Chapter 30

5 1 0
                                    

Isabella's POV

"I'LL just get water." Nakangiting paalam ni Zeke. Lunch break kasi ngayon at kami ang magkasama. The others are nowhere to be found.

Napapadalas na din ang pagsasama namin. Minsan nga inaasar na kami, pero we don't mind since, we enjoyed each other's company.

"Bella!" Napalingon ako ng may tumawag mula sa likod ko.

"Hi! How have you been?" Nakangiting tanong ko.

"Okay lang! Ikaw ang kamusta, hindi ka nagpaalam sa'kin na aalis ka pala ng gang." Pilit akong ngumiti sa sinabi niya.

"Okay naman, may gang na din kami ni Keize." Nawala ang ngiti sa labi niya.

"May bago ka ng gang?" Tumango ako bilang tugon. "Pwede ba akong sumali?"

"Sure ka?" Nag-aalangang ani ko.

"Oo naman, super bored na kasi ako." Nakangusong aniya.

"Bakit naman? Wala ka na ba sa RKW?"

"Umalis na din ako eh, inactive na kasi." Natuwa ako ng inangkla niya ang braso niya sa braso ko. Sanay naman ako sa kaniya, nagulat lang ako.

Si Kestrelle ang unang nag-approach sa'kin nang una akong pumasok sa RKW. Hindi kami sabay ng araw nang sumali sa RKW ni Keize pero si Kes ang una kong naging close. Mas bata siya sa'kin ng isang taon.

"Sige! Ipapakilala kita kay Com." Nakangiting sabi ko at dinala siya sa main.

"Sino ang Commander ng gang?"

"I can't disclose that information eh. Pero once naman na makapasok ka sasabihin lahat ni Com."

"Ahh, I understand that."

I swiped my beep card. "Ang angas naman. Magkakaganyan din ba ako?"

"Yup, ito kasi ang key pass para makapasok at makalabas ng main."

Nasa living area sina Cambree, Lenox, Claud, Zi, at Zach. Mga naglalaro ng online games.

"Guys." Tawag ko sa mga ito.

"Yes?" Tutok pa rin sa mga phone kaya hindi nila napansin na may kasama ako.

"Sasali siya ng gang. Friend ko." Nakangiting ani ko. Doon lang sila nag-angat ng tingin sa'kin. Tumaas ang kilay ni Cambree at sinipat ang kabuuan ni Kes.

"Stop that Camb. You're making her uncomfortable." Nananaway na sabi ko, ngumuso lang siya at nag-iwas ng tingin.

"Alam ba ni Com na may dadalahin ka?" Seryosong baling ni Lenox. Ngumuso ako at umiling.

"You know our rules."

"Pero kilala ko naman siya eh. And besides she's my friend." Nagtatakang wika ko.

"Yeah, pero sana-- Ahh, nevermind." At saka tumalikod.

Bakit siya nagagalit?

Bumuntong hininga ako saka humarap kay Kes na nakayuko. Bigla ay nakaramdam ako ng hiya dahil wala naman siyang ginagawang masama para ganitohin. Hinawakan ko ang kamay niya at bahagya iyong pinisil.

"Camb, si Com?"

"Sa conference." Maikling sabi nito.

Pinaupo ko muna si Kes bago pumasok sa conference. Nag-uusap si Xian, Kairo, Haniah, at Aaron. Nagtataka silang nag-angat ng tingin sa'kin.

Role Play UniversityWhere stories live. Discover now