Kabanata 44"Kali, are you crying?" Nag-aalang bungad na tanong ng kaibigan niyang si Pia.
"I heard what happened. Hindi ba't nahuli na yung kumidnap sayo at nagtangka sa buhay ninyo?"
Narinig niya rin ang boses ni Pau sa background. "Is there a problem?"
"Help me. Gusto ko nang lumayas sa pamamahay na ito. They all lied to me. Hindi ko na kaya pang makita ang pagmumukha nilang lahat" aniya na para bang batang nagsusumbong sa mga kaibigan.
Nung gabing iyon ay wala siyang tigil sa pag-iyak at handa naman pinakinggan siya ng mga kaibigan. Awang awa ito sakanya nang marinig ng mga ito ang malalakas niyang iyak.
Iyon ang unang pagkakataon na narinig siya ng mga ito na labis ang pagtatangis. Sa mga oras na yun ay gusto na lamang ng mga kaibigan niya na puntahan siya at patahanin.
Sa sumunod naman na araw hindi nagpapigil si Kali. Inempake niya ang lahat ng mga gamit niya at dumiretso sa siyudad. Walang nagawa ang buong pamilya niya sa desisyon niyang magpakalayo layo.
Inilunod niya ang sarili sa pag-iinom ng mga alak habang ang mga kaibigan naman niya ay alalang ala. Alam na nito ang pinagdadaanan niya at laking pasasalamat niya na hinayaan siya ng mga ito sa mga gusto niyang gawin.
Umaasa siya na sa pagitan ng pag-iinom at pagbaling ng atensyon niya sa ibang bagay ay makakalimutan niya si Ran. Umaasa rin siya na sakaling mawawala ang nararamdaman niya. Masakit na masakit para sakanya na malaman mula sa mga labi nito ang katotohanan.
Hindi siya makapaniwala na sa lahat ng taong pwede niyang mahalin ay ito pa talaga ang napili ng puso niya. Matatanggap pa niya sana kung ibang tao ang pumatay sa Mommy niya pero si Ran?! No way.
"Kali, I think it's time for you to stop. Bukas mo na ipagpapatuloy ang pag-inom. Hindi ba't hindi ka kumain buong araw? Nakakasama yan sa katawan mo."
Umupo si Pia at Pau sa magkabilang gilid niya. Nasa condo siya ni Pia ngayon at kasalukuyang nakikitira dito nang hindi siya matunton ng pamilya niya.
Tipid siyang ngumiti. "Hindi ako nakakatulog nang maayos kapag hindi ako nakainom. Kayo? Hindi niyo ba ako sasamahan? Kanina ko pa kayo inaaya."
"It hurts us seeing you like this, Kali. Ilang araw ka ng umiinom, nagbabar, at umuwing tila wala sa sarili."
"Alam ko na, why don't we go to the bar tonight? Huwag lang kung nasaan si Trevor dahil paniguradong kasama nito ngayon yung mamatay na taong si Ran."Pambabalewala niya sa narinig.
"Is it really true? He killed your mother? Paano kung pinagloloko ka lang nung Stacy na yun para lang ilayo kayo sa isa't isa?"
"Oh, Pau. I wish it wasn't, but yes, it is. I'm so stupid, right?" Natawa siya ng pagak at nilagok ng diretsahan ang inumin.
"Anong plano mo ngayon after knowing the truth?"
"I will gather some evidence to make that man fall into prison. Hindi ko hahayaang hindi niya pagdusahan ang ginawa niya."
"And if you couldn't find any evidence? What would you do?"
"Simple." Ibinaba niya ang basong hawak. "I'll kill him myself."
Wala nang pake si Kali kung gaano kasama ang plano niya at kung makukulong man siya. As long as she'd get her revenge.
Naibaba ni Ran ang basong inuming hawak. Kanina pa siya umiinom kasama si Eleven, Vigo, at Trevor. Sinamahan siya ng mga ito sa takot na baka anong gawin niya sa mga lalaking lumalapit kay Kali sa di kalayuan.
BINABASA MO ANG
The Mayor's Daughter
RomanceMatigas ang ulo, maldita, spoiled brat, at malandi iyan ang mga bagay na natatanggap niya mula sa lahat ng mga taong nakapaligid sakanya. Kinalakihan na niya iyon at tinanggap na hindi na niya mababago pa ang pananaw ng iba patungkol sa kanya. Kali...