First Day
Nang masigurado kong nasa loob na ng aking bag ang lahat ng kailangan ko ay agad ko itong isinara. May kaunting liwanag na sa labas. Tinignan ko naman ang aking suot-suot na relo kung anong oras na at baka ma-late pa ako.
5:30am pa lang. 6:00am kasi ang pasok ko. 6:00-6:30am ay morning assembly kaya siguradong may announcement iyon kaya kailangan kong maabutan. Tahimik akong nagsign-of-the-cross at nanalangin bago lumabas.
"Tara na?" pagyaya ni Rashem. Siya ang maghahatid sa akin sa unang araw ng pagpasok ko. Sinabihan ko naman na siya na kaya kong pumasok mag-isa pero nagpumilit pa rin at inutos na rin iyon ni Mama sa kanya. Hindi ko pa raw kasi kabisado ang daan at pasikot-sikot dito kaya baka maligaw ako.
Hindi naman ako aabot ng high-school na walang alam.
Humihikab pa siya habang nagsimula na kaming maglakad. Walking distance lang naman kasi ang papasukan ko. Pareho kaming walang tulog. Sanay na kaming magpuyat at masyadong nawili kakalaro ng online games kagabi kaya inabot na kami ng umaga. May dalawang oras pa naman ako para matulog pero hindi ko na ginawa. Baka hindi pa ako magising ng alarm ko.
"Unang araw ng pasukan niyo tapos wala kang tulog. Baka buong klase mo tulog ka niyan?" kunot noo niyang tanong at pinipilit magseryoso.
Plastik talaga kahit kailan.
Hindi siya concerned, nang-aasar siya. Kahapon pa niya ako ginaganito. Baka raw mapaaway ako kasi transferee ako. Ma-bully kasi first day. Makipagbasag-ulo dahil sa ugali ko.
Ang aga aga binabadtrip agad ako.
"Sigurado namang class-schedule, introduction, at interactions lang naman ang mangyayari ngayong araw." sagot ko naman sa kanya.
Hindi ko maiwasang pansinin ang mga estudyante rin na nakakasabay namin. Maaga pa naman sa totoo lang pero marami-rami na akong nakikita na magiging schoolmates ko pa ata. Alam ko ang istura ng
uniporme namin kaya sigurado ako.Ang iba sa kanila ay excited, looking forward at kasabay ang mga kaibigan nila. Ang iba naman ay mukhang kabado at rinig na rinig pa ang boses nila.
"Shit. May pasok na talaga." reklamo ng isa sa kanila.
"Bitin pa ako sa bakasyon natin." dagdag pa nung isa rin.
"Sana same section tayong lahat. Kasi ang alam ko shuffle 'yong distribution ng mga estudyante kada section." sabi no'ng pangatlo.
"Gago? Edi, mixed 'yon?" iyong pang-apat naman ang nagsalita.
"Oo, pwedeng magsama ang mga matatalino at bulakbol mag-aral."
"Paano 'yong star section?"
"Ewan ko." sagot at iling nung pang pang-apat.
"Ayos lang 'yan. Magkakasama pa rin tayo. Ako lang naman matalino sa atin e." pagyayabang ng lalaking naunang magreklamo kanina. Agad namang nagtawanan ang mga kasama niya.
"Gago! Maniniwala pa ako kung si Kian nagsabi niyan."
"Tanginamo, Ray. Dagdag kasalanan ka na naman sa pagsisinungaling mo." hirit pa no'ng isa at nagtawanan ulit sila.
"Mga bwesit talaga kayo"
"Pero paano tayo maghahanap ng crush niyan?" biglang sabat nong pangalawa. Salitan lang ata sila sa pagsasalita. Pinanindigan ang mga pwesto nila.
Crush? Ano sila elementary?
"Bagong crush? Ayaw mo na kay Kaycee, Aarius?" tanong nung pangatlo.