CHAPTER 1

0 0 0
                                    

Kiara's POV

"What time ka papasok sa school?" Ava asked.

Pagkagising ko ay yan na agad ang nabasa ko. It's a new day, and I'm finally in my 12th grade. I disregard her message dahil kailangan ko pang kumilos ng mabilisan kase it's already quarter to 7.

Kampante akong hindi ako malelate sa klase dahil tatawid lang naman ako ng kalye at makakapasok na agad ako ng school. I took Humanities and Social Sciences kase gusto kong maging teacher balang araw.

"Mauuna na akong maligo beh" sabi ko sa ka board mate ko.

"Sure 8 pa naman ang pasok ko" she replied. She's in college so that's the normal time for their class.

I took a quick shower kahit medyo malamig. Hindi naman uso ang pag iinit ng tubig dito. It took me 15 minutes to get ready kase hindi ko naman kailangang maglagay pa ng kolorete sa mukha dahil hindi allowed sa school dahil nga high school palang. Simpleng liptint at pulbo lang sapat na.

"I'm here in the department." I replied to Ava's message.

"Okay, I'll go there. See you." she replied again and I closed my phone.

Sabay na kaming nagtungo sa room namin. I'm in the second section since dalawa lang naman ang section samin dahil konti lang ang population namin. Kilala ko naman halos lahat ng kaklase namin pero meron talagang tao na sa kanya ako laging sumasama - yun ay ang taong pinagkakatiwalaan ko.

Wala kaming masyadong ginawa ngayong araw since 1st day of school. Tamang kopya lang ng schedule at nagbigay ng syllabus ang bawat teacher na papasok sa amin kung saan doon na nakalagay lahat ng pag-aaralan namin sa buong quarter.

"Sabay na tayong lumabas?" Si Ava.

"Sure, saan ka ba maglalunch?"

"Sige jan nalang sa tapat ng school para makabalik agad tayo."

Madalas kaming kumain sa harap ng school namin since yun ang pinakamalapit at mura. Marami ka namang pagpipilian na karinderya. Hindi na ako umuuwi ng boarding house since wala naman akong lulutuin doon. Pinagkakasya ko lang ang baon ko since hindi naman kami mayaman.

Laking pasalamat ko nalang na merong scholarship ang school na 'to kaya hindi mabigat sa bulsa ang tuition dito. Siyempre, kaakibat non ang pag-aaral ng mabuti para hindi naman ako masermonan sa bahay na baka puro gala na lang ako dito. Hindi ako masyadong matalino, sakto lang naman.

Our afternoon class starts at 1 P.M.

"Okay next, I want you to introduce your name and what do you expect in our class and as well as in your teacher."

Now it's my turn. I take a deep breath before standing.

"Good afternoon everyone! My name is Kiara Denise Alcantara. What I expect in this class is to have a supportive learning environment where I\we can ask questions, everyone should participate in the class, and to feel encourage to explore new ideas."

Then after I speak, may isang teacher na lumapit sa room.

"Class, please excuse me." Miss Sayson.

"Ang galing mo." Papuri sakin ni Ava.  I just smiled.

Ang hindi niya alam ay inexpect ko na ang portion na 'to kaya alam ko na talaga ang sasabihin ko. Since grade 11 kami ay ganito na ang routine sa 1st day of class and para na rin mahasa ang oral communication namin.

Then maya maya pa ay pumasok na si Miss Sayson sa room. May mga kalalakihan ding pumasok sa room namin nasa pito silang lahat.

"Class, they are seminarians. They will be joining your section for your Leadership subject." Paliwanag ni Miss Sayson sa amin.

Isa isa na rin silang nagpakilala sa harap namin bago sila naupo sa bandang likuran namin.

"Grabe ang gugwapo naman nila." Mahinang tili ni Ava.

"Ano ka ba Ava? Magpapari yang mga yan."

"Bakit sinabi ko bang aasawahin ko sila?" Pagtataray sakin ni Ava. Napapailing nalang ako sa mga sinasabi niya.

"Pero infairnes ha halos mga seminarista ang gugwapo. Hindi naman siguro masama kung hihilingin ko ang isa sa kanila kay Lord." Sabay halakhak. Agad ko namang sinita dahil yung mata ni Miss Sayson ay nasa amin na.

"Ano yun kakalabanin mo si Lord?" Biro ko sa kanya. Pero kunware ay tutok ako sa mga pinagsasabi ni Miss Sayson.

"Gaga!" Hinampas ako. "Baka naman missed call lang yan ni Lord sa kanila."

Kahit kailan talaga ay napakadaldal ni Ava. Walang preno kung magsalita. Prangka kung prangka. Hanggang ngayon ay single parin pero kung kumerengkeng eh parang bihasa na.

"That's all for today, class. Thank you and goodbye" Paalam ni Miss Sayson sa amin.

Vacant time namin pagkatapos hindi pa naman time we still have 20 minutes pero hindi parin umaalis yung seminarians sa room namin. Nilingon ko sila and there - someone is staring at me kaya naman nginitian ko siya. Nagkunwari nalang siyang nakikipag-usap sa katabi niya.

Bigla namang tumayo ang isa kanila.

"Hi guys, I'm Christian. Is it okay ba na kantahan namin kayo? You can ask question naman samin if gusto niyo." He smiled and called his brothers. Agad naman silang nagtungo sa unahan dala dala ang gitara nila.

Aaminin ko lahat sila magaganda ang mga boses. Napakagandang pakinggan at hindi masakit sa tenga ang mga boses nila.

"Guys, eto lang ba ang subject niyo na classmate namin kayo?" Bida bida talaga etong kaibigan ko.

"Yes, leadership lang and after that babalik na kami ng seminaryo." Sabat naman ni Christian.

"Aww. Anong sinasakyan niyo papunta dito at pabalik doon?" Si Casey ang isa sa mga kaklase namin.

"We have a school bus naman." Si Vaughn naman ang sumagot yung panay ang tingin sakin.

Yes, nakita ko talagang nakatingin siya at pasulyap-sulyap sakin dahil pinagmamasdan ko rin siya.

"Magpapari ba talaga kayo?" Hindi mapakaling tanong ni Ava. Napailing naman ako sa kaniya.

"Well, if it's God's calling, who am I to resist." Pormal na sagot ni Karl.

"Ikaw Miss beautiful, wala ka bang tanong?" Si Vaughn, deretsong tanong sakin.

Ha? Required ba magtanong? Tanong ko sa isip ko.

"None." Simpleng sagot ko sa kaniya at ngumiti ako.

After that short jamming ay nagpaalam na rin silang aalis ng room. Bale ang magiging klase nila dito sa section namin ay Monday, Wednesday at Friday lang. Bigla naman nalungkot ang frenny kong etchosera dahil hindi daw siya everyday makakita ng pogi.

Tumayo naman ako para sana mag C.R. ng makita ko si Vaughn na inaabangan akong lumabas. Sumulyap naman ako sa paligid at wala na ang mga kasama niya. Lalagpasan ko sana siya kaso...

"Hi, my name is Vaughn Benedict Laxamana." Sabay offer ng kamay niya for the handshake.

Grabe naman 'to napakapormal. Hindi ako sanay.

Agad ko namang inabot ito at nagpakilala "Kiara Denise."

"Nice name." Puri naman niya sakin.

I smiled at nagpaalam na ako sa kaniyang mauuna dahil baka makalimutan kong may pantog ako.

"See you on Wednesday." Tsaka siya humabol sa kasama niya.

Weird.

Hindi ko naman iyon pinansin at nagpunta sa C.R.

As time goes by...

Naging smooth lang ang araw na 'to dahil purong introduce yourself lang ang ginawa namin.

"Ava, Kiara, Casey, Val, Tina and Princess, kayo muna ang magclean ngayon sa room. Inaasign ko nalang ang mga cleaners para sa susunod na mga araw ulit." Sabi ng student leader namin na si Stella.

Agad naman kaming naglinis na kase 5 P.M. na rin at may mga homework agad which is madali lang naman mga bagay na need lang iresearch para sa advance study and for sure the next meeting may recitation yan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SA SUSUNOD NA HABANG BUHAYWhere stories live. Discover now