SIMULA

28 0 0
                                    

--

"Mahal mo pa ba ako?"

"Tama na!"

"SUMAGOT KA!!"

"Hindi na ako...sigurado. hindi ko alam. Hindi na. Siguro hindi na. Masaya na ako ngayon!"

"Masakit lang , mahal. Masakit lang rin isipin na pati pala yung pananatili mo sa tabi ko ay hindi ka na sigurado. Kaya ganun ka kabilis bumitaw. Kasi pati ang pananatili mo sa tabi ko ay hindi ka na sigurado." Walang tigil ang pagtulo ng luha ko habang siya? Wala manlang akong makitang sakit o panghihinayang dahil sira na ang relasyon naming dalawa na pinagsamahan namin sa loob ng halos dalawang taon. Tang ina. "..tinrato kita , mahal. Sa paraang gusto ko na matrato mo ako. Tinrato kita sa paraang deserve mo at sana deserve ko rin....PERO PUTANG INA!" Halos mabasag ang boses ko sa sigaw ko. Tinangka ko siyang abutin pero mabilis na yumakap si Saira sa bewang ko at inilayo ako sa kanya. Duon ko rin naramdaman ang unti-unting paglayo ko sa kanya dahil hawak na rin ako ni Andrei. "..tinanggap ko naman lahat , Rico. Saan ako kulang? Hindi ako nagloko! Hindi ako malandi! Hindi ako makating babae! Hindi ako yung babaeng nakilala mo lang sa kalsada pero bakit itinapon mo lang ako ng ganuon kabilis?" Nanghihina kong sabi at halos wala ng boses.

"So...sorry! Tama na! Ayoko na! Pagod na ako!"

Nadurog ang puso ko ng makita ko ang pagod sa mata niya. Nakakagagu!

"Napagod ka na? Pagod ka na sa akin?" Lumuluha at hindi makapaniwalang sabi ko. "..nagloko ka na noon. Nawalan ka ng updates. Chats. NANLIMOS AKO NG ORAS SAYO. Pero tinanggap ko pa rin. Tapos putang ina. Ikaw ang pagod?" Di siya nagsalita. Lalo akong kinakain ng galit ko! Tang ina!

"Umuwi na tayo.." Dinig kong sabi ni Andrei. Isa sa barkada niya pero hindi ko siya pinansin.

"Kai! Tara na! Kahit ano pang sabihin mo! Wala na siyang pake sayo! Tanggapin mo na!" Sabi ni Saira pero nanatili akong nagpupumiglas sa kanya.

Wala akong pake kung nasa harap pa kami ng mga kaklase niyang kainuman niya ngayong gabi.

Nahinto ang mata ko sa babaeng nasa likod niya at sa bakla niyang barkada na traydor rin.

"Hindi ko alam kung bakit madali para sayo ang bitawan ako at hindi piliin palage.."

"Ayoko na!"

Hindi na ako nagsalita ng makita ko ang tapang at galit sa mga mata niya.

Oo nga...

Tama na nga...

--------

It Ends With Us Where stories live. Discover now