Kabanata 39

82 2 0
                                    

Kabanata 39

"I'm not that hurt, I promise you. Konting  sugat lang at bruises sa katawan, but I'm fine. Hindi ako natamaan ng bala," ani ni Ran at mabilis na hinubad ang pang-itaas na damit saka ipinatingin sa dalaga ang kanyang pangangatawan.

Ipinalandas ni Kali ang daliri mula sa braso niya hanggang sa malapad nitong dibdib at tumigil ang kamay nito sa bandang tiyan niya saka naman siya nito tinignan.

May lungkot sa mga mata nito. "Nakuha mo ito nang dahil sa pamilya ko. Hindi ba pwedeng iba nalang ang makipagbarilan sa mga walang kwentang tauhan ng mga Alcatraz na yan? Huwag na ikaw."

"Kailangang ako ang makuha sa mga Alcatraz,  Kali. Kailangan ako mismo ang magdadala sa kanila sa kulungan," mariing wika niya na mas lalong ikinalungkot ng dalaga.

"Bakit?" Nanlulumo nitong wika at nang walang makuhang sagot ay iniba nito ang tanong.

"Bakit hindi nila kami tinitigalan? Hindi ako naniniwalang away sa politika lang ito. There could be a deep reason why they're so eager to kill my whole family."

Kahit pa alam ni Ran ang tunay na rason ay wala siya sa posisyon na sabihin sa dalaga ang katotohanan. At isa pa ayaw niyang mag-alala lang ito lalo.

"Please, may dapat ba akong malaman? Did Dad do something bad for them to get revenge? Nalilito na ako, Ran."

His heart throbbed when she called him his name. It was like music to his ears. 

Pinag-isipang mabuti ni Ran ang sasabihin. "No, your Dad didn't do anything bad to them."

"Then what could be their reason? I'm begging you, be honest to me."

"They're just bad people. That's all." Hinagkan niya ang noo nito at pinagdigkit ang kanilang mga noo.

"You don't have to worry. I'll protect you and your family."

"Mas lalo lamang akong mag-aalala na ikaw ang magpoprotekta sa amin. I don't want you to get hurt, Ran."

He can't help but smile.

Kumunot bigla ang noo nito at nagtatakang lumayo. "Why are you smiling? You think it's funny to see me worrying about you?" masungit na wika nito at dinuro ang siya.

Natatawang ibinaba ni Ran ang daliri nito at hinagkan ito sa labi nang ilang beses saka naman pabirong pinitik ang noo at niyakap ito hanggang sa mapahiga silang dalawa sa kama.

Nakabaon ang mukha ni Kali sa dibdib niya, mahina naman itong nagpupumiglas sa yakap pero wala na itong nagawa nung mas lamang niyang hinigpitan ang pagkakayakap.

"Say it again."

Tiningala siya nito na nakakunot pa rin ang noo at naguguluhan.

"Ang alin?"

"My name. I think that was the first time I ever heard you call my name  without getting angry."

Unti unting pumaskil ang ngiti sa labi ni Kali.

"You like it?"

"I do."

"I think you'll like it more if I say your name while we..." binigyan siya nito ng nakakalokong ngiti at hindi na itinuloy ang sinabi.

"I think so..." Pagkasabi niya nun ay siniil niya ito agad ng halik at nung gabing iyon ay muli silang nag-isang dalawa habang mapang-akit na sinasambit nito ang pangalan niya.




Naalimpungatan si Kali nang marinig niya ang ingay ni Lily sa labas habang naglalaro ito. Nang tumagilid naman siya ay hindi niya mapigilang mapangiti nang makita ang maamong pagmumukha ni Ran.

The Mayor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon