Nag-unat unat ako bago tumayo. "Another umaga, another paghihirap na naman!"Linigpit ko na ang higaan ko at lumabas na ng kwarto.
Kay aga-aga at kay tahimik tuwing gumigising ako.Ginising ko ang mga kapatid para maghanda na rin.
Hindi na ako nagulat ng paglabas ko ng banyo ay nandan si Salvin.
Sinamahan niya akong ihatid 'tong mga ito sa school nila. Si Lyv ay nauna na kasama ni Aciel. Nagpumilit siyang sumama pero sabi ko baka may kailangan pa siyang gawin at pinauna na.
"Oy! H'wag makulit ha. Mag-aral ng mabuti." sabi ko sa kanila habang ginugulo ang buhok nila.
"Okay, nanay!" loko-lokong sabi ni Salvin.
Napailing nalang ako at nag-abang na ng dyip. Hindi ko dapat pabayaang sirain niya ang araw ko.
Pagkadating sa eskwela ay tumambad sa akin ang ingay ng mga taong lagi nalang akong pinag-uusapan, it's not like I care. Basta alam kong wala akong inaapakang kung sino.
Nakapamulsang umuna sa akin si Salvin. Bogla siyang humarap sa akin. "Bakit ka nila sinasabihan ng kung ano-ano?" inosente niyang tanong.
"Dunno, hayaan mo na." malumanay lang ako kung magsalita.
Nagkibit-balikat siya, "Paunahan sa room!"
Napailing nalang ako at tumakbo na rin, 'Aba! Ba't ako magpapatalo?'
Pagdating tuloy namin sa room ay pawisan kami. Buti at magkalayo kami ng upuan kaya natahimik na ang mundo ko.
"Lapitan mo kaya!"
"Ikaw na! Shhh, wag masyado malakas boses!"
"Ako na nga lang, bwisit ka!"
'Finally natahimik na. ' sabi ko sa isip. Akala ko lang pala iyon.
"Yvvaine.." muntik na ko mapatalon sa gulat. "Nadugo iyong tuhod mo... At.. Magkaiba kulay ng sapatos mo.."
Napatingin ako sa paanan ko at nakita ngang dumudugo ito dahil sa pagka-dapa ko kanina na hindi ko manlang pinansin dahil ayaw ko malamangan ni Alvin. Dumagdag pa 'yong pagmamadali ko kanina!
"Ah, oo nga no.." 'Shit! Nakakahiya!'
May isa pang lumapit na lalaki "Do you need a bandaide?" may hawak hawak na bandaide.
"Dummy Vian, she needs alcohol. Right?" may isa pang sumulpot sa tabi ko!
Pinagtutulak pagilid ni Salvin ang mga biglang sumulpot sa tabi ko. "Ba't nyo pinagkakaguluhan Yvvaine ko?!"
Gusto ko na magtakip ng mukha sa sobrang hiya.
"Hala! Ngayon ko lang napansin! Claire, pahiram ng betadine mo!" alalang-alala ang boses niya.
Tinulak siya nung isa pa pagilid "Ako na nga dan!"
Napasapo si Salvin sa ulo, "Aray ko naman, Hazel!"
'Sino ba 'tong mga to?!' 3rd quarter na pero dahil mahiyain ako ay hindi ko talaga sila kilala.
May lalaki pa na nagtanggal ng sapatos ko at sinuot sa akin iyong tsinelas.
Tinignan ko silang lahat saglit. "Teka, ako na."
"Gagi! Hindi niya nga tayo naaalala!" sabi nung isa.
Nagsalubong ang mga kilay ko. 'Naaalala?'
Napabuntong hininga siya. "Mamaya na lang! Byee!" nagflying kiss siya sabay balik sa sariling upuan.
BINABASA MO ANG
Words Of The Past
RomancePaniwalang-paniwala si Yvvaine sa pag-ibig. Sayang-saya panoodin ang mga nagmamahalan. Ngunit nagbago iyon ng maghiwalay ang mga magulang niya. Gusto mang sumubok umibig ay pinigilan niya ito ng husto. Pinigilan niyang mahalin ang kaibigang si Salvi...