Chapter 42 (Moving On Is A Process)

1.7K 40 2
                                    

Chapter 42

Moving On Is A Process

" Sigurado ka ba?," tanong ng baklang haircutter sa akin.

"Opo,pangit na po kasi tingnan," sagot ko.Hinaplos-haplos niya ang aking itim at hanggang bewang na buhok.Halata sa hitsura niya ang panghihinayang.

"Pwede nating itrim na lang 'to.Tanggalin lang natin 'yung split ends," suhestiyon niya.

Napangiti ako sa kanyang effort na pigilan ako sa pagpapagupit ng aking buhok. "Nakakasawa na po kasi.Magkaroon man lang ng new look," ngiti ko.

Nakita ko ang pagsulyap niya sa akin mula sa salamin sabay ngiti. "Ah ok! Kunsabagay nakakasawa rin naman nga.Pero nakakapanghinayang talaga.Ang ganda kaya ng buhok mo," aniya habang nilalagyan ng tela ang aking balikat para hindi malagyan ng buhok ang aking katawan.

"Sure ka,hanggang dito?," tanong niya habang inilagay ang kanyang kamay sa ibaba ng aking pisngi na kapantay ng aking baba.Tango lang ang aking isinagot.

Inabangan ko ang kanyang kilos mula sa paghahanda ng mga gagamitin hanggang sa inilapat na niya ang gunting sa aking mahabang buhok.

Napahinga ako nang malalim nang makita ang pagbagsak ng aking mahabang buhok sa sahig ngunit di ko maikakaila na nakaramdam ako ng kagaanan sa aking dibdib.Goodbye bad vibes.Goodbye bad memories.

Pakiramdam ko kasi ay nakasabit sa buhok ko lahat ng alaala ko na may kaugnayan kay Seth.And I have this feeling that cutting my hair will make the pain go away.And I thought,new look will give me a new beginning.

"Infairness,bagay sa'yo.Mas bumata kang tignan," ngiti ni Charlene,ang baklang naggupit sa akin.

"Salamat," ani ko habang tinitignan ang aking sarili sa salamin.Tama siya,bumata nga akong tignan.Mas nagmukha akong fresh.Gumaan din ang aking ulo.

Nang magsawa na ako sa kakatingin sa aking buhok ay lumapit na ako sa counter para magbayad.Kumuha ako ng pambayad kasama na ang tip na para kay Charlene.

Tumunog ang aking cellphone nang makalabas ako sa salon.I pulled my phone and checked the message.It was from Rich.

Rich: Saan ka na?

I typed a reply for her and sent it right away.Agad akong naglakad patungo sa paradahan ng jeep para sumakay patungo sa Baclaran.

"Hala!," Rich's reaction was priceless.Gulat na gulat siya sa maiksi kong buhok.Pagkapasok ko pa lang sa Mcdo kung saan nila ako hinihintay ay nasa akin na agad ang kanilang atensyon.Hindi lang siya ang gulat,pati ang iba naming kaibigan.

"Ang iksi na ng buhok mo," tulalang turan ni Gellie na nagpatawa sa akin.

"New look ang tawag dito,guys," ngisi ko sa kanila.Agad lumapit si Edison at hinawakan ang aking buhok.

"Wala na akong laruan," aniya na tila ba hinayang na hinayang siya. "Pero bagay sa'yo," ngiti niya.

"Oo nga.Ang cute mo," ani James.

"Kaya nga,sarap kurutin," titig na titig na sabad naman ni Nohlan.

"Nagpapaganda ka para kay Seth?," pang-asar na tanong ni Saida.

"Nagpapaganda ako para sa sarili ko," I answered which I know is the right reason.I'm doing this for myself and not for anyone else.

"Tama," Kisses agreed.

"True.Tsaka hindi natin kailangan ng lalaki para magkaroon ng rason para magpaganda," dagdag pa ni Eka.May point siya!

"Whogoat!," tumatawang sagot ni Edison na umani ng batok mula kay Eka.

"Tara na?," tanong ko sa kanila.

"Oo tara na," pagsang-ayon nila sabay nagsipagtayuan na.Napagdesisyunan naming bumili ng tela sa roon para sa ipatatahi naming corporate attire.Mas mabuti na roon dahil mura at makakapili pa kami ng tela na gusto namin at hindi tulad ng mga ready-made na.Okay naman din 'yun pero mas maganda pa rin talaga kapag eksaktong sukat mo.Mas maganda ang fitting.

Ang plano ay dapat madaling araw pa lang ay pumunta na kami kaso dahil sinadya ko talagang magpagupit ay tinanghali kami.Isa pa,alam rin nila na hindi ako papayagan na umalis ng sobrang maaga sa bahay lalo na at wala namang pasok.Dapat ay nagpapahinga lang ako sa bahay dahil summer.

Pagdating sa mismong mga pwesto ng bilihan ng tela ay nakipagsiksikan kami sa mga tao.Naghawak-hawak kaming mga girls ng aming mga kamay para hindi kami magkahiwalay.Isa't kalahating oras din kaming naglibot bago nakahanap ng magandang tela na nagustuhan namin.Nang matapos kaming mamili ay nagkaayaann kaming kumain sa Mcdonalds malapit sa Heritage.

"Bakit di ka hinatid ng daddy mo?," usisa ni James sa akin habang sumusubo ng french fries.

"Ihahatid nga sana ako eh," ani ko sabay inom ng pineapple juice.

"Oh tapos?," tanong ni Nohlan.

"Sabi ko huwag na.Kaya ko naman magcommute.Nanghingi na lang ako ng direskyon kung paano makakapunta rito.Tsaka kasama ko naman kayo.Isa pa,kung maligaw man ako dito,nasa Pilipinas pa rin naman ako," I answered smiling.

I gained no reaction from my friends.They were all staring at me.Para bang may ikinagulat sila.

"Bakit?," tanong ko sa kanila.

"Sino ka? Anong ginawa mo kay Rhum?," tanong ni Gellie na nagpatawa sa lahat. "Si Rhum kapag sinabi ng daddy niya na ihahatid siya,opo lang ang sagot nun.Wala nang chechebureche.Tsaka si Rhum,kapag di niya kabisado ang lugar,hindi 'yun basta sasama dahil baka kung ano mangyari sa kanya," ani Gellie.

"Oo nga.Anyare?," tanong ni Eka.

Oo nga noh? "Grabe naman kayo,di ba pwedeng maglevel up?," natatawang tanong ko sa kanila.

"Nashock lang kami," sabi ni Saida.

"Good for me,right?," sabi ko na lang at nagpatuloy sa pagkain.Umabot na kung saan-saan ang kwentuhan namin at laking pasasalamat ko nang ni isa man lang sa kanila ay walang nagmention ng pangalan ni Seth.

Actually,kaya sinadya kong magpagupit bago kami magkita-kita ay dahil sa inakala kong kasama si Seth.But I was wrong.Walang Seth na dumating.Ayon pa sa mga kaibigan ko ay hindi na raw masyadong nagtetext si Seth sa kanila.Panay lang ang GM.

Speaking of GM,hindi ko iyon binabasa.Lahat ng text mula sa kanya ay agad kong binubura.The more I could stay clear of him,the better.Ang totoo niyan,binura ko na ang number niya sa phonebook ko only to realize na useless din naman dahil memoryado ko iyon.Galing,diba po?

Kaya ayun,di ko na lang binabasa ang mga messages niya.Kahit natetempt ako minsan,super pigil ako sa aking sarili.Namimiss ko siya,oo.Pero ang pag-entertain sa ganoong feeling ay di nakakatulong sa akin.

Matapos ang pagtubo ng insecurity ko sa katawan nang dahil sa pagkakabrokenhearted ko kay Seth ay doon ko narealize na hindi na iyon healthy para sa akin.Kung ang iba ay namomotivate dahil sa sakit,ako naman ay nadedepress.Kaya sabi ko sa sarili ko after that,last na talaga.Magmomove on na ako.

And so I did.Matapos kong nagpagupit ay nagpalit ako ng sim.This is better.Hindi na ako makakatanggap ng text mula sa kanya.I also planned to deactivate my FB account,pero naisip ko,huwag na lang.Hindi ko na lang papansinin ang mga posts niya.

I'll be fine,eventually.Moving on is a process.Pero magagawa ko.I know that.Lalo na at magsisimula na ang training ko sa isang sikat na restaurant sa Tagaytay.

Masarap ang BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon