BLAIRE SAMANTHA'S POV
Masaya kaming nakikipagkwentuhan dito kasama ang mga magsasaka. Sobrang nakakaaliw sila dahil andami nilang nakakatawang mga kwento.
"Ikaw pala ang mapapangasawa ni min hija. Marami na kaming nababalitaan sayo at tunay ngang totoo iyon. Napakaganda mong bata at tunay na napakabait." napangiti naman ako ng balingan ako at kausapin ng isang ginang na kasali sa mga magsasakang may edad na.
"Naku hindi naman po." nahihiya kong sagot.
"Napakagaling nga naman talagang pumili ni min ng mapapangasawa." nakisali naman ang iba naming kasamahang nandito.
"Oo nga hijo napakaswerte mo naman dito kay sam." si min naman ngayon ang binalingan nila. Kaya ganon rina ng ginawa ko.
"Of course I am." nakangiti namang sagot ni min sa kanila. Naghiyawan sila at tinutukso kami.
Pilit naman akong ngumiti sa kanila. I almost forgot that we're just pretending all this time.
"Naku kung ako diyan hindi ko na papatagalin pa at magpapakasal agad." hirit naman nung isa sa mga lalaking may edad na magsasaka rito. Kanya-kaniya naman sila ng pagsang ayon doon.
Hilaw naman akong napatawa. Sana ganyan rin ang iniisip ni min. Pero mukhang malabo iyon.
"Eh ikaw naman peter hijo? Kailan mo naman ihaharap sa amin ang mapapangasawa mo. Naku bilisan mo na ang paghahanap at hindi ka na bumabata." napatingin naman ako doon sa tinutukoy nila at ganon na lamang ang gulat ko nang makita yung kuya ni kaia. So his name is peter.
Nakita kong panandalian itong napasulyap sakin bago nahihiyang kumamot sa batok niya.
"Naku wala pa po akong natitipuhan. Saka na lang po kapag nakahanap ako at ipapakilala ko po sa inyo."
"Napakapihikan mo talaga sa babae hijo. Manang mana ka talaga sa tatay mo." pabirong saad ng matandang lalaki.
"Naku dapat lang! Gwapong bata kaya nitong si peter kaya nararapat lamang na maging pihikan rin siya sa babae. Ang payo ko sayo hijo eh humanap ka nitong mga katulad ni sam." nahihiya naman akong napailing sa kanila.
Nakita ko namang napangiti si peter dahil sa sinabi nung ginang.
"Oo nga po manang." sang-ayon ni peter.
Pero hindi ko na sila nagawang mabigyan ng pansin dahil agad akong napabaling sa katabi ko nang mapansin ko ang higpit ng hawak nito sa basong dala niya. Nang angatan ko siya ng tingin ay sobrang talim ng tingin nito sa hawak niyang baso.
"Ayos ka lang min?" nagtataka kong tanong sa kaniya.
Nanatili siyang nakayuko at nakatingin sa baso, "Im fine."
Kahit nalilito sa inaasal niya ay minabuti ko na lamang na ibaling sa mga nandito ang atensyon ko. Pero kahit na ganon ay paminsan minsan ay napapasulyap parin ako kay min. Nahuli ko pa itong pasimpleng tumitingin kay peter tsaka sakin bago mahinang magmumura.
What's wrong with him?
"Heto na! Kumain na muna tayo at tanghali na!" sabay kaming napabaling kay tita celine na dala yung ibang mga niluto namin. Sa likod naman niya ay yung ibang mga magsasakang kasama rito na bitbit rin ang iba pa naming nilutong pagkain. Ngunit ang nakakuha ng atensyon ko ay si tito miguel na may dalang maraming alak.
Nakita ko kung paano magsitayuan ang ibang mga magsasakang lalaking nandito at tinulungan si tito miguel sa pagdala ng mga alak. Hindi ko naiwasang mapailing at mahinang mapatawa sa kanila.
YOU ARE READING
WAY BACK INTO LOVE
RomanceBlaire Samantha is a simple girl. Na ang tanging gusto lamang niya ay ang mahalin rin ng isang Min Vladimir. Pero paano mangyayari yun kung may iba nang tinitibok ang puso ni Min? Magawa niya kaya itong mapaibig o susuko na lamang siya?