Kabanata 45
"Nakita mo ba ang mukha ng lalaking yun?" Natatawang wika ni Vigo kay Eleven nang makabalik sila ni Ran sa upuan.
"Bakit?"
"Sinuntok ni Ran nang makita niya yung lalaki na nakahawak sa bewang ni Kali. Ayun may pasa sa mata."
"Oh bakit hindi mo nalang ginawang panda? Binigyan mo pa sana ng isang pasa sa kabila."
Inayos ni Ran ang long sleeve niyang suot bago nag-angat ng tingin kay Eleven.
"I wanted to. Kaso baka makita ako ni Kali."
"Sus. Ngayon ka pa ba aayaw? Umalis na siya pagkatalikod niyo."
"What?"
"Bakit hindi mo sinabi agad?!."
Nagmamadaling kinuha ni Ran ang dala niyang purse na naiwan ni Kali sa cr kanina saka naman patakbong sinundan ang dalaga.
Sumunod naman ang mga kaibigan at sumakay sa kotse. Sinundan nila ang taxi na sinakyan ni Kali hanggang sa makarating sila sa isang condominium. Nakita nila itong bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob.
"What's your plan now?" Binalingan ni Vigo si Ran na nakaupo sa backseat habang siya nama'y nasa driver seat.
Ran shrugged his shoulders. "I don't know, maybe make her fall in love with me again?" Wala sa sariling sambit nito na siya namang ikinatawa ng malakas ng mga kaibigan.
"Well, good luck to that. Kahit alam kong malabong magtagumpay ka." Nakangising wika ni Eleven at muling ibinalik ang tingin sa condominium.
"Paano ba yan, hindi tayo pwedeng makapasok?"
"Edi. Umuwi na tayo."
Inis na inis na nagkamot ng ulo si Kali nang marinig niya ang pag ring ng cellphone niya. Sakto namang pumasok si Pia sa kwarto at naupo sa gilid ng kama niya sabay lahad nito ng cellphone niya.
"Your Dad has been calling you. Why don't you answer his calls? Pati nga rin kami ni Pau ay tinatawagan na rin niya even our parents!"
"So?"
"Anong so! Kinukulit ako ni Mommy this morning na sabihin sa Daddy mo na nandito ka sa condo ko. Ayaw kasi nilang magsabi nang walang pahintulot sayo." Nagpuppy eyes pa ito sa harapan niya.
"Please, takot na takot ako sa Daddy mo. Alam mo ba yun? Paano kung i-block mail niya kami?"
"He won't do that."
"PAU! PILITIN MO NGA ANG BABAENG ITO. ARGH." Naiinis na sigaw ni Pia kay Pau na nasa banyo naman at naliligo.
"Kali, sagutin mo na yan. Kung ayaw mong kami mismo ang maghahatid sayo pabalik sa bahay niyo. I'm serious."
Bumuntong hininga siya at tinanggap ang cellphone niya pero hindi niya sinasagot ang tawag. Basta nalang niyang inoff ang cellphone na siya namang ikinalaki ng mata ni Pia at binigyan siya ng matalim na tingin.
"Babalik ako doon."
"Thank God! Makakapag-beauty rest na rin ako at hindi madidisturbo ang pagpapahinga ko. Basta tandaan mo huwag na huwag kang papaloko sa lalaking Ran na yun ah?"
"Tsk. Sa tingin mo tanga ako para balikan ang lalaking pumatay kay Mommy?"
"Good. I don't wanna see you crying again, Kali. At kapag pinaiyak ka pa ng lalaking yun ako na ang sasapak sakanya."
"You can't. Matangkad yun di mo abot, pandak ka remember?"
Masayang masayang sinalubong si Kali nang kanyang ama nang dumating siya sa bahay. Naroon rin ang Tito Robert niya na nasa isang gilid at tila nahihiya pang tumingin sa kanya, si Faith karga karga ang anak at si Cara nandun rin na masama ang tingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Mayor's Daughter
RomanceMatigas ang ulo, maldita, spoiled brat, at malandi iyan ang mga bagay na natatanggap niya mula sa lahat ng mga taong nakapaligid sakanya. Kinalakihan na niya iyon at tinanggap na hindi na niya mababago pa ang pananaw ng iba patungkol sa kanya. Kali...