Cielo

12 0 0
                                    

Habang ako'y naglalakad para magbayad ng aking binili, ay agad napahinto ang sarili dahil may isang babaeng nakakuha nang atensyon sa aking sinig.
Sa unang tingin ay agad nadama, ang pusong tumibok sa dalagang nagngangalang cielo.
Nang aking masilayan ang tulad mo, nahumaling agad ako sa 'yong ganda, ang iyong kumikinang na mga mata, at ang ngiti mong napaka ganda.
Ang sarili ay hindi na muling makagalaw pa, dahil nagayuma na sa 'yong ganda, napaka lakas ng epekto nang iyong mahika, nabighani ang sarili sa iyong dating, kahit man simple,  mukhang parang imposible na pagpapalarin ka na maging akin, ngunit kahit man ganyan ang dinalangin ng isip. Ang sarili ay hindi titigil hanggat 'di maabot  kung saan malapit ang puso.  Ikaw ang piniling gustong maging kursunada ng puso, hablay sa'yo ang nagngangalang vicente villiafuerte, o tawagin mo nalang akong iyo.
Sabik na sabik ang sarili, gustong lumapit para hingiin ang numero ng telepono mo. Gustuhin mang lumapit, ngunit ang sarili ay nahihiyang lumapit, at ang mga kamay ay nanginginig habang ang mga mata ko'y nakatitig sa'yo.
"Ano ba ang gagawin ko? Lalapit ba 'ko para tanungin kung ano ang numero ng telepono niya, o hahayaan ko nalang 'tong lumipas?"-ukol ni vicente villiafuerte-"Sige na nga, kakayanin ko kahit man ang hiya ko ay nauuna."Lalapitan na sana ni Vicente Villiafuerte ang magandang dalaga na nagngangalang Cielo mae andres, ngunit ang kan'yang hiya ang nangunguna parin, kaya naman pinalagpas niya ang araw na 'to, at pinakiusap niya nalang ang mga tala na sana'y magkita sila ulit.

Lumipas ang buwan at umpisa na ng klase, ang bawat iskwelahan ay tumatanggap ng mga bagong estudyante, upang mapaunlad ang kanilang kaisipan sa mga mahihirap na aralin.

Dumating ang araw na ikinahihintay ng mga estudyante, agosto 14, 2024. Ang araw na ideneklera para sa mga nananabik na mga estudyante.

"Unang araw ng pasukan, nakaka excite naman!"-ukol ni villiafuerte at ni Andres.
Oras na para pumasok. Ang ibang mga estudyante ay nasa loob ng classroom, habang yung iba naman ay nililibot ang iskwelahan.

Kwinento ni Vicente ang kanyang nakilalang babae sa isang kafè sa kan'yang mga kaibigan.
Ang lahat naman ay nagtaka kung sinong babae ang  kan'yang nilalarawan.
"Ang magandang dalaga na ito, ay siyang unang babaeng nagpatibok sa aking puso. O, sana naman na ipagtugma ulit ang aming mga mata ng tala. Nasasabik akong makilala siya mabuti."-ukol ni vicente.

Ang isa sa mga kaibigan ni vicente ay nagsalita, sinabi niya na. Ang nilalarawan na babae ni vicente ay tugma sa nakita niya. Ang lahat ay napatingin sa babae, kasama nadin si vicente.
Ang lahat ay hindi makapaniwala, dahil ang babaeng 'yon ay tugma sa mga nilalarawan ni vicente.
Gumalaw ang kampana at sinignal ito para ang mga estudyante ay pumunta sa covered court para sa alay ng umaga, at ang pagpapatugtog ng lupang hinirang, at ang school hymm.

Habang papunta ang mga magkakaibigan sa baba na si vicente at ang kan'yang mga kasama.
Nakasulubong nila ang maganda dalaga, ngunit hindi alam ni vicente ang kan'yang tinitignan. At ang dalawa ay nagkabunggo sa isat-isa, ang hawak hawak na pitaka ni Cielo, ay muling nahulog sa baba. Nang kukunin na sana ni cielo ang kan'yang pitaka. Biglang nagpasya si vicente na kunin ang kanyang pitaka. At ang dalawa ay nagkasalubong ng tingin, umabot ng ilang segundo bago matapos ang kanilang tinginan.

"Sorry, hindi kasi ako tumitingin sa dinaraan ko."- ukol ni vicente.
Iniabot ni vicente ang pitaka kay cielo
"Una na 'ko, bye"-vicente
"Bye"-cielo
Ang  dalawa ay nagkatinginan muli, at nagkangitian sa isat-isa.

Matapos ang lahat na ginawa sa covered court, ang mga estudyante ay pinabalik sa silid-aralan para umpisahan ang pagpapakilala sa isat-isa, at sa mga guro na bago lang sa kanila.
Habang papataas, nakita kong nakatingin sa 'kin si Cielo, at ang puso'y muling tumibok.

Pumasok ang unang guro na magtuturo, at 'yon ang english teacher namin.
Ipinakilala niya samin ang sarili niya, at siya ang nagngangalang, mae ann santos.
Habang ipinapakilala niya ang sarili, ay itinuro niya ako para ipakilala ang sarili para sa mga bago.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CieloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon