Her Pov
"IKAW NA NGA ITO'NG NA SA BARKADA LAGI AT NAG IINOM, IKAW PA MAY GANA LUMAYAS!"
"TALAGA! DAHIL SAWA NA'KO DITO!!"
Nandito ako sa kwarto ko, rinig na rinig ko ang sigawan nila mama sa baba habang ako naman ay walang magawa kung hindi umiyak.
Lagi na lang sila nag-aaway dahil sa palaging lasing ang papa ko pag umuuwi, lagi na lang siya lumalabas kasama mga barkada niya.
At ngayon siya pa 'tong may gana maglayas samantalang wala na nga siya na ambag kay mama sa mga bayarin dito sa bahay, si mama nagpapakahirap habang siya nagpapakasaya sa labas.
9 pa lang ako, pero naranasan ko na maiwan ang malala pa ay mismong papa ko pa, sa kanilang dalawa ni mama kay papa ako mas malapit, kasi sakanya ko mas nararamdaman na mahal niya ko.
Princess treatment, pagmamahal, spoiled lagi sa mga gusto, lahat ng iyon kay papa ko naranasan. Dahil sa pang-iwan niya nagkaroon ako ng trauma sa mga lalaki.
Nang wala na akong marinig na sigawan bumaba na ako, mukhang umalis na nga siya. Nakita ko si mama na nakaupo sa sahig habang umiiyak, lumapit ako at niyakap siya hindi ko na rin mapigilan humagulhol ng iyak. Ang sakit sakit dahil kay papa ko pa mismo naranasan ang maiwan.
"Okay lang 'yan nak, kakayanin natin kahit wala siya uuwi tayo ng probinsya at doon na tayo titira."
"Hush, tahan na anak."
nakita kong bumaba rin yung kapatid ko kaya niyakap ko rin siya.
"Tandaan mo 'to bunso andito si ate,ako ang gagabay sainyo ni mama. Mahal na mahal ko kayo."
Tinapos ko muna ang Grade 3 dito sa manila bago kami umuwi sa probinsya.
Ang bilis ng araw at Graduation na namin, bukas na ang uwi namin sa probinsya, mamimiss ko ang tumira dito sa manila.
Nang matapos ng graduation ay nagpaalam muna ako sa mga kaklase ko bago umuwi.
"Bye guys, mamimiss ko kayo hayaan niyo magkikita pa rin tayo sa susunod."
"Mamimiss ka namin Arienna, mag-iingat ka don ha."
Nagpaalam rin muna ako sa mga youth sa aming simbahan na mga kaibigan ko na rin.
"Paalam po sa inyong lahat, hanggang sa muli."
Pagkauwi sa ay dumiretso agad ako sa kwarto ko at doon nagpahinga, di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
KINABUKASAN
4 am pa lang ng magising ako, agad na akong bumangon at naghilamos para mag ayos na sa pag-alis namin ngayon.
Pagkatapos kong maghilamos ay dumiretso na ako sa cr para maligo. pagkatapos nagbihis agad ako. Ang suot ko ay isang pantalon at tshirt na puti.
Matapos kong mag-ayos lumabas na ako dala yung maleta.
"Ready ka na ba anak?" tanong sa akin ni mama nang maka baba ako.
"Ready na po ma." sabi ko at nagpakawala nang buntong hininga.
Umalis na kami at sumakay ng taxi papuntang airport, habang na sa airport na sa daan lang ang tingin ko. Sana maging maganda buhay namin doon, alam kong may malaking responsibilidad ako haharapin pagkarating sa probinsya at handa akong harapin yun.
Nang makasakay sa eroplano ay tulog lang ang ginawa ko, sana makayanan kong tumira doon. Mamimiss ko ang manila pati na rin ang mga kaibigan ko, hanggang sa muli manila.
***
hi sorry po kung bitin, sa ngayon eto muna dahil busy po ako salamat sa oras niyo:) love u guys!

YOU ARE READING
DIARY
Короткий рассказA life of a girl, who been through a lot since she was a kid.