Kabanata 34Napainat si Kali n nang magising siya at agad na bumaling kay Ran na mahimbing na natutulog sa tabi niya habang wala pa rin itong sagplot. Ipinalandas niya ang mga daliri sa kiss mark nito sa bandang dibdib patungo sa mapupula nitong mga labi.
Napakagat siya ng ibabang labi nang maalala ang nangyari kagabi. Ilang beses siyang inangkin nito at ilang beses naman niya itong hinahayaan tutal ginusto niya naman ang nangyari. Pakiramdam niya ay pagmamay-ari na niya si Ran lalo na't may nangyari na sakanila hindi lang isang beses.
Siguro naman di ba wala na siyang dapat ipag-alala? Kahit na ni minsan hindi lumabas sa labi nito na mahal siya nito at kahit na ilang beses na niyang sinasabi dito kung gaano niya ito kamahal simula kagabi ay hindi siya nito sinasagot. Sa kabila ng nangyari sa kanila ay hindi pa rin niya maiwasan na mag-over think na baka ginagamit lang siya nito at pinapaasa na naman. Subalit agad din niyang iwinakli ang isiping iyon at siniil ito ng halik sa labi kahit tulog pa.
Nang dahil sa ginawa niya ay nagising ito at magkasalubong ang kilay na nakatingin sa kanya. Ngumisi siya at pumaibabaw dito, akmang hahalikan na sanang muli nang pigilan naman siya nito at bumangon.
"Bakit?" Napapahiyang tanong niya at inayos ang buhok niyang buhaghag.
"Kailangan na nating bumalik at hinihintay na ako ni Stacy doon."
Umismid siya."Why don't we stay here for a couple of days? Malaki na naman si Stacy kaya na niya ang sarili niya--"
"She needs me."
Walang imik na pinanood niya lang ito nang magbihis ito sa harap niya at naunang lumabas. Narinig niyang pinapabilis siya nito at aalis na sila. Labag man sa kanyang loob, ay sumunod na agad siya dito pagkatapos niyang ayusan ang sarili. Hindi na sila nakapag-usap habang pabalik sa bahay nito, ni hindi nga siya nagawang tapunan pa ng tingin dahil ang atensyon at isip nito ay na kay Stacy na.
Hindi na naman niya mapigilan na makaramdam ng lungkot kahit pa i-gaslight niya ang sarili niya na mas lamang siya sa babaeng kaibigan nito.
"Señorita, hinintay kita kagabi" nag-aalalang wika ni Melissa sa kanya at pinunasan ang pawis sa mukha.
Hindi niya ito pinansin dahil na kay Stacy na ang atensyon niya na ngayon ay yakap yakap ni Ran. Are they really friends? Anong meron sa kanya at tila hindi ito malayo-layuan ni Ran?
Nag-iwas siya ng tingin nang magtama ang paningin nila nang sandaling bumaling ito sa direksyon sa niya.
"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?"
"Gusto kong magpahinga," pagod na pagod niyang sabi kay Melissa at pumasok sa loob ng bahay.
Sinalubong naman agad siya ni Faith na nag-aalala na rin sakanya. Bigla siya nitong sinipat sipat sa buong katawan na para bang sinisigurado nitong wala siyang nakuhang sugat.
Nakahinga ito nang maluwag at niyakap siya nang mabilis. "Salamat naman sa Diyos at walang nangyaring masama sayo."
"Gutom ka na ba? May iniluto ako," pagpapatuloy nito.
"Wala akong gana. Melissa, dalhan mo nga ako ng gamot at medyo sumasakit ang ulo."
Nilagpasan niya ito at dumiretso sa kwarto. Ilang segundo ang lumipas ay agad rin namang pumasok si Melissa sa kwarto niya dala dala ang nirequest niyang gamot. Pangiti ngiti pa itong lumapit sa kanya pero natigilan rin nang mapansin nito ang pamamaga ng kanyang mga mata at pagtulo ng mga luha niya.
"Anong nangyari sayo?" gulat nitong wika at niyakap siya.
Umiling lang siya dito at humikbi nang humikbi . Gustuhin man niyang sabihin ang totoong nararamdaman niya ay hindi niya kaya.
BINABASA MO ANG
The Mayor's Daughter
RomanceMatigas ang ulo, maldita, spoiled brat, at malandi iyan ang mga bagay na natatanggap niya mula sa lahat ng mga taong nakapaligid sakanya. Kinalakihan na niya iyon at tinanggap na hindi na niya mababago pa ang pananaw ng iba patungkol sa kanya. Kali...