III

27 2 1
                                    

Lumipas ang ilang buwan ang babae ay matagumpay na nagamot ang gilid ng kanyang paa. Nilagyan ito ng bakal upang hindi na, maimpeksyunan ang iba pang buto nito sa nasabing parte nagba-balak din ang lalaki na anumang oras, ay pwede na niyang palitan ang mukha ng babae. Upang maging malaya na ito at walang tataguan.

Nagtataka padin ang lalaki hanggang ngayon sa nangyari kagabi sa kanya. Wala siyang maalala. Ang tanging naaalala lang niya ay nakatingin siya sa malayo habang nakatayo. At ang mga sumunod na nangyari ay malabo. Ito ang unang beses na naranasan niya ito.

Nagsasanay naman ang babae na maglakad muli. Araw araw ay sinusubukan nitong maglakad para mapabilis ang kanyang pag-galing. At nalalapit na din ang kanyang operasyon. Hindi na din siya nagagambala tuwing gabi ng mga nagpaparamdam sa kanya noon. Kaya't sa tingin niya tinigilan na siya nito.

Araw araw ay lalo siyang nagkakaroon ng pag asa dahil unti unti na siyang nakakapag-lakad ng maayos. Laking pasasalamat niya dahil naroon ang lalaki, lagi siyang tinutulungan nito. Kahit hindi sila magka-ano ano.

Nakatingin lamang ang babae sa orasan habang nakasandal siya sa head rest ng kama niya. Tahimik ang buong paligid, malamig ang hangin, buhay na buhay ang kanyang diwa. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya. Hindi siya makatulog dulot ng kape na nainom niya kanina.

Napapikit siya bigla nang may nakakabinging tunog siyang narinig. Pakiramdam niya ay dumudugo na ang kanyang tenga dahil sa sobrang lakas ng tunog na hindi malaman kung saan nanggagaling.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The 13th Lie (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon