers!!!
Kabanata 33
"Siguradong okay lang baby girl? Halos maubos muna ang lotion na hawak mo. Wala na akong maipapahid niyan sa likuran mo oh," nagtatakang wika ni Chance kay Kali habang nakatingin naman ito kay Ran na ngayon ay tila masayang masaya sa pakikipaghabulan sa isang linta.
"Walang magagawa iyang selos mo kung nandito ka lang at pinapanood sila. Ipakita mo ang kaseksihan mo o di kaya'y inisin mo ang isa sa kanila." Hinawakan siya nito sa balikat at tinuro ang dalawang taong naglulumpungan sa harapan nila.
"Ipakita mong Rosales ka huwag kang pakampante at kuhanin mo ang pagmamay-ari mo. Hangga't maaari ay huwag kang papatalo. Gusto mo ba tulungan kita?"
Nilingon niya ito. "Ano naman ang maitutulong mo?"
"Huwag kang ganyan malaki ba ang naitulong ko sayo. Akala mo ba hindi ko napapansin na ginagamit mo ako para pagselosin si Ran?"
Inikutan niya ito ng mata."Oh tapos? Nag enjoy ka naman."
"Malamang enjoy na enjoy talaga---pero mabalik nga sa pinag-uusapan natin. Ano g ka ba paselosin natin ang kaibigan ko?"
Tinaasan niya ito ng kilay. "Teka nga bakit mo ako gustong tulungan? Siguro hihingi ka ng kapalit ano?"
"A-ako? Wala, wala.." defensive nitong sagot at nag-iwas ng tingin.
"Isa..."
"Oo na! Hihingi sana ako ng pabor sayo na makausap si Pau. Di ba kaibigan mo yun?"
"Magkakilala kayo?! How come?"
"Basta. Oh, ano simulan na natin? Lalandiin ko yang Stacy na yan para sayo nang makuha mo ang kaibigan ko. Deal?"
"Sabihin mo muna sa akin kung anong meron sa inyo ng kaibigan ko."
"Dami pang sinasabi eh." Ani nito at mabilis na inilapit ang mukha sa kanya.
Sa gulat niya ay muntik pa siyang mapahiga sa buhangin mabuti nalang at mabilis din ito at nahawakan agad siya sa may likuran. Nagkatinginan silang dalawa ng ilang mga segundo at pangisi ngisi naman ito sakanya.
"Anong ginagawa mo?"
"Ganito ba?" Mas inilapit pa nito ng husto ang mukha hanggang sa ilang pulgada nalang ang mga labi nila sa isa't isa.
Lilingunin niya sana si Ran kung nakatingin ba ito sa kanila pero bago pa man niya magawa yun ay hinawakan na ni Chance ang mukha niya at akmang hahalikan na siya nang bigla namang may nagtulak dito nang malakas.
Napasinghap siya at akmang tutulungan na sana ito pero hinila siya ni Ran nang marahas papalayo kay Chance. Mahigpit na mahigpit ang pagkakahawak nito sa pulsuhan niya at parang mababali na ang kamay niya.
Nilingon naman niya si Chance na ngayon ay nakathumbs up sakanya habang hawak hawak ang pisngi. Doon niya lang napansin na sinuntok pala ito ni Ran at nilapitan naman agad ito ni Stacy.
"Ako na ang bahala sa isang ito, " Chance mouthed.
Lihim na napangiti si Kali nang makita niyang hinila nito si Stacy bago pa man nito masundan sila ni Ran.
"You're hurting me!" Madrama niyang wika kay Ran nang makalayo layo silang dalawa ng tuluyan.
Dinala siya nito sa may dagat. Hindi ito nagsalita pero hindi na nito hinigpitan ang pagkakahawak sa pulsuhan niya. Nung nasa may malalim na sila ng parte ay kumapit naman siya dito, inilagay niya ang kamay niya sa balikat nito.
BINABASA MO ANG
The Mayor's Daughter
RomanceMatigas ang ulo, maldita, spoiled brat, at malandi iyan ang mga bagay na natatanggap niya mula sa lahat ng mga taong nakapaligid sakanya. Kinalakihan na niya iyon at tinanggap na hindi na niya mababago pa ang pananaw ng iba patungkol sa kanya. Kali...