C H A P T E R 19

301 16 0
                                    

“Ace, sandali...”

Mas lalo lamang umalpas ang galit na nararamdaman ko ng marinig ang pagtawag sa'kin ni Vincent. Patuloy lang ako sa paglalakad at hindi nag-abalang lingunin siya. Fuck you Vincent! This is all your fault!

“Ace please...kausap—”

Hindi na niya natapos ang sasabihin ng lumagapak ang palad ko sa pisngi niya. Bahagyang tumabingi ang ulo niya sa lakas nang pagkasampal ko. Hindi niya ininda ang sakit nito.

“Gago ka!” Mura ko sa kanya. Sunod-sunod ang paghinga ko sa sobrang galit. “Ilang beses akong nakiusap sa'yo na ilihim ang namimigitan sa'tin noon, pero ano 'tong ginawa mo huh?!” I hissed.

Napayuko siya. “I'm sorry Ace...”

I'm sorry...pagkatapos ng ginawa niya!

“Hindi na maibabalik ng sorry mo ang nangyari Vincent. Sinira muna, sinira muna lahat!” Halos lumitid ang ugat ko sa leeg kakasigaw. “Kung hindi mo lang sana sinabi kay mommy ang lahat, edi sana natuloy yung kasal at hindi nangyari 'to. This is all your fault!”

“Fine, it's all my fault!”

I was shocked when he shouted back. His eyes were dark with anger and pain.

“Can you blame me for doing this?” He said. “I still love you Ace. Nagawa ko ito dahil sa sobrang pagmamahal ko sa'yo. Yes, sinabi ko kay Tita Helga ang lahat dahil ayokong matuloy ang kasal nila.”

My lips parted. I couldn't believe that was coming out of his mouth. Ayaw niyang matuloy ang kasal kaya sinabi niya kay Mommy ang lahat.

“I've been silent for a long time because that's what you want, right? Syempre ako naman si tanga, sumunod rin dahil mahal kita. But Ace, I can't take it anymore. I don't want to be silent—”

“Kaya mas minabuti mong sabihin kay Mommy ang totoo?!” Pagpapakumpirma ko na may halong sarkastikong tinig.

“Yes...”

“Bullshit!” Pagak akong natawa at umiwas ng tingin bago ko ibalik ang tingin kay Vincent. “Satingin mo ba porke't sinabi mo iyon ay magkakabalikan tayo? Hindi!” Mariin kong sambit.

“Hindi ko sinabi iyon dahil gusto kong magkabalikan tayo.”

“Eh ano, Vincent?” Panghahamon ko sa kanya.

His gaze grew darker. Even though I was nervous, I tried not to show it.

“Bakit ka ba nagkaka-ganyan Ace?! Dahil ba hindi na natuloy ang putang inang kasal na'to!”

“Oo!” I back fired. “Vincent, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi na kita mahal. That was a long time ago. Hindi ka pa rin ba nakakamove on. We're done Vincent, we're done!” I said in a hard voice to realize him.

The pain in his eyes is the evidence of how he will be hurt by what I said.

“Why are you so heartless Ace?” He said with a pain tone. “Kung makapagsalita ka ay parang wala tayong pinagsamahan. Parang basura mo lang kung itapon ang relasyon natin noon. Minahal mo ba talaga ako?”

My throat felt dry, and my tongue also shrank. Hindi agad ako nakasagot sa kanya. Ang tingin ko'y nanatili lang sa mga mata niya. I know myself that I loved him. Pero tapos na iyon. Matagal ko ng tinanggap na hindi kami para sa isa't-isa.

Umayos ako at naninimbang siyang pinukal ng tingin.

“I don't care if you still love me. Basta para sa'kin tapos na tayo. It's not my fault if you lock yourself in that bullshit feelings. Pagbalik ko mamaya rito ay dapat nakaalis kana Vincent,” Pagtataboy ko sa kanya.

Our Sinful Love [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon