His Voice. (ONE SHOT)

54 3 3
                                    

HIS VOICE (ONE SHOT)
By: Skytwilightxx

"Uwi na kasi tayoooooo" Kanina pa ako kinukulit ni Nina na umuwi dahil baka daw pagalitan kami ni mama. Kahit mapilit si Nina ay hindi niya ako napilit na umuwi dahil nararamdaman ko na kailangan kung tapusin ang concert na pinuntahan namin.

"Ahhhh Hindi ko parin mahanap" Bahagya akong napa buntong hininga. May tatlong nag performer na pero wala parin siya, yung taong hinahanap ko.'

Hindi nanamin tinapos ni Nina ang ganap ng mga singer o banda sa stage dahil umuwi na kami, sa kabilang kanto pa ang bahay namin pero hindi naman ito malayo sa pinang-galingan namin kanina.

Ng makarating kami sa bahay ay nakita ko agad si Mama na may katawag sa telepono.

"Wala na po salamat po-- opo" Aniya ni mama, matapos iyon ay pumunta agad siya sa harap namin

"Alam niyo ba na muntik na akong tumawag ng pulis dahil akala ko nakidnap kayo? Saan ba kayo galing?" Highblood na wika ni Mama.

"Tita! si Kathy po kasi pinilit niya akong manood kami ng live concert sa Park kaya ayun" Aniya naman ni Pinsan.

Ayun, pinagalitan naman kami ni Mama. Matapos ang cheka minute namin ay dumeretso agad ako sa kwarto ko 9 na kaya kailangan ko ng matulog.

~*~

"Bucket full of tears
Baby, know I'm here
I'm here waiting

Close your precious eyes
And just realize
I'm still fighting

For you to be with me
And sit under this tree
We can watch the sunrise
We can watch the sunrise

Wake up feel the air that I'm breathing
I can't explain this feeling that I'm feeling
I won't go another day without you" Ang napakaanghel niyang boses, buti pa siya ang ganda niya'ng kumanta samantala'ng ako, kulang nalang bumagyo.

"Without you" Kinanta niya ulit ang last words ng lyrics at deretsong naka tingin sa akin, napaiwas tingin nalang ako, nakoo si'ng pula na ng apple ang pisngi ko nito.

"Ang cute mo talaga kathy pag nag blush" natatawa niyang wika.

"tse!" Nahihiya kong wika.

"Halika nga" Wika nito habang naka pout, ang cute talaga niya!

Cute na nga gwapo pah! Singer pa! Aba e di siya na.

"Ano ba Kelvin ahhh! Hahaha" Halos maiyak na ako kakatawa, at patuloy parin niya akong kinikiliti.

Pinagmasadan ko ulit ang Mukha niya, matangos ang Ilong, hindi naman masyado maputi, handsome eyes, damn reddish lips and his Black hair. Bahagya akong napa lipbite.

"Basta ako, mag hihintay ako Kathy"

"I love you!" Isisigaw ko sana iyon pero nawala na siya sa paningin ko.

~*~

"Hoy Kathy gising na!" Napaupo ako sa kama ng sigawan ako ng napakaganda kung pinsan.

Pumasok na ako Sa Cr, iniisip ko nanaman ang mukha niya pero wala, blur na blur sa mga pag iimagine ko.

Haaaay! Kelvin kailan kaya kita makikita?

"Hoy Kathy malelate na tayo!" Wika ulit ni Nina pero hindi ko na siya sinagot.

Matagal ko ng hinahanap siya sa reyalidad pero kahit saan ma'ng sulok ay hindi siya nag papakita, siguro hindi talaga kami destiny sa isa' isa.

Simula 2nd Year ay napapanaginipan ko na siya hanggang ngayon' college na ako. Kumbaga para akong lucid dreamers dito.

HIS VOICE (ONESHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon