Ceremony
"Mukha ka talaga Grade 7, hindi Grade 11, Lita!" tuwang tuwang ani ni Tia Fiona habang pinipisil ang pisngi ko. Napapainda naman ako sa sakit.
"Tia, Malalate po ako nyan." hindi pa din ito huminto kahit sa sinabi ko. Hinampas naman sya ng anak nya ng mahina.
"Tigil nyo iyan Ma, nagmumukhang haggard ang baby natin nyan bago pumasok." mas napabusangot ako ng dinugtungan nya ang pang aasar ng mama nya.
"Ate Fina naman.."
"Baby ka ng Mama mo bago ka umalis, dapat baby ka din Babalik sa kanya." paalala ni Tia bago pagdiskitahan ang buhok ko matapos pag gigilan ang pisngi ko.
Biglang dumating si Kuya Filo at natatawa sa itsura namin. Mukhang hindi pa gising ang bunso nila dahil mag aaburuto iyon pag nakita ako.
"Baka Baby na ang iuwi nyang si Lita sa Mama nya." natatawang gatong ni Kuya na ginatungan na naman ni Ate Fina. Magaling sila mang-asar.
"Malabo, hahabulin sya ng itak ni Papa pag may inuwing lalake yan si Lita."
Hindi natapos ang asaran nila hanggang sa dumating at sinabayan ni Tito Loni. Naubos ang 35 minutes ko sa pakikinig sa pang-aasar nila. Natapos lang ng dumating na nakabusangot ang Bunso nilang anak na si Fabian.
Nakasakay na ako ngayon sa sasakyan ni Fabian which is Big bike. Buti nalang at naisipan kong mag pantalon imbis na skirt. Mabilis kasi sya magpatakbo at siguradong liliparin ang palda ko buong byahe.
Nakarating syang matiwasay habang ako ay naubusan ng dugo sa katawan. Naiwan ata ang kaluluwa ko sa daan sa bilis nya magpatakbo. May nalalaman pa syang mag overtake sa mga naunang sasakyan.
Sa labas pa lang ng gate ay madami ng tao. Nagkaroon din ng Traffic sa dami ng sasakyan. Mabuti nalang at Bukas ang Dalawang Gate upang salubungin ang madaming tao.
Pumasok na ako at nalula dahil mas marami pa pala sa loob. Punong puno ang Gymnasium sa dami. Magkasama na din kasi ang Junior at Senior High sa ceremony.
Mabilisan kong inayos ang buhok kong buhaghag pagtapos kong tanggalin ang pigtail na ginawa ni Tia Fiona kanina.
Literal na ginawa akong bata.
Nakipila na din ako kahit pa tulakan ang nagaganap sa unahan at likuran ko. Wala e, uminit na kasi ang paligid at ang Gymnasium ang nagsisilbing silungan.
Hinanap ng mata ko si Fabian at nakita ko ang unipormeng katulad ng sa kanya, nakakakalat sila sa iba't-ibang parte kaya hindi sya madaling mahanap. Kulay Lila kasi iyong sa kanila at nalaman kong mga GAS sila mula kay Fabian. Yun din kasi pinili nya.
May iba na kasing naka uniporme lalo na yung nag-aral na dito mula Junior. Kami namang mga bago ay bawal pa mag uniporme kaya naka white T-shirts lang kami ngayon. Next week bibigyan na kami ng Uniporme.
"Aray...!" mahinang daing ko ng may biglang umapak ng sapatos ko.
Hala, puti pa man din ang kulay ng sapatos ko.
Napalingon ako sa harapan at isang lalake ang nakalingon sa akin habang nakataas ang kilay.
Aba maattitude pa. 'Di man lang nag sorry.
Binigyan ko sya ng simpleng tingin upang ipahiwatig na naghihintay ako sa sorry nya pero tinalikuran nya lang ako.
"Ay bastos." medyo malakas na kumento ko para marinig nya pero patay malisya naman sya. Napairap nalang ako sa inis.
Pinagmasdan ko ang uniporme nya para maiwasan na din.
White short sleeve polo ang uniporme nila, kulay pula naman ang kwelyo at dulo ng manggas. Slacks naman ang pang-ibaba.
BINABASA MO ANG
Under the Pressure
Teen FictionAelita was certain that she had filled out the registration form for the senior high school Strands correctly. She even double-checked it to ensure that she chose the right strand. It was her dream to be part of that Strands, and that's why she had...