Kabanata 43

55 3 0
                                    

Kabanata 43






Tinanguhan ako ni Hilda. Her other hand rested casually on the steering wheel at ang isa naman ay ginamit niya para i-abot sa akin ang isang box at tinanggap ko naman ‘yon.

Kumunot ang noo ko nang matanggap ang box. Magaan ito at halos parang wala namang laman.

“It’s an earpiece.”

Oh!

“Para saan ito?”

“So you’ll know things about our plan while you're out here. Or if there’s a problem.”

Tinignan ko ang itim na box at binuksan iyon. Tama nga ang sinabi ni Hilda, earpiece iyon at nag-iisa. Mas maliit ito ng kaunti kung ikukumpara sa mga airpods or earphones kaya kung isusuot ko man ‘to ay paniguradong hindi ito makikita.

Binalik ko ang tingin kay Hilda.

“S-salamat.”

“Five hours, Vallia.”

I nodded and looked around. “Uh, d-dito ka lang ba or…”

Umiling si Hilda at saglit na tumingin sa akin. “No, I’ll go back. I’ll just fetch you here later.”

Tumango ako.

“May bantay lang gano’n?”

Tumaas ang kilay ni Hilda sa tanong ko na ‘yon. Agad tuloy akong namula dahil baka isipin niya na talagang nagsisinungaling ako o baka naman ay bantayan na niya talaga ako rito bukod pa sa bantay na nasa gilid!

“Wala, Vallia. Matutunugan iyon ni Caden, and I don’t want to take that risk. Besides, you have the code. We can activate it anytime we want if you try to do stupid things.” Tinitigan niya ako kaya napalunok ako. “Anyway, I’ll let you know when I’m here.” Aniya sabay turo sa earpiece na inabot sa akin kanina.

“Oh! S-sige.”

Wala naman sigurong mic ito, ano? Paano kung mag-usap kami ni Caden at narinig niya?

Huminga ng malalim si Hilda at muling sinungaw ang ulo sa akin para makita ko siya. Lumapit naman ako ng kaunti para marinig siya.

“There's no installed mic in that piece. You can only hear me using that. But I can’t hear you.”

Akala ko ay karagdagan pa siyang sasabihin pero nagulat ako dahil sa sinabi niya. Agad akong pinamulahan sa pangalawang pagkakataon dahil doon! Parang alam na alam talaga ni Hilda ang bawat kung ano’ng tumatakbo sa isip ko!

Hindi kaya ay dahil ‘yon sa nilagay nila sa akin?

Tumikhim ako at umaktong naiintindihan ‘yon kahit pa parang gusto ko na lang kainin ng lupa sa mga oras na ‘to.

“Naiintindihan ko.”

“Alright. I’ll go now.”

Sandaling bumisina si Hilda at saka pinaharurot ang dalang sasakyan bago siya nawala sa paningin ko.

Huminga ako ng malalim at tiningala ang malaking building sa harap ko. Kung titignan itong mabuti, mukha lang ‘tong normal na hotel na pinapalibutan ng iba pang naglalakihang building dito sa Tokyo.

Sa laki ng lugar, hindi ko alam kung paano kami magkikita ni Caden. Hindi ako sigurado bakit nandito siya nang araw na ‘yon, kung tulad ko ay may alam din siya sa nangyayari sa likod ng party na ‘yon, o kung sadyang imbitado lang talaga siya sa party at inakalang party lang talaga iyon.

Kung tutuusin, hindi ko alam kung ano’ng nagtulak sa’kin na gawin ‘to. Sa iksing sandali na nagkita kami ni hindi ko man lang natanong kung saan siya namamalagi. Kung hotel ba at ano’ng hotel naman ‘yon, o kung may kakilala siyang pansamantalang tinutuluyan. Alin man sa mga ‘yon ay wala akong alam.

Scattered Pieces (Alma Mina Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon