Pag-pasok ni Estacie sa sariling silid sa mansyon ayon sa kanyang memorya, bahagyang nawala ang pangangatal ng kanyang katawan. Dahan-dahan siyang napaupo sa king size bed na nasa gitna ng malawak na kwartong yun. Bilang dating Jessa na namuhay ng payak sa modernong mundo, masasabi niyang napaka-grande ng kanyang silid ngayon.
"My lady, pwede akong matulog sa sofa. Wag kang mag-alala, sanay naman ako. Alam kong pagod ka, halina at tutulungan na kitang maligo bago matulog." Narinig niya si Vista kaya't napisil niya ang pagitan ng kanyang dalawang mata.
"Kaya ko maligo mag-isa, Vista. At tska, pwede ka matulog sa tabi ko. Malapad ang kama. Bukas na bukas din ay ipapalipat kita sa dating silid ni Aloha." Aniya bago tumayo upang pumasok sa sa sariling banyo.
"Sigurado ka ba na hindi na kita tutulugan?"
"Hmmm.. Siguro, paki-tanggal na lang itong gown." Sagot niya.
Ang totoo, busy pa rin ang kanyang utak sa pag-gunita ng eksena sa hallway. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang mag-cross muli ang landas nila ng Duke. Ang pagkaka-alam niya, Ayaw ng Duke ang lapitan ng sino mang babae.
"Is he that mad at me para guluhin ang bago kong buhay? Oh baka naman, nararamdaman niya na malaki ang magiging kasalan ko sa kanya sa susunod niyang buhay?" Bulong ni Estacie sa sarili.
Pero hindi naman siya ang pumatay sa babaeng yun, diba? Dapat nga, siya pa ang magalit dahil siya ang namatay pagkatapos siyang pagbantaan ni Mr. Vendo.
"Ang lalim ng iniisip mo, binibini." Narinig niyang tanong ni Vista sa kanyang likuran.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Estacie. "Vista, kung halimbawang totoo ang kwento na may kabilang mundo, tapos nabubuhay ang isang pagkatao mo sa mundong yun, anong gagawin mo kong may isang taong gustong kang patayin? Tapos yung taong yun, nabubuhay din ang isang pagkatao niya dito sa mundo natin, and at the same time, galit din sayo, sa palagay mo ba, tama lang na isumpa mo siya?" Hindi na niya napigilan ang sariling mag-tanong.
"Ha?! Pwede ba yun? Paumanhin my lady, pero wala akong narinig na kwento na may iba pang mundo maliban sa mundo natin." Naguguluhang sagot ni Vista.
Muli, isang buntong hininga ang pinakawalan ni Estacie. Yeah right, this world seems to not know any partial knowledge about multi verse. Well, yan ay base sa kaalamang naririnig niya sa modernong mundo.
"Nevermind. Thank you for helping me removed my dress. Maliligo lang ako. Kung may kumatok man, sabihin mo naliligo pa ako." Nanlulumong sagot niya kay Vista bago tuluyang pumasok sa banyo.
Tumagal siya doon ng ilang minuto bago lumabas. Napag-isip-isip pa nga niya ang sitwasyon ng relasyon nila ng kanyang magiging ama ngayon. Kung pagbabasehan niya ang nangyari kanina sa party, pwede niyang sabihin na napaniwala ni Lucy ang kanyang ama. Pero kung pagbabasehan naman niya ang mga salitang binitawan nito, gusto ni Estacie sabihin na, may-bagay siyang hindi nalalaman.
Naturally kasi, ang isang ama na nawalan ng anak, halos magtatalon kapag bumalik ang anak. At isa pa, dapat ipinahanap na siya ng ama simula noong araw na bumalik ito. So why? Why there's no such thing?
Nakaramdam ng kirot sa dibdib si Estacie. Alam niya, ang pakiramdaman na iyon ay ang reaksyon ng katawan ng totoong Estacie.
"Have you been abandoned by your own father, Estacie?" Bulong niya habang naka-tingala sa kisame.
Parang piniga ang kanyang puso ng banggitin niya ang mga salitang yun.
"So, ganun nga. Naawa ako sayo. At the same time, naiinis din. Bakit?" Napa-pikit si Estacie. "Dahil parehas tayo ng naging buhay. I was also abandoned by the people na akala ko, kakampi ko. Ang masakit pa, ginawa ko ang lahat para sa kanila."
Bahagyang gumaralgal ang boses ni Estacie ng sabihin niya iyon. Naramdaman niya ang pag-agos ng maligamgam na tubig galing sa mga mata niya.
"Don't worry, hindi ako papayag na mapawalang bahala ang sakit na dinanas nating dalawa. Magbabayad ang mga taong gumawa nito sa iyo. Ipinapangako ko." Tiim bagang niyang sabi.
Ilang sandali pa, umahon siya sa at tsaka nga lumabas. inabutan niya si Vista na naka-upo sa sofa habang inaayos ang sariling gamit. Napa-angat lang ito ng tingin ng makita siya.
"Binibini! Mabuti at lumbas kana. Kumatok ang secretarya ng iyong ama, ipinapatawag ka. Hmp! Nakaka-inis! Ang ama mo dapat ang pumupunta sa iyo dahil matagal kang nawala. Pero bakit parang hindi siya masaya na bumalik ka!?" Ang mga tinuping damit ni Vista ay muling nagusot.
Mapait na ngiti ang kumawala sa labi ni Estacie. "I also wonder.." Aniya. "Tulungan mo akong mag-bihis. Kailangan kong makausap si Papa bago matulog. May gusto rin akong itanong sa kanya."
Mabilis namang tumayo si Vista at nagmamadaling tinulungan siya sa pagbibihis. Makaraan nga ang ilang sandali, nakalabas na siya sa kanyang silid at tinumbok na ang opisina ng kanyang ama. Kumatok siya doon at narinig ang boses ng ama na nagsabing pumasok siya.
"Ipinapatawag mo raw ako, Father." Pilit ang ngiting pagbungad niya dito. Ang kanyang dibdib ay naninikip.
Nakaupo ang Baron sa harap ng lamesa nito at nakayuko habang may sinusulat.
"I talked with Mr. & Mrs. Tolin." Pag-uumpisa nito. Hindi man lang siya tinanong kung kumusta siya.
"And then?" Biglang naging seryoso nadin ang ekspresyon ng mukha ni Estacie. Pilit na kinakalma ang sarili.
"Sigh.. Nakarating n siguro sayo ang balita, I ordered to kill your lady in waiting. Dahil akala ko ay may kinalaman siya sa pagkawala mo. At dahil napatunayan na inosente siya, humihingi ng kompensasyon ang pamilya Tolin." Problemado ang boses ng ama habang nagsasalita.
Naghintay lang naman si Estacie sa sasabihin pa neto. Although that situation, she planned it all. Siya ang nag-utos nun sa pamilya Tolin.
"Then what did you tell them? Sigurado ako, binayaran mo sila ng sapat na halaga?" Nagpakunwari siyang palinga-linga.
"Hindi pa. Hindi pa ako nakakapag-bigay." Sagot ng kanyang ama.
"Hindi pa? Bakit naman?" Nilingon niya ito at nakita niyang naka-titig ito sa kanya.
"Well, gustuhin ko man ay hindi ko magawa. Ayaw pumirma ni Lucy sa kasulatan na nagsasaad ng pagbabayad." Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Elvidio habang nagsasalita.
Otomatik na napa-kunot noo si Estacie sa narinig. "Bakit kailangan ang pirma ni Lucy sa pagbabayad ng pamilya?" This time, talagang sobrang seryoso ng naging boses niya.
"Well, honestly, akala ko patay kana. Ng sabihin ng Prinsipe na gusto niyang pakasalan si Lucy, napagdisisyunan ko na ilipat na kay Lucy ang lahat ng mamanahin mo mula sa akin. I'm sorry Estacie."
Parang binagsakan ng lupa ang buong katawan ni Estacie sa narinig. Nanikip ng husto ang kanyang dibdib at pakiramdam niya ay hindi siya makahinga.
BINABASA MO ANG
I Will Take Back What's Originally Mine
RomanceSi Jessa Diryln, isang part timer na babae na na-frame-up ng sarili niyang step sister. Matapos niya itong suportahan sa pag-aaral, ang nakukuha niya sa kanyang madrasta ay mga paninisi, pagpapahirap at pang-huli, na-frame-up siya. Upang maka...