Kabanata 31

1.9K 28 8
                                    

Humikab ako at marahang idinalat ang mata. Marahan na gumuhit ang ngiti sa aking labi pagkakita sa mukha nilang dalawa. I could hear they little snores that made me giggle.

Magkatabi silang dalawa habang nasa may kanan nila ako nakahiga. They're both topless, nakasiksik si Dalton sa leeg ni Zillex habang sa akin naman nakadantay si Zillex. They looked cute though.

I sighed in happiness as I stared at the two man I love. Pinatakan ko ng halik ang noo nila bago dahan dahang umalis sa kinahihigan at nagtungo sa banyo upang maghilamos bago bumaba para makapagluto.

I want to make it up to them, ilang araw na’rin kase akong naging busy sa kompanya ni Mom pagkapos kong grumaduate kaya naman ngayon lang kami uli nagkaroon ng pagkakataon magkasama.

Napatalon ako sa gulat ng may biglang yumakap sa akin mula sa likod. Paglingon ko ay nakita ko agad ang pupungas-pungas na si Dalton, bahagya pang nanliliit ang mata kaya natawa ako.

“It's still early, bakit bumangon ka na?” malamyos na tanong ko sakanya.

Binasa niya ang ibabang labi at sumiksik sa kurba ng aking leeg, humihikab. “Hindi kita nakita sa higaan, kaya akala ko pumasok ka na.” mahina niyang sabi.

Napalabi ako at hinaplos ang buhok niya bago muling nag focus sa paprito ng ulam na ihahanda ko.

“Tinapos ko na kagabi pa ang trabaho ko, I’m free today.”

Naramdaman ko ang pagkatigil niya sa sinabi ko tinanaw pa ako kung talaga bang nagsasabi ako ng totoo.

“You're not going to your condo?” umalpas ang tuwa sa kanyang boses na kinahagikgik ko.

“Yes, maghapon tayong magkasamang tatlo!” I chirped.

He chuckled and kissed my cheek soundly, hindi na nakatiis at sinakop na ‘rin ang labi ko na agad kong tinugunan. Nasa ga’non kaming akto ng dumating si Zillex na unang binungad sa amin ang nakasimangot niyang mukha.

Sumiksik siya kaya naman umatras na ako palayo sa kalan dahil baka mapaso pa siya.

“Iniwan niyo pa ko sa kama, ganyanan na huh.” singhal niya sa aming dalawa.

Natatawa ko siyang kinabig pasubsob sa akin at matunog siyang hinalikan sa labi niyang nakanguso.

“Oh, tampo ang bebe na ‘yan.. ilan kiss gusto mo?” pang-uuto ko.

Umakto siyang nag-iisip at malaking ngumisi sa akin tila may naisip na magandang ideya.

“One million.” masigla niyang sagot.

Napahalakhak na si Dalton sa likod ko habang natulala ako sa naging sagot ng isa, hindi makapaniwala.

“Hindi ka naman patay na patay sa labi ko ‘no?” I asked sarcastically.

He cackled and kiss the tip of my nose. “I just love you too much, baby.” he whispered lovingly.

Hindi ko na napigilan at malawak ng napangiti sa naging turan nito. “Mm.. I love you.. mahal na mahal ko kayong dalawa..” malambing kong sabi pareho silang pinatakan ng halik sa labi.

Those memories I dreamed when I sleep last night, sweet but bitter memories.. dahil alam kong kahit kailan ay hindi na muling magtatagpo ang aming landas.

Four years have passed and I’m sure that they're now happily married to the woman they love. For sure, bumubuo na'rin sila ng pamilya. And I want to witness that even it hurts.

I’m still suffering, I’m still fucked in the head. Ni hindi malaman kung kailan gagaling, nakakaramdam pa'rin ako ng pag-atake ng panic ko ngunit hindi na kasing lala katulad ng dati.

Their Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon