NADAGDAGAN ANG GALIT

326 14 0
                                    

Ilang sandali pa ay ay lumalakad na sila pabalik sa kalesa na pansamantala nilang iniwan sa parentahan. Alas dos pa lang ng Hapon kaya alam ni Estacie na makakarating sila sa bahay ng mga Tolin bago sumapit ang ika-tatlo ng hapon.

"Kung gusto mong bumalik sa mansyon sa mismong kaganapan ng kaarawan ng iyon ama, dapat ay maganda ang suot mo na damit, my Lady." Kanina pa nagdadaldal si Vista simula pa sa restaurant na kinainan nila.

"En. Pwede tayong dumaan sa salon bukas bago tumuloy sa mansyon." Sagot niya.

Sa mundong ginagalawan niya ngayon, hindi naman ito kasalungat sa mundong pinang-galingan niya. Kung si Jessa ang tatanungin, masasabi niyang kakambal ng kabilang mundo ang mundo na kung saan siya ngayon. Ang kaibahan lang, walang advance technology, walang mekanismo, at ang mga tao ay masyadong pinapahalagahan ang pangalan kesa pamilya.

"Excited na akong makita ang magiging reaksyon ng iyong ama. Sa palagay mo ba maiiyak siya sa tuwa pati ang iyong kapatid?"  Masaya ang tono ng boses ni Vista ng magtanong.

Isang lihim na buntong hininga ang pinakawalan ni Estacie bago sumilay ang isang ngiti. "For sure, yes. Maiiyak talaga siya." Makahulugan niyang sabi.

Hindi nila namalayan na nakarating na sila sa kalesang Nag-hihintay. Inabot ni Vista ang mga tinapay na binili nila para sa kutsero. Ang lalakeng nagmamaneho ng kalesa para sa kanila.

"Salamat po! Matutuwa ang mga anak ko dito pag-uwi ko." Masayang tugon ng lalake.  "Saan na po tayo pupunta?"  Anito ng mapag-buksan ang kalesa.

Sumakay doon si Estacie, kasunod si Vista na siyang sumagot sa tanong. "Tolin's house."

Malugod na tumango ang kutsero bago sumakay sa unahan ng kalesa. Pagkatapos ay nagsimula silang umalis sa bayan.

Samantala, sa Bayan pa rin. Hindi naka-alis papuntang Somyls mansyon ang grupo ng Duke. Nagkaroon ng habulan sa bayan matapos na maaktuhan ng grupo ang pangahas at sapilitang pandurukot sa isang batang namamalimos. Matagumpay na nasukol ng Duke ang umaarteng leader ng grupo na natuklasan niyang isang myembro ng Scorpion. At ngayon nga, pabalik na sila sa Dukedom upang doon simulang imbestigahin ang mga suspek.

"My Lord, kailan ka tutuloy sa Somyls mansyon?" Tanong ng kanyang kawal.

"Bukas. Hindi ba't kaarawan ng Baron bukas?"

"Oh! Ngayon ay naalala ko na. Balita ko ay magkakaroon din ng mahalagang anunsyo ang Baron tungkol sa nalalapit na kasal ng kanyang anak."

"En. Narinig ko rin ang balitang iyan mula sa hari. Magpapakasal ang aking pamangkin kay Estacie Somyls na anak ng Baron." Walang interes na sagot ni Eckiever habang sakay ng kabayo.

"Estacie.. Pero hindi Estacie ang pangalan ng anak ni Baron na alam ko, My Lord?"

"Oh.. Pagkaka-alam ko ay dinala na ng Baron ang kanyang bagong asawa sa mansyon. May anak din ang babae at hindi nalalayo sa edad ng kanyang unang anak." Ang mga impormasyon na iyan galing na rin sa palasyo.

"Ahh.. Kaya pala. Pero kung magkaedad lang sila, bakit tanging si Lucy Somyls lang ang kilala ng ibang kababaihan sa palasyo?"

Bahagyang natigilan si Eckiever. Ayun sa hari, ang edad ni Estacie Somyls ay Labing-pito, tatlong taon ang bata nito sa kanyang pamangkin na anak ng hari. Bagamat hindi pa rin niya ito nakikita.   Kung magkaedad lang si Estacie at si Lucy, bakit ang huli lang ang kilala?

"That's not my concern, Von. Rather, naipaabot mo na ba sa Owl Guild ang gusto kong paimbestigahan?" Pag-iiba niya ng paksa.

"Yes. Pero bakit kailangan pang ang Owl Guild ang mag imbestiga? My Lord, pwede ka naman magpatawag ng isang malakihang selebrasyon na tanging ang mga kababaihan ang imbetado." Sagot naman ni Von.

"Hindi pwede."

"Eh? Bakit?" Kunot noong tanong ni Von na napalingon pa.

"Nakalimutan mo na ba? Hindi ba't sinabi niya na hindi pa siya tumutuntong sa tamang edad? Ibig sabihin ay hindi pa rin  siya makakadalo kung sakali." Napa-tingala si Eckiever habang nagsasalita.  "And I'm sure, even if she's in her debut age, hindi siya dadalo."  Naningkit ang kanyang mga mata.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may isang babaeng ayaw mawala sa isip niya. So unusual.

"That woman... Is getting on my nerves."  Malamig at puno ng iritasyon na dugtong pa ni Eckiever.

Isang kurap lang naging reaksyon ni Von sa sinabi ng kanyang amo.

Samantala, Sa Tolin's house. Malalim ang naging kunot ng noo ni Estacie ng marinig ang sinabi ng ama ng kanyang Lady in waiting.

"Impossible, that's a lie. Paanong.. Paanong namatay si Aloha?" Nanginginig ang katawan at boses na tanong ni Estacie.

Si Vista ay walang imik sa kanyang tabi habang pilit inuunawa ang nangyayari. Kararating lang nila sa mansyon ng mga Tolins at nagulat din sila sa unang ugali na ipinakita ng ama ni Aloha sa kanila. Galit ito noong una subalit ng ipaliwanag ni Vista ang mga nangyari kay Estacie, nahimasmasan ito at saka sila pinapasok. At iyon nga, ikinuwento ng lalake ang sinapit ng anak sa kamay ng Baron.

"Ang kwento ng iyong kapatid ay hinayaan ka ng aking anak na sumama sa Scorpion. Oh.. Aloha..." Ang ina ni Aloha ang umiiyak na nagkwento.

"L-Lucy..! That bitch!"  Kuyom ang mga kamao na nabigkas ni Estacie.

"My lady, hindi kaya siniraan ka na rin ng step-sister mo sa iyong ama?"  Si Vista ang nagsalita habang hawak nito ang kanyang braso.

"My Lady, hindi pa man ipinapakalat ng iyong ama ang pagkawala mo, subalit nalaman naman namin mula sa mga taga-silbi sa palasyo. Narinig nila ang balita mula sa prinsipe. Hindi lang iyon.."  Ang ina ni Aloha ang nagsalita.

"What else? Ano pang kasinungalingan ang ikinalat nila?" Pigil ang galit na tanong ni Estacie.

"That.."  Hindi maituloy ng ginang ang gustong sabihin kaya napa-sulyap ito sa asawa na napa-buntong hininga naman bago nag-salita.

"My Lady, pasensya na sa inasal ko kanina. Bilang ama, masakit para sa akin ang pagkawala ng aming anak. Subalit pagkatapos kong marinig ang mga kwento mo, ngayon ko napagtanto na kailangan kong ipaghiganti ang karumaldumal na pagpatay sa aking anak."  Seryosong naka-titig ito kay Estacie habang nagsasalita.

"Nauunawaan ko, Count Talon. Wag kang mag-alala, sa pagbabalik ko, mararamdaman nila ang galit ng anak na tinalikuran nila."  Makahulugang sagot ni Estacie.  "So, ano pa ang narinig nyo mula sa mga taga-silbi sa palasyo?"

"Salamat kung ganun, magiging panatag na ako."  Sagot ng ama ni Aloha.  "Ayun sa mga kumakalat na balita sa lahat ng Noble family, itutuloy ng Prinsipe ang kasal sa pamilya Somyls kahit wala ka. Iyon ay sa pamamagitan ng iyong kapatid na si Lucy Somyls."

Sa narinig, hindi napigilan ni Estacie ang mapa-pfft! Ilang sandali pa, isang hilaw na halakhak ang kumawala sa kanyang lalamunan.

"So that's why.. That's why they did that to me.. Hahaha! Ngayon.. Mas excited akong bumalik sa mansyon."  Habang tumatawa, hindi alam ni Estacie na tumutulo din ang kanyang luha.

I Will Take Back What's Originally MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon